Episode 67
"R-ROGUE?!"
Napatulala ako habang nakatingala kay Rogue Saavedra. Napasimangot siya nang ilawan ko siya ng flashlight sa mukha.
Pumikit ang isa niyang mata dahil sa pagkasilaw. "Can you please turn off that light on my face?!" masungit niyang utos sa akin.
"S-sorry..." Nagpa-panic na in-off ko naman ang ilaw ng aking cellphone.
Ano bang biro ito? Bakit nandito rin siya? Bakit sa dinami-dami ng lugar, dito pa? At bakit sa dinami-dami ng oras, bakit ngayon pa mismo kung kailan hindi pa ako handang makaharap siya!
Kailangang makalabas na ako sa wardrobe na 'to. As in ngayon na! Pero naninigas ang aking mga tuhod sa kaba. Ni hindi ko nga maigalaw kahit hintuturo ng aking mga paa. Nagulat ako nang ako naman ang ilawan niya sa mukha ng kanyang hawak na cellphone.
"J-Jane..." usal niya.
Nasilaw ako kaya napapikit ang aking isang mata.
Parang ngayon niya lang na-realize na ako ang kasama niya.
In-off niya ang ilaw ng kanyang cellphone.
Maya-maya ay inilawan niya ulit ako sa mukha ng cellphone niya.
"J-Jane..." usal niya muli na di pa rin makapaniwala.
Nasilaw muli ako kaya napapikit na naman ang aking isang mata.
In-off niya ulit ang cellphone niya.
Maya-maya ay inilawan niya ulit ako sa mukha.
"J-Jane..." usal na naman niya.
Nasilaw ulit ako kaya napapikit ako.
In-off niya ulit ang ilaw ng cellphone niya.
Pero maya-maya lang ay inilawan niya ulit ako sa mukha.
"J-Jane–"
Napipikong inagaw ko na sa kanya ang cellphone niya at ako na mismo ang nag-ilaw sa aking mukha. "Oo, ako nga si Jane Foresteir, in short Jane, aka Adeline Tumubol," naiinis kong sabi. "Okay na?"
Ang kulay luntian niyang mga mata ay nanlalaki habang nakatitig sa akin. "W-what are you doing here, Jane?"
Napalunok ako at mabilis na nag-isip. "A-ano, m-may pinagtataguan kasi ako... dito ako napadpad." Nakakainis dahil bigla na naman tinambol ng kaba ang dibdib ko.
"Who?" tanong niya na may kasama pang pagsilip sa mukha ko.
"Si Rogue – este, 'yung mga paparazzi." Napangiwi ako. "P-pinagtataguan ko 'yung mga paparazzi."
Tanga mo, Jane!
"E-eh ikaw?" balik-tanong ko sa kanya. "A-ano rin bang ginagawa mo rito?" Ang phone niya na hawak ko ay aking bahagyang ibinaba pero bukas pa rin ang flashlight. Sakto lang ang liwanag para magkakitaan kami ritong dalawa.
"Well..." Namulsa siya sa kanyang jeans. "Napadpad din ako rito dahil pinagtataguan ko si Jane – I mean." Napatikhim siya. "P-pinagtataguan ko rin yung mga paparazzi." Hindi na siya ngayon makatingin sa akin.
"Ah..." Tumango-tango ako. "Pareho pala tayo..."
Dahil hindi siya sa akin nakatingin ay nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan siya.
BINABASA MO ANG
The God Has Fallen
RomansaRogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is also the goddess of the Amazon tribe and claims he is "god", and their last hope to avoid extinctio...