Game

40 2 3
                                    

A/N
Hi guys! Late update, pinagplanuhan ko kasi itong chapter ng matagal, ang also got some Inspiration hehe. Anyways enjoy this chapter!

Aj

"Go! Go! Go!" Sigaw sa'min ni coach habang tumatakbo kami sa court, hingal na hingal na ako habang drinidribble yung bola, pinasa ko 'to kay Bryan kaya tumakbo siya papunta sa ring namin at shinoot, ng hindi siya pumasok ay tumalon si Theo at nirebound ang bola. Lahat sila nagsigawan.

"Eyyyyyy!!" Sabay sabay nilang sigaw habang ako naman ay nakangiti habang hinahabol ang hininga, lumapit sa'kin si Damian at inakbayan ako,

"Oh anong ginagawa mo dito at nakatayo ka lang?" Tinignan ko lang siya at umiling

"Ah alam ko na! Tumatanda ka na kasi!"

"Hoy anong tumatanda?!"

"Ay hindi ba? Akala ko lang naman" hahampasin ko na sana kaso pumunta dito si Bry,

"Hoy anong nangyayari dito?"

"Itong kaibigan mo inaano ako"

"Haha insan chill lang, ito hindi nanaman mabiro"

"Nako ewan ko ba sainyong dalawa, iiwanan ko na kayo diyan at magpapalit na 'ko, malapit na magklase" sabi niya at tumakbo sa locker room. Sinundan na namin si Bry at naglakad papuntang locker room, ng pumasok kami ay nakabihis na silang lahat at kami nalang ang hindi, kaya mabilis na kaming nagbihis.

Tanya

Pagkagising ko ay tahimik ang buong bahay, bumaba ako at nakita si Timmy na kumakain ng egg sandwich,

"Ikaw lang" tanong ko

"Uh huh" sagot niya habang ngumunguya, ang baboy din nito eh. Umupo na ako sa tapat niya at kumuha din ng sandwich at kumain. Nag-ayos na ko ng gamit at nagtoothbrush na din, sumakay na kami sa kotse papuntang school. Habang naghihintay nagvibrate ang phone ko kaya binuksan ko 'to, galing kay Roy ang text.

From Roy:
Nasa classroom na kami

To Roy:
Ok, papunta na kami ni Timmy

From Roy:
Ok ingat sa byahe!

Inangat ko ang ulo ko at saktong nasa harap na kami ng school, bumaba na ako at diretsong pumunta sa locker, maaga pa naman kaya kukunin ko na yung mga kailangan ko, habang naglalakad bigla kong nakasalubong si Theo na mukhang bagong ligo, basa kasi ang buhok nito kahit naka uniform na, at isa pa may dala siyang towel, what the? Pero tinignan ko lang siya habang papalapit siya sa kinaroroonan ko, parang napako ako dito sa tinatayuan ko at nakatingin lang ako sakanya. Hoy Tanya gising! Mag lalakad na sana ako ng bigla niya kong batiin,

"Hi Tan" sabi niya na may kasamang malaking ngiti at naglakad na siya papalayo, natulala naman ako saglit pero nagising din at tumingin sa likod pero wala na siya, weird. Isa pa may kamukha siya na kilala ko na dati pa, eh bahala na siya.

Naglakad na ako papunta sa classroom at una kong nakita ay ang upuan ko dati, hindi na kasi ako umupo doon at mukhang ok lang kay Ma'am. Umupo na ako sa tabi ni Cait at nakipagkwentuhan, pinagusap namin ang game na gaganapin mamaya, Interschool kasi ng basketball kaya naman ay maraming manonood, at isa pa ang dun yung pito kaya you know, maraming pupunta na babae.

After three subjects ay nagsnacks lang kami at bumalik na din agad sa classroom, dalawang classes nalang ang meron kami kasi nga may laro so half-day lang. Ng huling subject na ay nakatingin nalang ako sa wall clock, ilang segundo nalang at

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon