Chapter 22 #Possesive

3.9K 87 0
                                    

Luhan's POV
Umuwi ako ng apartment ng mag-isa. Sinamahan kasi si Kera ng mga baliw na Bangtan na 'yun.
Sinisira lang nila ang diskarte ko.

"Hello Icy Faela Pastry Shop, how may I help you?"
"Uhm. I will order the best pastry that you have."
"What pastry sir? Cupcakes, cookie? Cakes?"
"Lahat."
"Po? Uhm okay sir. Saan po namin idedeliver?"
"I'll send to you the address."
"Thank you sir."

Tss. Nakakainis talaga kanina. Para lang dun?
Tss. At sino ba 'yung buntot nang buntot sa kanya? Napaka-isip bata. Hindi naman bagay sa edad niya.
Lumabas na ako ng kwarto habang chinicheck ang relo ko.

"Fuck . Where are you now Kera," inis kong sabi.

Naisipa ko naman ang sofa sa sobrang inis ko.
Bumaba naman ako at hinanap ang receptionist.

"Sir Luhan ano po 'yun?"
"Can--- can--," utal ko.
"Can? Can goods? Lata?Aanhin mo po ang lata hijo?"
"No auntie. Uhmm. Can I have Kera's phone number?"
"Aaah sus. May problema ba?"
"6pm na hindi parin siya umuuwi," asar kong sabi.

"Ganun ba. Ito hijo," aniya sabay abot ng phone
niya.
"Thanks auntie!" takbo ko ulit sa taas.

Shit. Bakit ko naman siya tatawagan? Lalaki ka Luhan and it is not you anymore. Nung girlfriend ko pa nga si Hyuna. Hindi naman ako ganito ka alalang-ala.

"Tama! Bakit naman ako magtetext. I am Luhan Xi. Tama. Hindi ko siya ite-text."

Manonood nalang muna ako ng TV.
Bakit k-drama 'to? Siguro pinanood 'to ni Kera kaso hindi niya natapos.

"Too boring, si Hyung Joo Hyuk ang bida. Tsss," sabay off ko.

7pm na. Aah! Mababaliw na talaga ako.

"Maglilinis nalang ako. Tama. Para pagdating ni Kera. Wala ng mga kalat."

Nagsimula na nga akong mag-vacuum ng sahig.
Napakadumi na pala ng unit namin.
Nang biglang may nag-buzzer.
Binatawan ko naman kaagad ang hawak kong feather duster at tumakbo kaagad para buksan ang pinto.

" Keraa!"
"Delivery sir from Icy Faela Pastry Shop!"
"Ah ok. Pasok niyo lang sa loob."

Nawalan na ako ng gana. Natapos na nilang ilagay ang mga order ko sa dining. Napabuntong- hininga nalang ako. 8:30 na.
Inayos ko naman ang lahat.

"Okay na siguro 'to para masurpresa ko si Stupid."

Ang ginawa ko. Tinapos ko mag-vacuum. Tsaka nag-arrange ng mga inorder kong pastries.

"Tss. Mas masarap 'tong mga 'to kesa sa canteen," ani ko.

Bibili kaya ako ng mga flowers? Hmmm. Saan naman kaya ako makakabili nun?
Kinuha ko naman ang phone ko at bumaba muna.
I opened my GPS to track the exact location ng flower shop na malapit lang dito.
Pinaandar ko na agad ang kotse.
Nang nakarating na ako sa flower shop.

"Para sa girlfriend mo ba hijo?"
"Uhm. Nililigawan pa lang. I want that kind of roses. That pink, red and white."
"Ang swerte naman ng babaeng 'yan," ngiti niya.

She' s so lucky to have me talaga. I'm Luhan Xi.
Lumabas na nga ako dala-dala 'tong nga rosas.

Bumalik na ako kaagad sa apartment. 9:30 na din kasi. Baka naka-uwi na 'yun.
Nakangiti akong bumaba sa kotse ko at nagtungo kaagad sa unit namin.
Pagdating ko. Wala pa din si Kera.

"AISH. SAAN KA BA KASI NAGPUPUNTA NGAYON STUPID!"

Kinuha ko naman ang phone ko. Ibababa ko na ang pride ko. I will text her.

"Stupid! San ka------," tapon ko sa phone ko.

Nababaliw na ako. Ayokong magmukhang timang! Shit bahala siya sa buhay niya! Matutulog na ako.
Padabog ko namang sinara ang pinto. Humiga ako kaagad sa kama ko.

"10 pm na! Stupid!"
Tumayo naman ako para silipin siya sa bintana kung nakarating na siya.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

"Fine! Matutulog na ako!"

Humiga ako ulit.

"Aaaaaah! Bakit ba kasi hindi pa siya nakauwi!"

Lumabas ako at hinanap ang phone ko na tinapon ko kanina.
Agad ko namang dinial ang number niya.

"Where the heck are you now, stupid?!"
"Luhan?"
"Bakit 'di ka pa uuwi?! Saan ka ngayon?!"
"Baliw ka ba! Bakit mo ko sinisigawan haaa!!"

Nilayo ko naman sa tenga ko ang phone dahil sa sigaw niya.

"So where the hell are you?!"
"Wag ka ngang OA! Nandito ako ngayon sa hotel!"

"WHAT?! ANONG GINAGAWA MO DIYAN?! SINO KASAMA MO?! SAANG HOTEL 'YAN?!"
"Nabibingi ako! Ano ba?! Kasama ko ngayon sina dad, okay?! May family dinner kami ngayon so hindi muna ako makakauwi diyan."
"Ha? Ah eh? Uh-- okay," ani ko.

Fuck. Bakit ba kasi di ko na-kontrol ang asal ko kanina?!!!

"Sige Luhan. Ibaba ko na.Tinatawag na ako ni dad."
"Uh-okay," ani ko.
"Bye."

"Jungkook, nandito ka pala."

Hinagis ko naman kaagad ang phone.
FUCK! SA GINAWA KO KANINA.
Ako pa tuloy ang nagmukhang tanga. Damn.

Teka?
Magkasama sila ni Jungkook?!!

I dialled again her phone number.

"Saan hotel kayo?"
"Appari Ho--, teka, bakit ba?!"
"Susunduin kita."
"Yaah!"

Kinuha ko na ang jacket ko and my car key. I will never forgive her. Bakit niya kasama sa dinner ang lalaking 'yun.

I am on my way to Appari. I park my car infront of the hotel.

"Sir!"

I headed to the receptionist.

"Sorry sir pero hindi ka pwedeng pumasok without reservation."
"Susunduin ko lang ang asawa ko."
"Please state her name sir."
"Kera Xi."
"Well, uhm, umalis na po sila sir kasama ng family niya."
"What?!"

"Yes sir."

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon