Rivalry

54 2 1
                                    

Mico

Ng malaman ko na may gusto si Andre kay Vi, sobrang gulat ko dahil hindi mo talaga malalaman agad dahil hindi halata. Pero hindi ko siya hahayaan na kunin sakin si Vi. Pumasok ako sa classroom, agad naman na nagkatinginan kami ni Andre, sinamaan ko siya ng tingin at umupo nalang sa upuan ko, nasa tabi ko naman si Josh habang nasa harap si Zach,

"Ano na plano mo?" Tanong sa'kin ni Josh

"Wala naman talaga ako'ng plano, ayoko lang maagaw si Vi sakin"

"Wow sayo na ba siya?" pang-asar sa'kin ni Zach

"Hindi pero kagaya ng sinabi sakin ni Tanya yung isang araw, kailangan ko na gumalaw"

"Wow, kailan pa kayo nagusap ni Tanya?"

"Yung friday, pumunta ako sa bahay nila eh"

"Bakit ka naman pupunta sa bahay nila Tanya? At paano kayo nagkausap?"

"Ah pumunta ako sa party sa bahay nila dahil bumalik na si Laine, doon ko siya nakausap"

"Hay nako Mico, buti nga eh pinagbigyan kita pumunta" Nginitian ko naman si Josh

"Bakit ka pumunta dun? Eh ang alam ko mga kaibigan lang ni Laine andun ah"

"kaya nga eh, si Mico kasi nalaman na andun si Vi kaya pinilit ako na sumama siya. May pawave pa siyang nalalaman eh"

"Ang daya niyo naman hindi niyo ko sinama"

Tinawanan lang namin si Zach, maya maya dumating na ang prof na may kasamang student,

"Ok guys, we have a new student, not really a new student but she came from Section 1, please introduce yourself"

Nagulat ako dahil nakita ko sa harap ko si,

"Hi my name is Vivienne Fernando, you can call me Vi"

Si Vi! As in dito sa class namin?! Tinignan ko siya at laking gulat ko na nakitingin din pala siya sa'kin, bakit sobrang ganda niya? Mas gumanda pa siya ngayon, na mas nagpahulog sa'kin sakanya.

"Ok, you can sit beside Caitlyn"

Naglakad siya papunta sa upuan ni Cait, dumaan siya sa gilid ko, bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko, narinig ko yung mahinang tili ni Cait sa likod. Siniko naman ako ni Josh,

"Yes naman magkaklase na kayo"

Tumingin ako sa likod ko at nakita si Vi na kausap si Cait, tumingin naman ako sa tabing upuan ni Vi, nakita ko doon si Andre na nakatingin din kay Vi, hay magsisimula na nga.

Andre

Pumasok ako ng maaga ngayon dahil ayokong makasabay si Mico sa hallway, umupo na ako sa upuan ko, may konting students na din sa loob kaya may pagka maingay na. Maya maya dumating si Mico, bago siya umupo tinignan niya ako ng masama kaya binalikan ko din siya. Pumasok yung Prof na may kasama na isang student, sinabi niya na galing siya sa Section 1, laking gulat ka ng makita ko si Vi sa harap,

"Hi my name is Vivienne Fernando, you can call me Vi"

Naglakad siya papunta sa upuan ni Cait, napanisin ko naman na nakitingin sakanya si Mico, nagkatinginan naman silang dalawa. Bigla nalang ako nagalit kaya naman napayukom ako ng kamao, napansin ata ni Theo,

"Andre ok ka lang?"

"Ha? Ah oo"

Tumingin na ulit sya sa harap, after ng discussion ng Prof, may pinasagutan siya samin, habang sumasagot napapatingin ako sa likod kung nasaan si Vi, nakakadistract naman kasi siya eh.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon