Chapter 43 #TheReason

3K 72 0
                                    

Kera's POV

Hindi ko alam. Okay lang naman sa'kin kanina. Nahaharap ko naman siya ng maayos. Kinaya ko naman. Kinaya kong harapin siya at isa walang bahala ang lahat pero hindi ko kinaya ang makita siyang hindi apektado. Wala akong makitang regrets o awa mula sa kanya.

After we talked, bumalik na ako sa room namin. Hindi ako kumibo man lang o umiyak sa harap ng bangtan.
Nasa pinto kasi sila, hinihintay ako.

"Noona," aniya sa'kin.

Lumabas naman sa pinto si Jin at binuhat niya ako.

"Ako na magdadala sa kanya sa clinic. Kera, wag kang iiyak. Nakatingin si Luhan," bulong niya.

Pansin kong nakasunod pala sa'kin si Luhan at papasok na din siya sa room namin.

"Cheer up, Kera," saad ni Rapmon.

Napapikit nalang ako. Akala ko kaya ko siyang harapin pero ang sakit-sakit parin dito.

"Gusto mong umuwi nalang tayo?" suggest niya.
"Ayoko, Jin," ani ko.

Tumango naman siya. Nang nakarating na kami sa clinic. Dun ko na binuhos lahat ng luha ko.
Bakit ako nasasaktan ng ganito.

"Instead of crying, you should fight for your baby. Alam naman natin na maselan ang pagbubuntis mo," aniya.

"Dapat ka ngang magalit sa gagong 'yun. Hindi ka na niya mahal Kera. Gumising ka nga!"

"Oo alam ko, Jin! Pwede ba 'wag mo nang ipamukha sa'kin dahil alam ko!" sumbat ko.

"Kera sorry," aniya.
"LEAVE ME ALONE!"

Umalis naman siya. Napasapo lang ako sa noo ko. Hindi ko na alam. Napahawak lang ako sa dibdib ko.

"Baby, please stay strong okay? Mom will set things back. I will let him know na buntis ako. I'.m so sorry kung pati ikaw din nahihirapan," iyak ko.

Pinunasan ko naman ang mga luha ko nang pansin kong may taong pumasok.

"Are you okay?" bungad sa'kin ni Luhan.
"Anong ginagawa mo dito?"

Umupo naman siya sa tapat ng bed. Pansin ko naman ang dala niyang brown envelope. Humarap naman siya sa'kin at nagsimula nang magsalita.

"I'm here para iabot sa'yo 'tong papeles," aniya.

"For what?"
"Isang contract," aniya.

Kinuha ko naman ang brown envelope na inabot niya sa'kin. Agad ko naman binuksan at kinuha ang contract na sinasabi niya.

"I, Mrs. Kera Xi, will deny the legality of her marriage with Mr. Luhan Xi---"

Napakuyom naman akong humarap sa kanya.
Pilit kong inaaayos 'tong sistema ko. Pinipigilan ko ang mga luha ko.

"Ano 'to?" tanong ko.
"A contract. Hindi naman tayo maa-annulled edi' yan nalang," pabalang niyang sagot.

"Do you think I will accept this shit contract?" ani ko.

"Ano pa ba ang kailangan mo?!"

Agad ko naman siyang binakuran sabay hila sa kwelyo niya. Tinitigan ko naman siya nang masama.

"I want to clarify this shit. May nangyari ba sa'tin?!"

" Bakit mo pa 'to binabalik?!"
"Oo o Hindi?!"

"Oo!" sagot niya.

Unti-unti naman akong kumalas sa pagkakahawak ko sa kanya. That thing. Hindi pala yun panaginip at ang batang 'to. He exists.

"Pwede ba pirmahan mo nalang 'yan!"
"Hindi mo ba ako minahal? Totoo ba 'yung lahat? O niloloko mo lang ako?"

"My feelings was real! Pero ngayon hindi na kita mahal. You're a daughter of a bitch!"

Sinampal ko naman siya kaagad. I can't imagine how he said such words to me. Alam kong ugali na niya ang mang-apak ng tao pero sumobra na ata siya.

Hindi naman nanggulo si mom. She remained silent. She accepted the arrange marriage for Mr. Xi's sake.

Hindi nagkulang si mom sa'min. Although she doesn't love our dad but she did her best to make us feel special and loved. And she respected Mrs. Xi too. Hindi niya ginulo ang pamilya ni Luhan.

My mom is kind.
Ang sakit marinig na hindi siya nirerespeto ng taong mahal ko.

"And this baby inside of my womb is a child of a jerk!"

I will do everything to be a good mother just like my mom.
And I can do it without you, Luhan.

"What? Are you---"

"YES! AND GET OUT! UMALIS KA SA PAGMUMUKHA KO BAGO PA KITA MAPATAY. PLEASE LANG."

Nakakainis. Bakit wala man lang siyang pakialam! Simula ngayon, kakalimutan na kita.
Bibitawan na kita Luhan.

Luhan's POV

"Anak I've heard na nandito na sa Pilipinas si Kera. I've already prepared the contact. Make sure that woman will sign on it," ani ni eoma.

Matamlay kong kinuha ang contract at nginitian si eoma.

"I'm so happy that you've chose me over your wife," ngiti niya.
"Eoma magpahinga ka na."

Nagpahinga naman siya. Iniwan ko na siya sa kwarto niya. Lumabas na ako at nagtungo sa kwarto.
Gusto kong punitin ang contract na 'to. After that night, in that accident nung nalaman ko na nasa ospital siya. Hinanap ko kung saang ospital siya dinala.

I saw her situation. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Leaving her was the biggest mistake that I've done.

Kahit na pinagsisihan ko. Mas pipiliin ko si eoma.
I love her. Walang nagmamahal kay eoma. Ako lang ang natitirang tao na masasandalan niya.

"Kera I'm sorry. Sana bukas, okay ka na."

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon