Chapter 17 #Don'tGo

4.9K 104 2
                                    

Chapter 17 # Don'tGo

Naramdaman ko naman na parang may bumubuhat na sa'kin.

"Hyung. Thanks," dinig ko.
"No problem. Take good care of my number 1 fan."

Ramdam ko naman na may gumugulo sa buhok.
Pagmulat ko. Nakaalis na ang kotse. Si Joo Hyuk ko!

"Luhan, bakit 'di mo ko ginising?"
"Hm? Naisip ko kasi na baka magngangawa ka kung aalis na siya," aniya.

Sinimangutan ko naman siya. Ganun na ba ako ka-baliw sa paningin niya?

"Ibaba mo na ako."

Binaba naman niya ako.
Kensington Jeju Hotel. Ang gara.

"Pasok na tayo," aniya.
"Luhan," ani ko.

"Oh ba't ang bait mo ngayon?"
"I-tour mo ko. Gusto kong maglibot. Please?"

Ang tagal naman niyang nakasagot.

"Edi 'wag! Maglalakad ako mag-isa!"

Nilagpasan ko naman siya. Bahala na si batman kung mawawala man ako.

"Yah! Stupid, hintayin mo ko!"
"Susunod lang din pala," pagdadabog ko.

Naglibot na nga kami. Ang ganda talaga ng view.

"Hoy asungot," tawag ko.
"What?" galit niyang tugon.

Nilabas ko naman ang phone ko sabay click ng cam.

"Smile," ani ko sa harap ng cam.
"What the h*ck are you doing?"
"Taking selfies. Minsan lang din 'to no," ani ko.

Bakit kahit ang pangit ng pagkakuha ng photo niya dito pero ang pogi niya pa din? Teka? Tss.

"Pinagnanasahan mo ba ang photos ko?" singit niya.

"Wow just wow. Sa sobrang yabang mo. Parang liliparin na ako," sarcastic kong sabi.
"Tsss," aniya.

Ang ganda ng mga landscapes ng mga halaman.
Niyayakap ko naman ang sarili ko. Medyo nakaramdam na din ako ng lamig.
Humarap naman siya sa'kin. Hinubad niya ang outer coat niya.

"Here," aniya.
"Aanhin ko 'yan?" tanong ko.

Tinapon naman niya sa mukha ko.

"Try to eat that," asar niyang sabi. Iniwan ba naman ako.

"Hoy hintayin mo ko," tawag ko.

Baliw na 'yun. Mag-ooffer nalang ng coat. Hindi pa romantic! Ihagis ba naman sa pagmumukha ko!
No choice Kera. Susuotin mo 'to kasi giniginaw ka na.

"Luhan!" sigaw ko.
"Sa susunod 'wag mo kong tatawagin gamit ang pangalan ko. Maraming saesangs dito."
Natakot naman ako bigla. Napakabrutal kasi dito kasi 'yung iba violente na.

"Asungot!"
"Asungot talaga?!"

"E ano naman itatawag ko? Halika na nga. Doon tayo sa may bench!" hila ko sa kanya.

Umupo na kami.
Pansin kong humihikab pa siya. Mukhang puyat talaga siya. Nakaka-guilty din kasi.

"Hoy," tawag ko.
"What?"
"Halika nga!" hila ko sa kanya sabay pinahiga sa lap ko.

"What are you doing?"
"Matulog ka muna," ani ko.

"Really?"
"Oo. 5 minutes."

"Tsk. Huwag nalang."
"Matulog ka na nga lang!" hila ko ng buhok niya.

Pumikit naman siya. Pinitik ko naman ang ilong niya. Woa. Tulog agad?

"Ang bait-bait pagtulog oh. Akala mo kung anong anghel. Asuuuus," ani ko sabay kurot ng mahina sa kanyang ilong.

Tumunog naman ang phone ko.
Si mom tumatawag.

"Annyeong haseyo!"
"What the?"

"How's your day anak?"
"Mom alam mo bang nasa Korea ako ngayon?"inis kong sabi.

"Oh? Nasa Korea ka ngayon? When?" deny niya.
"Shut up mom."

"Hahahahaha. Well, I'm so kilig here na nga e."

"Mom? What?! Gurang ka na mom.Umayos ka nga," ani ko.

"Hahahaha. Alam mo naman anak. Happy lang ako na nagkakamabuti-- I mean nagiging close na kayo ng son-in-law ko."

"Mom! Hindi kami talo! May girlfriend siya," protesta ko.

"Hahahaha. Anak, you're the wife."
"Mom. I hate you."

"Hahahaha. Anak, you know naman. I really wanted to have grandchild right?"
"Mom! Dun ka humingi kay ate Yuki!"

"Fine. Just take care there okay? And btw, 'yung registrar. Hindi nila kasalanan. May nagnakaw ng files mo. And we were investigating on it."

"Okay mom. Thank you."
"Basta anak ha. Yung grandson ko."

"Mom!"

"Sige na bye na. I love you."
"I love you too mom."

Nakakainis. Gumalaw naman si Luhan.
Ay tanga. Nagchichikahan kami dito tapos nakalimutan kong nandito pala sa lap ko si

Luhan. Kera, stup*d ka din no?

"Mukhang gustong-gusto talaga ako sa mom mo."

"Gising ka pala?! Baliw ka ba. Kalimutan mo na 'yun!"

Tinulak ko naman siya kaagad.
Nahulog naman siya sa semento.

"Aray! F*ck. Ano bang problema mo? I'm just stating the fact. Na botong-boto sa'kin ang mom mo!"

"Oo na andun na tayo pero please naman. Huwag na tayong mag-ilusyon na real couple tayo Luhan. Kinasal tayo dahil sa kagaguhan nating dalawa no'n. It is not because of love. And so please. Kesyo boto man si mom sa'yo nothing will be changed. I'm just your secret wife," sumbat ko.

"Teka. Why are you taking it seriously?"

"Alam mo! Masyado kang insensitive! Ako sinisisimo palagi. Ni hindi mo nga ako pinanindigan! Niwala akong sorry na natanggap after that b*llsh*t wedding! I'd suffered so much Luhan."

"So what's your point?"

"Itigil mo 'yang mga pinaggagawa mo sa'kin. That smile! Everything! Huwag kang masyadong pa-fall Luhan! Kasi baka malaman ko nalang bigla na nahuhulog na pala ako sa'yo. So please, not my mom. Huwag mo siyang paasahin. I know and nase-sense ko na nag-uusap kayo sa isa't isa. I dont want to hurt her feelings."

"I even could fill a thousand pages just letting you know how I felt and still you wouldn't understand," aniya.

Tinalikuran ko naman siya at tumakbo ako. Ewan ko ba kung bakit ako naging emotional ulit. Akala ko makakakaya ko kaso hindi pala.
Sa katangahan ko, nabangga ako.

"Kera?"

"Jungkook?"

Pinunasan naman niya ang mga luha ko.

"Are you okay?"
"Why are you here? Bakit ka nandito?"
"Dito kami sa Jeju nag-vacation. Nanalo ang section natin sa dancing competition so heto."

Niyakap ko naman siya kaagad.

"Jungkook. Huhuhu."

"Kera, wait what are you doing here?" boses ni Luhan.

"Ikaw ba ang dahilan kung bakit umiiyak si Kera?"
"Kera please. Let's talk first okay?"
"Mamaya nalang. Jungkook tayo na " ani ko.

"Kera, kajima."
(Don't go.)

"Kera please. Don't go," aniya.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Sa mga oras na 'to mas lalong naliwanagan 'tong nararamdaman ko.

"Stay away from my girlfriend," ani ni Jungkook.

Hinila ko nalang si Jungkook.
Mas narerealized ko na. Ang tanga-tanga ko.
Bakit ganun ako ka OA kanina? Epekto na talaga 'to ng k-drama sa sistema ko. Kinakain na ako.
Lupa lamunin mo ko.

"Ano bang nangyari?"
"Oo nga. Ano bang nangyari?" tanong ko din kay Jungkook.

Waaa, ang awkward!

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon