Chapter 12: Master Haurvat

15.8K 475 11
                                    

Si Master Haurvat ay isang makapangyarihang wizard pero nakatira siya malayo sa palasyo. Ayaw kasi nito tumira doon kahit na pinagkakatiwalaan pa ito ng mga kaharian, mas pinili nitong manirahan sa tahimik na lugar dahil para dito magulo kapag nasa palasyo siya.

Kasalukuyang nasa gubat si Isabella. Sa gubat na ito sinasabing nakatira si Master Haurvat. Wala masyadong hayop pero rinig mo ang huni ng mga ibon. Sa paghahanap ay nakakita siya ng maliit na bahay malapit sa isang sapa. Siguro ay ito na ang bahay ni Master Haurvat dahil iyon na lang ang nakita niya sa ilang minutong paglalakad.

Kakatok palang siya ng biglang bumukas ang pinto. Parang gusto niya tuloy na umuwi na lang dahil ang creep n'yon pero hindi! Kailangan niyang iligtas si Zafira kaya nilakasan niya ang loob at pumasok sa nakabukas na pinto.

"Sino yan?" Isang malalim na boses.

Ayaw na niya magtapangan-tapangan! Gusto na niyang umuwi!

"Sino yan?!" Galit na turan nito.

"Ah..eh.."

"A.e.i.o.u? Sino ba yan?!"

"Ahm... Ang pangalan ko po ay Isa—"

Pinutol nito ang sasabihin niya. "Isa?Dalawa?Tatlo?Ung totoo?"

Tinimpi niya ang sarili. Kanina pa siya nito binabara.

"Isabella Ambroise po."

"Ah, ang prinsesa ng mga Ambroise ay napadpad dito." Lumabas na ang lalaki na nagtatago sa kadiliman, ito din ang pinagmumulan ng boses kanina.

Lumabas ang matanda na may mahabang balbas, suot ang damit na halos makukumpara na sa basahan. Halata sa kulubot na balata nito ang katandaan, kung titignan ay halos kasing tanda ito ni Master Cervanius,

"A-ako nga po. Hinahanap ko si Master Haurvat kailangan ko ng tulong niya."

"Ako si Master Haurvat, bakit?" Seryoso pa rin ito, nakakatakot talaga.

"Kailangan kong mahanap si Prinsesa Zafira."

"Hindi ba nasa palasyo siya ngayon?" Naguguluhang anito.

Umiling siya. "Nagkakamali po kayo, peke po iyon at nagpapanggap lang na Zafira. Kaya po hinihingi ko ang tulong niyo para mahanap ang totoong prinsesa. Sana po ay maniwala kayo sakin." Pagod na siyang hindi pinaniniwalaan ng tao sa paligid niya.

"Hmm" Hinimas-himas nito ang mahabang balbas. "Mukhang nagsasabi ka nga ng totoo. Nakikita ko iyon sa iyong mukha. Titingnan ko kung anong makakaya ko."

Naglabas ito ng isang bolang kristal, pamilyar siya doon. Kung naaalala niya Palantir ang tawag doon ngunit nag-iisa iyon sa mundo nila at si Master Haurvat lang ang mayroon. Ang turo sa kaniya kayang hanapin ng palantir ang kahit ano o sino kahit nasaan man.

Mabuti na lang at tamang tao ang pinuntahan niya. Mabait naman pala 'tong si Master Haurvat gaya ng kwento ng kaniyang ama pero sadyang tinatakot lang siguro nito ang ibang mga wizards para hindi lumapit gaya na lang ng ginawa nitong pagsalubong sa kaniya kanina.

Maya-maya pa ginawa na nito ang seremonyas. Maigi nitong hinihimas ang palantir habang binabanggit ang salitang, "Crystal Cristallum liquido patet, ubi quæso est princeps"

Tatlong beses inulit ni Master Haurvat ang sinabi hanggang sa mag-iba na ang kulay ng mga mata nito. Naging puti ang mga iyon. Lumipas ang ilang minuto, bumalik na ulit ang mga mata nito sa dati pero napasapo ito sa ulo kaya agad niya itong inalalayan.

"Ayos lang po ba kayo?"

"Oo ayos lang." Paninigurado nito sa kaniya. "Medyo malakas lang ang spell na nagtatago sa kanya."

"Totoo ang sinabi mo sa akin." Pahayag nito.

Sinasabi na nga ba niya, tama siya. Take that Flint! "Medyo malabo ang nakita ko. Sabihin mo prinsesa, nasa ilalim ba siya ng dark spell?"

Sasabihin niya ba? Pero hindi pa siya ganoon katiwala dito at plano niya ding kumilos mag-isa.

"Kung nagdadalawang-isip ka Prinsesa wag kang mag-alala mapagkakatiwalaan mo ako."

Wala na siyang nagawa kundi ikwento dito ang tungkol kay Marcus na pinuno pala ng mga Night. Naging kaibigan nila ito pero hindi niya alam na masama pala ito. Sinabi niya din na hawak ng mga Night ang kwintas ni Zafira.

"Pero mahihirapan kang makita ang prinsesa, masyadong delikado."

Bumagsak ang balikat niya dahil sa naring. Alam niya naman na umpisa palang delikado dahil ang mga Night ang kalaban niya pero gusto niya lang talaga iligtas ang kaibigan niya.

"Kaya nakapagdesisyon ako na samahan ka."

"P-po?" Hindi makapaniwalang aniya.

"Pakiramdam ko kasi oras na para bumalik ako sa palasyo."

Hindi niya naintindihan ang huling sinabi nito pero wala na siyang pake. Ang mahalaga may makakasama siya sa paghahanap kay Zafira. Ibig sabihin mas mataas ang tyansa na makita at mailigtas niya ito kung nasaan man ito ngayon dahil may kasama siyang makapangyarihan na wizard.

ariathatsme

ZAFIRA: The Princess of Wizards| COMPLETED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon