Chapter 14 #Jeju

5.7K 112 2
                                    

Chapter 14 #Jeju

Nandito na kami ngayon sa airport. Akalain mo'yun. May nakahandang private plane na pala si mayor ay este si Luhan.
Umakyat na kami. Umupo na ako kaagad. May mga nurses naman na lumapit sa'kin.

"Hello ma'am. Gagamutin po namin ang mga sugat mo."
"Ha? Ah okay."

He even hired a private nurse. Napakabait naman pala ng malignong 'to.
Kakausapin ko sana siya kaso natutulog na siya.

"I've heard about you po. Ang lala pala ng sinapit mo po," ani ng nurse.

"Kayo kasing mga babae. Hindi ba pwedeng magka-lovelife ang idols niyo?" singit ni nurse guy.

"Syempre ayaw lang namin na may kaagaw sa mga asawa namin."

Fan si nurse girl.

"Ah sorry po ma'am. Hindi po ako harsh fan ha.. Kaso yung ginawa nila po. Sobra na po kasi,". aniya.

Napatango nalang ako. Ang hapdi pa ng mga kalmot nila. May isang kalmot talaga na sobrang lalim. Nakakainis.
Magbabayad talaga sila sa'kin. Pasalamat sila kasi mabait ako ngayon dahil dun muna kami sa Jeju.

Excited na kaya ako.

"Youre pretty ma'am," ani ni nurse guy.

"Hindi pa ba kayo tapos diyan?" singit ni Luhan.

"Ehem, patapos na po sir," ani ni nurse girl.

Umalis naman silang dalawa.

"Hoy," ani ko.

"What?!"

"Thank you," ani ko.

"Magpahinga ka na diyan," saad niya.

Ewan ko ba pero parang natatawa ako kasi ang among-amo ng mukha niya. Mukhang mabait ang aura niya ngayon which I don't like kasi nakakainlove yung lalaking may ugaling ganun.

"Anong tinititig-titig mo diyan?"

"Oa mo! Tiningnan ka lang. Masyadong OA."

"Paano kasi nadidistract ako," mahina niyang sabi.

"Wow nadidistract ka talaga? Am I too attractive to you my dear husband?" pang-iinis ko.
"Para ka kasing mummy sa Egypt dahil sa mukha mo ngayon."

Uminit naman bigla ang ulo ko. Tama naman kasi siya. Nagmukha akong mummy sa mga band-aids sa braso ko.

"Kung ihulog kaya kita!"
"Baka ikaw ang ihulog ko diyan!" aniya.

Nakakainis! Babawiin ko na ang sinabi ko kanina. Hindi siya mabait. Nagbabalat-kayo lang pala ang salamander na 'to.

Nakarating na nga kami sa Jeju Airport. Inhale.
Exhale. Nasa lungs ko na ang hangin ng Korea.

Sarap, lasang Joo Hyuk. Waa ang saya. Iisang hangin na ang nilalanghap namin ngayon. Medyo malayo ang Seoul pero aabot din dun sa kanya ang hininga ko.Sana hindi niya maamoy yung
binagoongan kong ulam kanina.

"Hoy stupid! Tatayo kalang ba talaga diyan? O iiwan kita dito?!"

Kainis din to e!
Binuksan ko naman ang pinto ng kotse sabay padabog na umupo.

"Stup*d."
"Alam mo may pangalan ako. Kaya huwag mo kong ma-st*pid st*pid!"

"Fine."

Nakakainis naman. Nagsimula na siyang magmaneho. Ang ganda talaga. Kinakausap naman ni Luhan ang GPS locator sa salitang Hangul. Ang naintindihan ko lang. Sinsan Park.

"Anong klaseng park ba 'yan? Amusement Park? Heritage Park? Jeju Park? O baka naman Memorial Park? O si Sandara Park?"

"What?! Are you out of your mind? Just shut up, pwede?"

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon