A Secret Revealed

48 2 2
                                    

Andre

Break time na from my first class. Habang naglalakad ako papunta sa canteen nag-slow mo lahat ng makita ko si Vi. Matagal ko ng tinatago toh. Di ko rin sinasabi kasi alam ko may Mico na sya. Nakasalubong ko naman si Bryan.

"Uy, san ka nakatingin ah?"

"H-huh? Ah, hindi wala. Wala akong tinitignan."

"Ay nako, upo na nga lang tayo"

Nag hanap kami ng mauupuan. Pagupo namin nag salita naman bigla si Bryan.

"Oy, ikaw ah kunyari ka pa, nakita ko na si Vi yung tinitignan mo"

"Ha?!! Nakita mo yunnnn?!!!"

"Oo noh, bakit nga ba?"

"Hay, talagang sa lahat ng paghihirap kong itago toh, ikaw pa talaga una makakaalam."

"Ay grabe sya, so ano na nga?"

"Welllll, hate to say it pero, matagal ko nang crush si Vi. Ewan ko ba kung ano nakita ko dun."

"Well, hate to tell you, na wala ka ng pag-asa"

"Ano ba?! Alam ko naman yun eh, but I just can't let go"

"Wow big word"

"English lang yun, ikaw kasi hindi marunong"

"Ewan ko sa'yo, hindi 'to alam ni Tanya?"

"Hindi, alam mo naman na kahit magkaibigan kami hindi ko iyon masasabi sakanya, dahil magkaibigan din sila ni Vi"

At nalaman na ni Bryan ang lahat.

Vi
Andito ako sa canteen kasama sina Mia at Tanya, napansin ko na nakatingin dito si Andre at Bryan habang nag-uusap.

"Ano kaya pinapagusapan nila, na nakatingin sila dito?" Tanong ko

"Baka ikaw" sagot ni Mia

"Ayiee" pang-asar ni Tanya

Bigla naman dumaan sa table namin si Mico na nakangiti, tinignan niya ako at pumunta dun sa kabilang table. Bigla naman tumayo si Andre sa upuan niya, yung mukha niya parang naiinis, nagwalk-out naman siya bigla, problema nun? Sinundan naman siya ni Bryan. Bahala na nga yun, isipin ko nalang si Mico my labs

Byran
Biglang tumayo sa upuan si Andre, bakas sa mukha na naiinis siya, tinignan ko kung sino yung tinitignan niya, nakita ko si Mico na dumaan sa table nila Vi. Biglang nagwalk si Andre at labas ng canteen.

Sinundan ko naman siya para hindi ako maiwanan, ng tignan ko ulit yung mukha niya para siyang nagagalit na nalilito. Selos ata 'to eh,

"Uy Andre ba't ka umalis bigla?"

Hindi niya sinagot at nagpatuloy maglakad, "Dahil ba nakita mo si Mico at Vi?" tanong ko. Bigla naman siya napahinto sa paglakad at yumuko,

"O-oo"

Sabi na nga ba eh, pagkatapos nun bigla niya ako iniwanan dahil pupunta na daw siya sa classroom. Napaisip naman ako bigla, dapat ko ba 'to sabihin kina Aj? Pero baka magalit sa'kin si Andre, dahil madaldal ako ay sasabihin ko sakanila, sorry Andre.

Pumasok na 'ko sa classroom at nakita sina Aj at Damian na nag-uusap, lumapit naman ako sakanila.

"Guys Guys may balita ako sainyo"

Tingnan lang nila ako at hindi nagsalita

"Ano? Hindi na naman kayo interesado 'no?"

Bigla silang magtinginan at tumawa ng malakas, mga baliw talaga

"Ano na yung balita mo?"

"Ayaw niyo naman ata malaman eh"

"Bilis na, baka dumating si Ma'am" angal ni Damain, lalaking' to

"Matagal na may gusto si Andre kay Vi" pabulong ko'ng sabi

Bago sila makareact dumating na si Ma'am, mahabang araw' to

Tanya
Kanina may napansin ako kay Andre na iba, hindi naman siya yung tipong tao na magagalit kaya ang weird lang nung nangyari kanina.

Kaklase namin si Andre ngayon, pumasok ako sa classroom at tingnan siya, tulala lang siyang Naka-upo. Something's wrong with him, how do I know? Well, para saan pa ang pagiging childhood friends namin diba.

Dumating na si Ma'am to start the class, malalim ako'ng nag-iisip ng may tumapik ng braso ko,

"Tanya ok ka lang? Nakatulala ka lang kasi diyan eh" si Theo pala

"Oo ok lang ako"

"May activity daw tayo"

"Ah sige, bigay mo nalang sa'kin yung kailangan gawin"

Maya maya naman inexplain niya yung gagawin namin, nakita ko naman bigla na tumayo si Andre at pumunta kay Vi, may hiniram ata siyang materials. Pinanood ko siya hangang sa maka-upo siya sa upuan niya

"Ehem" nagulat ako sa nagsalita, lumingon ako sa tabi 'ko at nakita si Theo na may asar sa mukha

"Bakit?"

"Kanina pa 'ko nagsasalita dito, hindi ka naman nakikinig, paano mo malalaman yung gagawin mo kung nakatingin ka lang may Andre"

Nagulat ako sa sinabi niya, nakita niya pala na tinitignan ko si Andre, hindi ako nakapagsalita kaya ginawa ko nalang yung kailan ko'ng gawin.

Lunch time na namin, kakausapin ko sana si Theo pero agad-agad naman siya umalis ng classroom, natahimik naman ako. Hala baka nainis siya sa'kin dahil sa ginawa ko kanina.

"Oh Tanyag halika na, punta na tayong canteen"

"H-ha? Ah sige"

Naglakad na kami papuntang canteen, si Andre na iniisip ko kanina napalitan na ni Theo, WOW.

Umupo kami sa table at bumili sila ng pagkain, nagpabili nalang ako sakanila kasi nawalan ako ng gana bumili. Tinignan ko sina kuya at hinanap si Theo, ang dun siya kumakain lang. Hayy kailangan ko magsorry sa kanya mamaya.

Nakabili na sina Mia at sinimulan na namin kumain, walang gana ko'ng kinain yung pagkain na pinabili ko, naubos ko na ito kaya nagpaalam ako kina Mia na muuna na. Pumunta ako sa school garden para magpahinga, may thirty minutes pa naman bago magklase. Umupo ako sa ilalim ng puno at nakinig nalang ng music, naalala ko bigla yung nangyari dati dito, na nakatulog ako dito ng komportable. Pinikit ko ang aking mga mata at naramdaman ang malamig na hangin, nagtagal pa ako ng kaunti, after a few minutes I decided to go back kaya naglakad na ako papuntang hallway ng may napansin ako'ng tao na nakahiga sa isa pa'ng puno, nilapitan ko kung sino yun at nakita si Roy na natutulog, hindi ko na siya ginising at dumiresto na sa kwarto.

*timeskip*

Dismissal na at napagdesisyunan ko na magsorry kay Theo, mali naman kasi yung ginawa ko kaya may karapatan siyang magalit sa'kin, pumunta muna ako sa locker ko pagkatapos ay naglakad na palabas, wala yung dalawa dahil si Mia kasama si Henry, si Vi naman pinapauwi ng maaga kaya loner ako ngayon, paliko na sana ako ng makita ko si Theo..... na kasama si Claire, napaatras ako ng kaunti dahil sa nakita ko, sana hindi nila ako nakita pero hindi eh, lumingon si Theo sa kinaroroonan ko,

"Tan-" Hindi ko siya pinatapos dahil tumakbo na 'ko palayo sakanila, anong meron? Bakit ako tumakbo palayo sakanya?

A/N
Hi guys! Hope you enjoyed this chapter kahit maiksi siya. Thank you! Please vote and comment 😂😄❤️

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon