Episode 63

34.1K 1.5K 835
                                    

Episode 63


ONE YEAR LATER...


JANE, kaya mo 'yan. Pilit kong isinasaksak sa utak ko ang mga kataga. Ang ekspresyon ko ay pilit kong kinakalma. Kailangan kong magmukhang normal. Kailangan maging natural.


Ang aking suot ay fitted jeans at black fitted sleeveless top na pinapatungan ng Chanel tweed white jacket. Sa paahan ay hot pink stiletto high heels. Gaano man kaporma at karangya ang aking suot ay haggard naman ang aking mukha. Ang make up ko ay mapusyaw, ang buhok ko ay magulo at ang aking mga mata ay sadyang nangingitim ang ilalim. Ang ayos ko ay itsura ng isang pagod na office lady na magdamag na naglamay ng work sa opisina.


Nasa isa akong restaurant at nag-iisa sa kinaroroonan kong maliit na round table. Ang oras na mababasa sa suot kong wrist watch ay 10:00 a.m.


Pinalamlam ko ang aking kulay abong mga mata. Mula sa kinauupuan ko ay patingin-tingin ako sa katabi kong glass wall kung saan tanaw mula rito ang brandnew black BMW na naka-park sa labas. Ang aking kotse na mamaya ay ibabangga ko sa daan. Dahil ito ang buhay ko ngayon, isang klase ng buhay na handa ko nang sukuan.


On cue ay lumakad ang nasa mid twenties na waitress patungo sa table ko. Naglapag siya ng box of cake sa aking harapan. "Your order, Ma'am," nakangiting aniya.


"Thank you, Miss." Ginanti ko ang kanyang ngiti. Ganito ang pakikitungo ko sa lahat, friendly. Palaging nakangiti.


Umalis na rin ang babaeng waitress pagkatapos. Matapos ang ilang segundo ay bumilang ako sa isip.


Isa, dalawa, tatlo... Pagkatapos ay biglang nag-ring ang iPhone sa loob ng aking hot pink tweed Chanel handbag. Kinuha ko agad iyon at sinagot.


Ini-expect ko ang call na ito. Ngumiti ako na tila ba makikita ng aking kausap ang reaction ko. "Hello, my baby?"


Nakinig ako sa phone bago nagsalita ulit.


"Sorry, baby." Pinalungkot ko ang aking mukha na siyang tunay na dapat kong nadarama sa ngayon. "You know that you are my number one priority. It's just that, Mommy needs to work, too. Sooner or later, masasanay ka rin na palaging wala ako..."


Muli ay tumahimik ako at hinayaang bigyan ng pagitan ang mga segundo.


"Of course, anak. I love you, too. I want you to always remember that I love you..."


Bahagya akong tumingala upang pigilin ang mga luhang akma nang magsisilaglagan.


Ngumiti ulit ako bago magsalita sa phone. "You know what? May pasalubong ako sa 'yong cake..."


Patayo na ako bitbit ang box of cake nang mapatingin ulit ako sa glasswall. Isang sports car ang huminto sa mismong tabi ng kinapa-parkingan ng aking BMW. Pinanlaki ko ang aking mga mata nang makita ang pagbaba ng isang guwapo at matangkad na lalaki mula roon.


Ang lalaki ay nakasuot ng light brown trench coat at black pants. May shades siya sa kanyang mga mata, at agad niya itong tinaggal nang makita niya ako mula sa glasswall. Tila nagulat rin siya pagkakita sa akin.


Hindi na ako gumalaw mula sa aking kinaroroonan hanggang sa makapasok siya sa loob ng restaurant.


"Hey..." Lumapit siya sa kinauupuan ko.


Namasa ang aking mga mata habang nakatingala ako sa kanya. "K-kailan ka pa nakabalik ng Pilipinas?" kandautal ako nang tanungin siya.


"Yesterday." Ang mga mata niya ay lumamlam. "How are you now?"


The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon