Chapter 12 # Selos
This week, sunod-sunod ang mga kamalasang nangyayari sa buhay ko. Madami na akong threats na natatanggap at hindi na ako natutuwa.
"Nandito na ang sl*t!" sigawan nila and out of the blue, may nagbuhos na ng tubig sa'kin. They even throw crumpled papers on me. Nagsitakbo naman kaagad sila matapos silang masatisfied sa ginawa nila.
"YAAAAAAAAAAAAAH," sigaw ko.
Naiinis na talaga ako!
"Hahaha, poor girl," bulung-bulungan nila.
Wala akong choice kasi wala na akong oras para magbihis pa ulit. Tawang-tawa naman sila sa'kin even the instructor namin sa PE.
"Tumakbo ka sa oval ng 15 laps!"
"Why sir?"
"So you're complaining?!"
"No, sir."Nakakapagod palang tumakbo. Nagalit kasi sa'kin ang teacher namin sa PE. Ewan ko kungbakit.
"E kung mag-transfer ka nalang?" singit sa'kin ni Luhan.
"Bakit mo ba inuungkat ulit 'yan? Napag-usapan na natin 'yan diba? Atsaka pwede ba lumayo ka sa'kin baka ma-issue ulit tayo."
Nag-deathglare lang ang loko.
"Issue? O baka magagalit lang ang boyfriend mo?" aniya.
"Paki mo ba! Oo magagalit siya. Seloso 'yun!"Inirapan ko naman siya. Tumakbo na ako ulit. Ang tindi kasi ng titig ni sir e. Pansin ko naman 'yung poging hotties mula sa malayo. At dahil nga sa nakakatitig lang ako sa kanya. Nadapa ako.
Ang lampa mo ngayong araw Kera. Bumangon naman ako tsaka tumakbo ulit. Feel ko naman may sumasabay na sa'kin."Bakit ikaw lang mag-isa dito?" si Jungkook.
"Penalty ko 'to.""Why?"
"Ewan ko dun sa bakla naming coach. Kaasar nga e," pagmamaktol ko.
"Ilang laps pa ba ang natitira?" tanong niya."May lima pa."
"Gusto mong puntahan ko ang instructor niyo. Papakiusapan ko?"
"Huwag na! Stupid, magpahinga kana dun. Ako na ang tatapos," singit ni Luhan.
Aba? Nilagpasan naman niya kami. Tumigil naman ako.
"Close pala kayo ni Luhan?"
"Hindi naman. Kaaway ko lang. Bakit?"
"Wala lang. May utang lang kasi siya sa'kin," ngiti niyang sagot."Anong klaseng utang? Money?"
"Buhay," sagot niya.
"Eh?"
"Ah sige. Mauna muna ako. Naghihintay pa dun ang mga kaibigan ko. And i-welcome mo ko dapat."
"Bakit naman?"
"Magta-transfer na kami dito. Sige see you around, girlfriend!" kaway niya.Nginitian ko nalang siya.
Pumunta naman ako sa canteen. Bibilhan ko ng bottled water yung maligno na 'yun. Kawawa naman.Teka? Bakit kaya siya nag-sub?
Bumalik na ako sa school grounds at tinawag ko siya."Water break muna!" ani ko.
"Mamaya nalang. Last lap na 'to!"Hinintay ko nalang siya.
Nakatingin lang ako ngayon sa kanya. Halatang pawis na pawis pa siya. Makabawi nga sa lalaking 'to."Oh tubig," abot ko sa kanya.
"Ano ba 'to. May lason ba 'to?"
"Wow just wow. Ikaw na nga ang binigyan. Bahala ka," inom ko.Inagaw naman niya kaagad tsaka ininom.
Natigilan naman ako."Akin na 'yan! Teka ba't mo ininom!"
"Ang hirap mong ispellingin. Binigay mo 'to sakin diba?"
"Oo pero ininuman ko na 'yan," protesta ko.
"E ano ngayon!"
"May lip mark na ako dun! Naniniwala pa naman ako sa second----"
"E ano bang problema! E mag-asawa naman tayo! Kahit mabuntis pa kita. Walang issue 'yun!"Natigilan naman ako dun.
"Uhm.. Alis na ako," aniya sabay alis.
Nangangatog naman 'tong tuhod ko.
Hinahawakan ko ang dibdib ko. Mukhang hihimatayin ata ako.
Hindi talaga ma-sink in sa utak ko.Teka parang nagloloading na.
"Ano daw?! At buntis? Loko 'yun ah!"
Napakagat nalang ako sa towel ko sabay sigaw. Nakakadiri alam niyo yun!
Matapos ang kahabag-habag naming bangayan ni Luhan ay nagbihis na ako.
Pumunta naman ako ng locker ko kaso nabigla nalang ako sa mga vandals sa locker ko.*DIE BITCH. STAY AWAY FROM OUR OPPA.*
Pak ganern. Ganyan kalutong ang warning nila. Binuksan ko naman at bumulagta sa'kin ang mga notes. Napahikab nalang ako. So boring. Hindi man lang ako natakot. Bukas na bukas gaganti din ako.
Maturuan nga sila para magka-idea sila kung paano manakot.
"Sumabay kana sa'kin."
"Are you stalking me?" ani ko sa kanya."What?! Well. I don't want that saesang fans to harm you. Tayo na."
"Alam mo sa ginagawa mo. Mas pagkakainitan pa nila ako," sumbat ko."Gumagana din pala ang utak mo stupid," pang-iinis niya.
"Diyan ka na nga!"Lumakad na ako.
Tama nga ang sinasabi ni Luhan . Ang daming mga imma's sa labas ng school. May mga dalang placards pa sila na kesyo mamatay na daw ako. Na malandi daw ako.
Paano kaya kung sasabihin ko sa kanila na kasal na kami? Baka mahimatay pa sila.
Hinila naman ako ni Luhan at pinasakay sa kotse niya."Nooooo oppa!"
"Oppaaa Luhaaaaan!"May mga media naman sa bintana.
"Ikaw ba ang dahilan kung bakit umalis ng EXO si Luhan?"
Hinarurot na bigla ni Luhan ang kotse kaya mabilis na nagsitabihan ang mga reporters and fans.
"Ako pa sinisi sa pag-alis mo? So ako nalang lahat?" reklamo ko.
"Kung hindi ka sana bumalik. Edi sana hindi 'to nangyari!"
"Kung hindi ka lang kasi natulog dun sa bus. Edi sana hindi tayo nakuhanan ng pictures!"
Kanina pa nag-vivibrate ang phone ko. Sasabognna ata ang notifs ko. Ang daming messages.
"Alam mo! Kausapin natin ulit yung uncle mo na magpapa-annul tayo!"
"How?!! Wala na si uncle! He died in an accident a month ago!"
"ANO?! Napakamalas naman ng buhay na 'to oh! So forever na talaga akong commited sa'yo? Ganun?"
Mababaliw na talaga ako.
Kailangan ko na talagang lumayas dito. Dumeretso naman kami kaagad ng apartment.
Ang daming nakaabang sa'min."Kasalanan mo 'to e!" aniya.
"Ang hirap sa'yo. Naninisi ka!"Binuksan ko naman ang pinto ng kotse. Bumaba ako at hinila ko 'yung isang reporter.
"STOP THIS IMMATURITY FANS! WALA AKONG GUSTO SA MALIGNO NA BIAS NIYO! SEE THIS F*CKIN' PIN JEJES! KERA XI. I AM KERA XI.THI HAVE THE SAME SURNAMES AND HINDI KAMI TALO. SO PLEASE LUBAYAN NIYO AKO. I'M A FAN ALSO. I REALLY LOVE NAM JOO HYUK. SO PLEASE ACT LIKE A DESCENT ONE. I'M A VICTIM HERE. THANK YOU."
"Pero totoo po ba na "married" ang status mo sa form mo?"
"Kaninong source mo 'yan nakuha?"
"Sa registrars.""Hello mister. Humanda ka sakin mamaya. You'll pay for this. Alam mo na kung sino ka," tingin ko sa cam.
"You will really pay for this!"
BINABASA MO ANG
His Secret Wife
RomanceNapag-tripan ng dalawa ang magpakasal ng hindi oras dahil sa kalasingan nito. When they've found out na they were married legally after that night, umalis at nag-migrate si Kera papuntang Singapore. But after 2 years, she went back to PH. Nagpa-enr...