Chapter 30 #MeetingIU

3K 71 0
                                    

Kera's POV

Kumatok na ako sa pinto ng kwarto ni Luhan.

"Sandali lang," aniya.
"Ang bagal mo naman e!"

Bumukas naman kaagad ang pinto.

"Ready ka na?" nakangiti niyang sabi.
"Oo nga basta ayusin mo."

Pumasok na ako sa kwarto niya. Umupo naman ako sa kama. Tinitigan naman niya ako nang matagal.

"Kinakabahan ka ba?" natatawa niyang tanong.
"First time ko kasi e," ani ko.

Hinawi naman niya ang buhok ko.

"Don't worry. Gagalingan ko."

Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin.
Napapikit ako.
Inabot naman niya ang curler na nasa likuran ko.

"Ayusin mo ang pagkulot sa'kin," ani ko.
"Oo naman! Natutunan ko kaya 'to dati sa SMent. Ako kaya minsang nagkukulot sa buhok ni Chanyeol."

"Sabi mo e. Gandahan mo!"

Napatawa naman siya. Akala niyo kung ano na no? Pft. Well, he insisted kanina na siya nalang daw ang mag-aayos sa'kin baka daw kasi pagkaguluhan lang ako kung sa labas kami magpapa-ayos.
Sinimulan na nga niyang suklayin ang buhok ko.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa kwarto niya. Walang gaanong gamit at napakalinis ng. bawat sulok. Hindi pareho sa kwarto ko. Kahit. anong gawin ko. Gugulo at gugulo pa din.
Nakakatamad na nga e. Alam niyo 'yun?

"Luhan," ani ko.
"Hmm?"

"Huwag masyadong pumorma ha. Baka ma-inlove sa'yo ang partner mo," ani ko.

"Tss paano ba 'yan. Pogi na talaga ang asawa mo."
"Luhan naman e!"

"Opo," aniya sabay kurot sa cheek ko.

Ewan ko ba. Random partners kasi mamaya.
Dapat daw Junwoo student and Yishin student ang magkakapares. Gusto ko ngang hindi pumunta pero mandatory kasi. Hindi ko alam.
Kinukutuban ako.

Matapos akong ayusan. Nagbihis na ako kaagad.

"Kera! Sa baba na ako maghihintay, okay?" aniya mula sa pinto.
"Okay!"

Humarap muna ako sa salamin. Grabe.Bading ba ang asawa ko at ang galing niya talaga sa mga ganitong bagay. Bongga niyang pinakulot ang buhok ko at bongga din ang make-up ko ngayon.

"Ganda mo Kera."

Inayos ko naman 'tong suot kong black dress.
Bumaba na nga ako. Nakakainis ang pogi talaga
ng asawa ko.

"Ang ganda talaga ng reyna ko," bola niya.

Pinagbuksan naman niya ako ng pinto. Nakangiti naman akong sumakay sa kotse niya habang hilang-hila ko 'tong mahabang hair ko.
****

Jungkook's POV

Ngayon na sana ang flight ko kaso nagpumilit talaga sina Taehyung na dumalo muna ako sa
Grand Ball na 'to. Siguro dahil ininvite din ako ni IU kahapon.

"Its so nice to be back!" sigaw ni Jimin.

Napailing nalang ako. Isasara ko na sana ang pinto ng kotse ko nang may nahagilap ang mga mata ko.

Isang babaeng naka-itim na nakatayo sa isang
madilim na side ng parking lot. Siguro dahil hindi umiilaw ang lamp post sa tapat niya.

"Jin! Suga?!"

Langya. Iniwan ba naman nila ako.
Dahan-dahan naman akong napaatras. Ito ba ang sinasabi nilang black lady sa parking lot?
Umatras naman ako. Natatakot na ako. Nang biglang lumingon siya sa'kin! Kasabay ng pag-ilaw ng lamp post sa tapat niya.

"AAAH. Ang ganda ng multo," tanging nasabi ko.

Si Kera pala. Iba ang ayos niya ngayon at bakit
siya mag-isa?

"Uy Jungkook!"

Napakamot naman ako ng ulo sabay ayos nitong bow tie ko.

"Anong ginagawa mo diyan?"
"Ah? Chini-check ko lang ang gulong," deny ko.

"Mukhang maayos naman ah," aniya.
"Oo nga e," ubo ko.

Pansin ko namang biglang nagbago ang aura niya.

"May nangyari ba?"
"Nakakainis kasi e! Dumating na ang ka-pair ni Luhan. Nakapasok na sila! Samantalang ako. Nandito sa labas!"

"Iniwan ka lang ng asawa mo?!"
"E nakakainis kasi yung usherette dun e. 'Di daw magpapapasok kung wala pang partner!" pagdadabog pa niya.

"Lecheng Pince X yan! Kakainis! Kanina pa ako naghihintay at paano ko naman siya ipagtatanong e code name 'tong binigay niya. Helloo as if na manghuhula ako!"

Pinipigilan ko naman ang pagtawa ko.

"At ito pa! May grupo ng mga babae kanina na nagsisigaw. Pinagkamalan ba naman akong multo."

Nakakatawa talaga siya kahit kailan.

"Calm down. Pft haha tara na," ani ko.
"Hindi ka ba nakikinig? Hinid nga sabi ako makakapasok kasi hindi ko pa nahahanap si Prince X na 'yun," aniya.

"Nahanap mo na."
"Asan?"
"Nasa harap mo," ani ko.

***********
Kera's POV
Halos sinumpa ko na si Prince X na 'yan tapos malalaman ko si Jungkook pala.

"Okay ka lang?"

Kanina pa ako 'di mapakali. Hinahanap ko si Luhan.
Narinig ko naman na may nagsasalita sa stage pero dedma ko lang. Asan na kaya 'yung unggoy na 'yun.
Nagsipalakpakan naman ang lahat.

"Thank you for that wonderful welcome remarks Miss IU Junwoo!"

Nakuha naman nito ang atensyon ko. So siya si IU?
Halos mailuwa ko naman ang eyeballs ko. Si Luhan kasama niya. Magkahawak kamay pa talaga sila.
Anong?

"The f. Aam mo ba 'to Kera?" biglang tanong ni Jungkook.
"Ha? Oo naman," pagsisinungaling ko.

"And before to start our grand ball. Let us all welcome Miss IU and Mr. Luhan for their dance presentation."

Dance? Presentation? Parang wala naman ata akong narinig.
Teka? Perfect pa talaga by Ed Sheeran. E kung untugin ko yung nagpa-piano ngayon at nang matigil 'to!

"Noona!" bungad sa'min ni Taehyung.

Huwag kang makulit Taehyung. Pilit akong nagwi-wave sa mismong kinatatayuan nila pero bakit parang hindi niya ako nakikita?

For some reasons parang ang saya nilang tingnan?

Hindi ko lang siya pinansin. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa.

At nagtatawanan ba sila?
Ba't ganun? Parang pinipiga 'tong dibdib ko?
Bakit ba ako naiiyak?

"Kera, okay ka lang?" tanong nila.

Ngumiti naman ako. Okay lang ako.
Tama, okay lang ako no.

"Noona, are you crying?"
"Excuse me."

Tumayo na ako. Alam niyo kung bakit ako naiyak?
Alam kong nakita niya ako pero ni hindi niya ako pinansin at binaling niya ang atensiyon niya sa babaeng kasayaw niya ngayon.

Ang sakit.

Ganito pala ma-inlove. Pero mas masakit pigilan ang nararamdaman mo. Na nakita ka niyang nasasaktan ka pero binalewala lang niya.

"Kera, I don't think - -" pigil sa'kin ni Jungkook.
"Ano ba? Bakit ba kayo parang guilty sa mga nangyari?" hikbi ko.

"Noona."

"Ayokong makita kayo.  Uuwi na ako."
"Kera."

Tinulak ko naman si Jungkook tsaka na ako lumabas.
Bakit ba kasi ang oa mo Kera?  Ba't big deal sa'yo?
Bakit?!

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon