The Originals
12:01 amAj: Uy guys guys may report ako
Damian: Ano yun pre
Brian: Anu yun
Aj: Si Theo
Damian: Anong meron kay Theo?
Aj: Si Theo, sabay sila umuwi ni Tanya
Bryan: Ah yun lang ba?
Damian: Ok
Bryan: WAIT ANO?!
Damian: Tama ba 'tong nakikita ko, mamaya bulag lang ako ah!
Aj: Mga baliw ang le-late niyo magreact
Bryan: DI NGA?!!!!!!
Aj: Oo nga tanong niyo pa siya eh
Damian: Waw naman dumada-moves si Theo
Bryan: YESSS!!!!! BUMALIK NA ANG THEYA!!!
Bryan: OMGEEEEEEE!!!!!
Bryan: MY SHIP IS BECOMING TRUUUUU!!!! AHHHHH!!!!
Damian:Hoy bakit ka ba naka caps lock
Damian: Para kang bakla Pre, wag mo sabihin nagiging girl ka
Bryan: Grabe ka ah, bakla agad
Aj: Yun lang sasabihin ko bye tulog na ko
Aj Garcia has logged out
Damian: Ako din
Damian Garcia has logged out
Bryan: Yan nanaman tayo eh nang-iiwan kayo
Bryan Franco has logged out
Tanya
It's been one week since pumasok ulit ako sa school, sa isang linggo palang ay marami na ang nagbago. Nagising na ako at nag-ayos ng gamit, pumasok na ako sa school para madami pa 'kong magawa. Habang naglalakad, napansin ko na may tao pala sa katabi ko,"Hi Tanya!"
"Good Morning" Bati ko
Nakita ko naman na tumahimik siya bigla,
"Oh ba't ka natahimik diyan?"
"Ah wala"
Umakyat na kami sa stairs papuntang 6th floor, hoooo nakakapagod umakyat, habang naglalakad kmi nakita ko si Mico na naglalakad sa hallway
"Uy Mico!!!"
Bigla naman tumingin sakin si Mico at lumapit saakin, nung nakadating na siya sa harapan ko, bigla ko naman nakita si Vi na paakyat ng stairs. Napangiti naman ako sa dalawa, nagulat naman silang dalawa ng nakita nila ang isa't isa. Nagtakbuhan naman sila sa classroom, napatawa nalang ako ng malakas na hindi ko namalayan na nasa tabi ko nga pala si Theo,
BINABASA MO ANG
Who Are You
Teen FictionSino ba talaga sya? Ang bestfriend ko, O ang first love ko Tanya Garcia is the the not so popular girl in school. The Little Sister of AJ, the leader of the most popular group in school. Theo Rodriguez is the best friend of AJ who also becomes Tanya...