Zafira's POV
"Belle! Dalhin niyo si Aiden sa Kaharian at hanapin niyo din ang kwintas ko. Yun lang ang paraan para maibalik siya sa dati. Sumama na kayo sa kanya Flint at Jennicah."
"Pero Zaf hindi namin kayo pwedeng iwan dito." tutol ni jennicah
"Hanapin niyo ang kwintas ko para mapagaling si Aiden. Kahit yun lang malaki na ang maitutulong niyo sa akin."
Wala na silang nagawa kaya naman dali-dali nilang dinala si Aiden pabalik sa Kaharian naiwan naman kami ni ama dito sa harap ni Marcus.
"Pinapatakas mo sila? Hmm..sabagay kapag napatay ko kayo ako na ang mamumuno sa buong Kaharian at sa buong Elemental World." Nakangising sabi nito.
"Hindi mangyayari yan!"
Dali-dali ko siyang tinira ng bolang apoy pero nailagan niya lang ito. Patuloy lang ako sa pagtira sa kanya ng bigla siyang magsalita
"Sa tingin mo matatalo mo ko sa pamamagitan niyan?"
Tumira naman siya ng mga kuryente pero gumagawa ang ako ng shield para hindi ako matamaan.
"Oo Marcus!"
Tinira ko naman siya ng tubig pagkatapos ay hangin. Tubig at hangin? Baka nga pwede ko silang pagsamahin para maging yelo.
Pinagsama ko ang tubig at hangin sa mga kamay ko at itinira iyon kay Marcus at agad naman siya nabalot ng yelo.
Nanalo na ba ako? Hindi na siya gumagalaw? Dali-dali akong tumalikod at hinanap si ama. Naglakad ako papalit sa kanya
*CRACk* (sound ng nabasag)
"Zaf anak!"
Huli na! Nagulat na lang ako ng may biglang malakas na boltahe ng kuryente ang tumama sa akin. Sa sobrang lakas nito ay napaluhod ako at unti-unting nabubuwal sa lupa.
Pinilit kong imulat ang mga mata ko. Nakakita ako ng dalawang pares ng sapatos.
"Mamamatay ka na Zafira."
"Hindi! Hindi ako papayag Marcus!" sigaw ni ama.
Wag ama. Hindi mo siya kaya. Gusto ko sanang sabihin 'yun sa kanya kaya lang ni hindi ko mabuksan ang mga bibig ko.
"Gusto mo bang mauna King Zander? Sige, kung yan ang gusto mo."
Tumira si Marcus ng isang kulay itim na usok papunta kay ama. Ano 'yun? dark magic ba yun?
Unti-unting lumapit kay ama ang usok at binalot siya nito.
"Ackk!!" sigaw ni ama na parang hirap na hirap huminga. Unit-unting nawawala ang usok na nakapalibot sa katawan niya. Nakita ko si ama na nakahiga na sa damuhan.
Hindi!! Papatayin kita Marcus papatayin kita!
Aria's POV
Biglang nag-iba ang paningin niya. Kung kanina nanghihina siya at kulay asul ang mata niya ngayon kulay pula naman at nakakalipad pa siya sa ere.
"Akalain mo yun nakakatayo ka pa pala. Kung gusto mo lang mabuhay pwede mo naman akong pakasalan. Sabay nating pamumunuan ang buong Wizards World para hindi ka na nahihirapan tinitingala ka pa." mapang-asar na sabi ni Marcus
"Hindi mo ko madadaan sa ganyan Marcus." Malakas na loob na sabi ni Zaf
"Sumuko ka na lang Zaf, hindi mo ko kayang talunin."
"Kaya kitang talunin Marcus. Kakayanin ko para sa kaharian, para sa mga namatay at nakikipaglaban, para kila lolo, para kila Belle, Jennicah, Flint at para kay Aiden!" Punong-puno ng kumpyansa na sabi ni Zafira.
Biglang humangin ng malakas na animo'y babagyo.
Kinokontrol ni Zaf ang hangin. Si Marcus naman ay halos liparin na sa lakas nito.
"Yan lang ba ang kaya mo?" Mapang-asar na tanong ni Marcus.
Hindi kumibo si Zaf. Nagkoconcentrate siya para sa gagawin niyang spell. Nabasa niya ito sa isang libro noon sa Kaharian.
Nagpalabas siya ng Apoy sa kanyang kaliwang kamay at hangin sa kabila. Patuloy pa rin ang paghangin ng malakas pero hindi na-eepektuhan ang ginagawa niya. Ipinaghalo niya ang apoy at hangin. Nagpalabas naman siya ng tubig sa kanyang kanang kamay at hinalo rin sa nasa kaliwa niyang kamay at ang huli ang lupa.
Ang nagsama-samang apat na elemento ay naging bilog at unti-unti niya itong pinapalaki. Ayon sa librong nabasa niya kapag pinaghalo-halo mo daw ang 4 na elemento matatalo nito ang kahit na anong magic spell pero nakakaubos ito ng enerhiya.
"Miscere omnia et fac illud elementum potens magia!" Sabi ni Zaf at sa isang iglap papunta na ito kay Marcus.
"Hindi mo ko matatalo ng ganyan lang ang gagawin mo."
"Nagkakamali ka diyan Marcus dahil alam kong alam mo na walang makakatalo sa pinagsama-samang apat na elemento."
Bigla namang namutla si Marcus dahil sa sinabi ni Zaf pero naging matapang pa rin ang mukha nito na hindi pinahalata na natatakot siya.
"Edi uunahan kita!" sabi ni Marcus at agad na nagtira ng malaking bolang kuryente kay Zaf pero huli na dahil naihagis na din ni Zaf sa kanya ang bolang may pinaghalo-halong elemento.
Unti-unting naging abo si Marcus at ni isang parte ng katawa nito ay walang natira.
Bigla namang bumagsak si Zaf sa sahig. Kahit gusto niyang tulungan ang kanyang ama ay hindi niya ito magawa dahil nanghihina siya.
Siguro ito na nga ang huli. Atleast naligtas ko ang Kaharian sa kamay ni Marcus bahala na sila Belle dito. Sana maging maayos ang lahat pati si ama. Kahit mawala na ako basta maayos lang sila.
Sabi ni Zaf sa isip niya habang unti-unting bumabagsak ang talukap ng kaniyang mata pero bago iyon may naaninag siyang isang bulto.
* * * * *
Epilogue next chap. napapangitan na ako sa storyang 'to kaya tatapusin ko na sige :)
BINABASA MO ANG
ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔
FantasySTARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vampire still on-going