THE END -PART2

9.1K 128 30
                                    

CHAPTER 73 - PART 2

Kim's POV

This is the moment! Etong eto na yun! The happy ending for our Kara!

Kumpleto kaming lahat ngayon dito sa Manhattan ....

Ow Yes! You just heard it right. We are all here in New York. With Ara, with Mika ...

And take note, we're on a cruise! A classic style Yatch .... We're on a City Light Cruise!!!! And take note again! Here in New York, The city of love!

Ang bongga diba??? Well ganun katindi si Ara ... Ganun siya kaespesyal magmahal! Handang sungkitin ang bituin sa langit mapasaya lang ang mahal niya, that is how lucky Mika is. I just can't imagine how happy they will be after ng lahat ng to.

Lalo pa ngayong magpapatali na sila. Magpapasakal na sila. I mean, magpapakasal na sila ...

There's no point para hindi sila maging masaya ...

Well at first hindi ko alam kung paanong nakuha niyang iwan si Mika after confessing, after nung gabing yun? Pero I got it .... She planned everything na pala bago pa man namen maisip gawin yung surprise for her ...

And ito kami ngayon? Helping her out na iset up ang lahat.

I think hindi niya kaya alone, lalo pa ngayong aligagang aligaga siya ...

Malapitan na nga baka himatayin pa to eh.

Kim: "Vic! Relax! Sayang ang tuxedo! Hahaha!" tinap ko lang siya sa balikat

Ara: " Kinakabahan ako ate eh!" sabi niya habang pinag iinit pa niya yung kamay niya, hinihipan pa nga eh. Nilalamig siya? Eh butil butil yung pawis niya...

Kim: "Hey chill, everything would be fine! Perfect na lahat Vic! Nothing to worry!" pag aasure ko sa kanya

Well, kasama kami sa plano niya, hindi lang ako, hindi lang ang bullies, hindi lang ang team, hindi lang ang ex enemies niya, hindi lang ang pamilya niya, pero pati ang pamilya ni Mika. Lahat ng taong mahahalaga sa kanila ni Mika.

You heard it right! Lahat kami kasama niya sa Cruise na ito ...

Lahat kami dinala niya dito sa New York! Walang labis walang kulang.

She wants us to witness their wedding, na pinaka the best niyang ginawa. This fact will make Mika the happiest bride ever.

Hiningi muna niya ang blessing mula sa aming lahat bago magpropose kay Mika. And ang lakas ng pogi points niya sa bagay na yun.

Simula pa kahapon, nandito na kami  part of the plan na wag ipaalam kay Mika na aalis kami, kaya nahirapan kaming mag impake, pero nakaraos naman. Wala kami nung nagpropose siya kay Mika, bukod kasi sa busy kami sa pagseset up ng lahat, kausapin yung magkakasal sa kanila, mag arkila ng Yatch exclusively sa amin, magpabook ng Cruise for tonight, lahat ng manners about sa wedding lahat as in, ay minabuti na din ni Ara na wala kami, ayaw daw niya kasing isipin ni Mika na wala siyang ibang choice kundi ang umoo kasi nandun kaming lahat, kasi ayaw niyang mapahiya si Ara kaya lang siya magyeyes, ayaw niyang maipit si Mika sa isang sitwasyon na alam niyang mahihirapan ito. And tama naman siya dun, so naghire na lang kami ng taong magbivideo sa proposal ni Ara.

Good thing at nagyes si Mika, well alam naman nameng hindi na tatanggi yun! Mabaliw baliw nga siya nung nawala si Ara tapos mag iinarte pa ba? HAHAHA

Back to reality, mukhang nabawasan naman ng konti yung kaba ni Ara sa sinabi ko. Hindi bagay sa kanya ang kabahan, well, admit it, napakaperfect ng itsura niya ngayon tapos sisimangot siya? Dapat palagi lang siyang nakangiti, para mas maganda siya, I mean mas pogi, ay mas maganda pala, ay ewan! Poging maganda na nga lang ...

BETTER WITH YOU KaRa <3 (Mika Reyes And Ara Galang FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon