The Number

15 0 0
                                    

Summer bago maging high school ang dalawa. Nag-aayos ng mga gamit sina Nika at Gian kasama sina Damian.

"Bakit ba kasi lumipat pa kayo ng bahay?" Tanong ni Gian kay AJ.

"Parang naman lumipat kami sa ibang lungsod. Sa kabilang village lang naman 'to" Asar na sagot ni AJ at pinasa kay Nika ang libro.

"Eh kahit na. Nakakatamad kaya maglakad pa ng mas mahaba. Dati naman ilang lakad lang nasa bahay niyo na 'ko" Angal ulit ni Gian.

"Kung magpunas ka na dyan kay sa umangal" Sabi ni Nika at binigay sakanya ang mga bagong pupunasan niya. Napaangal pa lalo si Gian dito.

"Hay, kung sana andito lang si Andre" Nagpatuloy na siya sa pagpunas. Dalawang oras silang nagpunas ng mga gamit at isa-isang nilagay sa mga shelves. Binuhat naman nina Alex ang mga kahon at pinasok sa loob.

Naayos na nila lahat lalo na marami sila sa bahay. Nasa sala silang lahat ngayon, nagpapahinga at kumakain.

"Buti nalang at mas malaki ang bahay na nakuha natin, lalo na kasama na natin sina Damian" Tumira na rin ang magkapatid doon dahil halos laging nasa iba't-bang bansa ang mag-asawa.

"Pero kayo naman ang mawawala" Sabi ni Nika sa mga magulang. Natawa nalang sila dahil dito.

"About that..." Napatingin silang lahat kay Timmy. "I've decided to go with them" Biglang natahimik ang lahat sa sinabi niya.

"WHAT?!" Sabay na sigaw ng dalawang nakatatandang kapatid niya.

"Are you serious?" Tanong sakanya ni Damian. Tumango naman ito bilang sagot.

"I want to try a new experience" Masayang sabi niya.

"So iiwanan mo ko mag-isa dito? Akala ko ba sabay tayong mag gragraduate" Sabi sakanya ni Josh na mukhang nagtatampo.

"Baliw graduate ka na. Iniwan mo kaya ako!" Sabi niya sa pinsan.

"Bahala ka dyan" Inarapan niya ito pero halata ang lungkot.

"Tatawagan naman kita ehhh, promise" Panigurado niya sa pinsan. Biglang natulala si Nika habang nag-uusap ang iba. May bigla siyang naisip na gawin.

"I also want to ask you guys something," Sabi ni Nika, nakatingin pa rin sa baso niya. "I mean it's more on a favor." Tinignan niya ang mga kasama.

" Can we keep my real name a secret?" Natigilan naman ang lahat ng tao doon maliban sakanya. "You know, maybe a new start" Pagpapaliwanag niya.

"If that's what you want, sure" Sabi ni AJ na unang nag-salita. Tumango naman ang iba, alam nilang malaking bagay rin ito para kay Nika.

"But what would your name be?" Tanong ni Alex sa anak. Napaisip naman siya sa tanong na iyon.

"How about this. Since my name is Tamiya, let's think of something related to it." Napatingin naman silang lahat sakanya. "What? I still want my daughter's name to be related to me" Sabi niya at inirapan sila.

"Okay, then what about Tanya?" Suggest ni Alex sakanila. Napatango naman sila.

"I guess that's okay" Pagsang-ayon ni Nika. "So, from today on I'm Tanya Garcia" Sabi niya at tumayo. Tumakbo siya papunta sa kusina at kumuha ng graham cake.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon