Chapter 35 #Estudyante

2.8K 70 0
                                    

Kera's POV

Malapit na ang exam namin. Medyo focused na din ang lahat. Meron din namang parang sabaw lang. May iba namang rak pa din kahit review days na. May iba sleep mode pa din parang nasa bahay lang.

May iba naman todo research and review kahit wala ng tulog. Ako? Masasabi kong nasa side ako ng mga studyanteng lumalandi
parin kahit malapit na ang exam. Pft. Review week ngayon. Medyo nakakapagod din.

Minsan nga makikita ko nalang ang sarili ko natutulog na sa sariling desk ko. Umabot na din ako sa point na nakikita ko nang nagiging minion o shrek si teacher. Ang hirap talaga maging estudyante.

"Noona, penge papel," bungad sakin ni Taehyung.
"Wow ha. Ang pogi mo tapos wala kang papel?!"
"Ganyan talaga ang mga pogi," sabay finger heart niya.

Napailing nalang ako at inabutan siya.

"Gawin mong six noona. May nagpapadala kasi."
"Woooow. Bangtan. Ano? Wala talaga kayong mga papel?"

"Hindi kasi priority ng mga pogi ang papel noona."

Ganun? Nilingon ko naman si Luhan. Nakapikit
lang ang mukong habang hawak-hawak ang ballpen niya.
Siguro hindi 'to natulog kagabi.

"Huuuy!"
"Ah. What?!" gulat niyang tanong.

"Umayos ka nga. Inaantok ka na oh."

"Tss kung makapagsalita ka. Kagigising mo lang naman," he smirked.
"Ayy?" tugon ko sabay talikod.

Natapos na din ang english subject namin. Aral Pan na naman ang sunod. Medyo ang tagal ding dumating ng teacher namin.
Ang ingay-ingay na namin.

"I was dying inside to hold you---," kanta sa kabila.

Meron din namang nagchichismis. Napailing nalang ako. Bigla naman nagsisigaw ang look out namin.

"Parating na si teacher!"

Dali-dali naman silang nagsibalikan sa upuan nila. Medyo terror din kasi ang teacher namin sa Economics.

"Hoy gising ka na Jimin!" dinig kong sabi ni

Rapmon habang niyuyogyog niya 'to.

"Jimin maghanap ka ng kabaong at dun ka magpakasasang matulog!" sabi ni teacher.

Ewan ko ba. Nakakatawa talaga.
Para namang timang si Jimin na humihikab habang kamot-kamot ang batok niya.

"Wag niyong tutularan ang isang 'yan," dagdag pa ni teacher.

Halos mamatay na ako sa kakatawa ko. Leche bakit ba kasi ako tumatawa. Sinipa naman ni Luhan ang upuan ko. Ayoko na. Lalabas na
talaga ako.

"Mrs. Xi! Anong tinatawa-tawa mo diyan?!"
"Po?" tumahimik naman kaagad ako.
"Ah eh. Sige tumawa ka lang," aniya.

Pansin kong nag-lean sa likod ko si Luhan.

"Yan. Natatakot na ang mga teachers dahil sa pinatanggal mong terror teacher nun. Pffft," bulong niya.

Sinabunutan ko naman siya kaagad.
After an hour natapos na ang klase. Medyo pagod na din kasi ako.

"Kawawang asawa ko," aniya sabay yakap sakin.
"Hoy umayos ka. Nasa school tayo."
"Wala akong pakialam."

Ang kulit talaga ng lalaking 'to.

"Hoy napaka-PDA niyo. Kasohan kaya ko kayo ng Public Display of Affection."

Baliw din tong si Suga e.
Binuhat naman ako kaagad ni Luhan.

"Waaa ibaba mo ko!"
"Ayaw. Gusto kong mag-cutting tayo."

"Ano? Cutting class? Palagi na nga tayong absent. Magka-cutting pa tayo?!"

Hindi naman niya ako pinakinggan. Dinala naman niya ako malapit sa school grounds kung saan may mga malalaking puno.
Umupo na kami sa ilalim ng puno. Bigla naman siyang humiga sa lap ko.
Inaantok talaga siya.

"Kera I love you," aniya.
"I love you too hanhan," ani ko. Ewan ko ba pero bigla nalang lumabas sa bibig ko ang hanhan.

Nakakahiya.

"Okay Rara."

Lol. Sinakyan ba naman? Hinawakan niya naman ng mahigpit ang kamay ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Masaya akong nakilala ko ngayon ang pinakagwapong mahangin dito sa mundong earth.

"Noona!" sigaw ni Taehyung mula sa malayo.

Lumapit naman siya. Pansin niyang natutulog si Luhan kaya hindi niya hininaan ang boses niya.

"NOONA! PAHINGI PAPEL! BALLPEN NA DIN!"
"Taehyung ano ba!" reklamo ni Luhan.
"Maghanap ka ng sariling kabaong mo at dun ka matulog!"

"Hahahabaliw ka talaga."
"Bigyan mo na nga yan ng papel! Ang ingay e," reklamo ni Luhan.

Natatawa naman akong kinuha ang bag ko.

"Oh sayo nalang 'tong isang pad. Ang kulit mo talaga!"
"Kamsahamnida noona!"

Baliw talaga e.

"NOONA!"
"What?! Ano pa ba ang kulang!" galit na tanong ni Luhan.
"Galit agad? Noona,' yung ballpen hehehe."

Inabot ko naman sa kanya ang ballpen ko. Baliw talaga.

"Gomawo, noona!"
"You're always welcome!"

"What's that smile?" seryosong tanong ni Luhan.
"Bakit? Masama ba?"

"I don't understand why are you so jealous of IU while you were smiling on that childish!"
"The point is, hindi ako nilalandi ni Taehyung. E kayo ba ni IU?" naiinis kong sabi.

"She's into Jungkook, okay? That's why I don't like him!"

Natigilan naman ako.
And why is it she's acting strange between us Luhan?

"She made that because she wanted to get rid of you. She's insecure to you."

Niyakap naman 'tong isang to ang tiyan ko.
Inaantok talaga siya. Kawawang maligno.
Kinamot ko naman ang buhok niya sabay tap ng mahina sa likod niya.

"Tss."
"That's why you should stop smiling on that childish. Nagseselos ako," he said.

"Hmmm lala," hum ko.
"Tulog na hmm nana tulog na baby damulag~"

Naku naman Luhan! Bakit mo ba ako dinistract?!
Sabi ko na sa inyo diba? Ako 'yung tipong estudyante na inuuna muna ang landi bago mag-review para sa exam.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon