Back to Normal

31 0 2
                                    

Tanya

Pumasok ako na may pakiramdam na may mali sa araw. Naglalakad ng dahan-dahan habang pinapanood ang mga estudyanteng naglalakad habang nagkwekwetuhan kasama ang mga kaibigan nila. Papasok na ako ng gate ng bigla akong umikot at napaharap sa likod. Natumbad ko agad si Theo na nakangiting nakatingin sa'kin. Natigilan ako at parang tumigil ang mundo.

"Good morning!" Masigla niyang sabi na nagpagising saakin, bigla akong napatayo ng tuwid at napayuko. Nakita ko na hawak na niya ang bag ko sa kamay niya. Nang tumingin ulit sakanya ay mukhang nagtataka na siya kaya nginitian ko nalang siya at binati, "Good Morning". Napatingin kami parehas sa gilid nang may magsalita.

"Hay nako ang aga-aga. Sa gate pa talaga ah" Sabi ni Mia na kasabay si Vi. Bigla akong nahiya at yumuko lalo na nung marinig ko ang asar nila.

"Tara na" Sabi ni Theo at naglakad na papasok, sinundan ko na siya. Pinaggitnaan siya nung dalawa at mukhang inaasar. Umiling lang si Theo sabay tawa. Nacurious ako bigla, "Ano pinag-uusapan niyo?" Tanong ko kaya napatingin silang tatlo sa likod, nagkatinginan naman yung dalawa at sabay, "Secret!". Napanguso nalang ako at sinimulang umakyat ng hagdan. Inunahan ko na sila hanggang sa pagpasok, naabutan ko si Mico sa labas ng classroom namin at nang makasalubong ay nagsumbong sakanya.

"Mico, si Vi inaaning nanaman ako" Sabi ko saka tumingin sa likod, mukhang nakita naman nila ito kaya biglang lumayo si Vi at naunang naglakad dito. "Micooooo!" Sabi niya sabay yakap dito. Napairap nalang ako at pumasok na sa loob, matatagalan pa naman ang dalawang 'yun. Pagdating sa upuan ay nakita ko ang bag ni Cait pero wala siya dito, mukhang lumabas. Umupo na ako at aakmang kukunin ang bag nang maalala ko na,

"O, inunahan mo kasi ako eh" Sabi niya at nilapag ang bag sa mesa.

"Kailan ka pa naging alalay Theo?!" Kunwaring gulat na tanong ni Laine sa kaliwa. Kinindatan naman ako bigla na nagpakunot ng noo ko, kinausap niya na si Matt sa tabi niya. Napatingin ako sa likod at nakita namang kausap na rin ni Henry si Mia. Sabihin niyo nga, ang weird ba ng araw, o ako lang 'yun? Nagtataka pa rin ako pero pumasok na ang lecturer kaya tumahimik ang buong klase. Napansin ko si Cait na dahan-dahang pumunta dito. "Muntikan ka na ah" bulong ko sakanya ng maka-upo na.

"Saan ka ba galing?" Tanong ko habang nakatingin sa harap para hindi mahalata.

"Pumunta akong kabilang year" sagot niya kaya napatango nalang ako, ahhh kay Damian. Nagsimula na magturo ang guro sa harap kaya kinuha ko na ang libro sa ilalim ng mesa ng may makapa akong papel, kinuha ko ito at binuksan, 'We're almost there' ang nakasulat. Napaisip ako kung anong ibig sabihin nito pero bigla akong tinawag, "Ms. Garcia" tumingin ako sa harap, "Please read the first paragraph". Binuksan ko ng mabilis ang libro at sinimulang basahin ang pinapabasa.

Natapos ang unang klase at hinintay namin ang susunod na teacher. Pagpasok niya ay maraming papel ang dala niya. Tinulungan naman siya ng isang kaklase namin at pinadisribute na rin. Isa-isa niyang binigay ang papel saamin at ng ibigay saakin ang papel ko ay napangiti ako.

"I'm impressed! I gave a good mark to everyone kasi lahat ng works niyo ay magaganda. I would like to recommend Ms. Garcia's work. It is full of emotions, damang-dama ko siya" sabi at nginitian ako. Kinalabit ako ni Cait, "Patingin" binigay ko sakanya yung papel ko at kinuha ko naman ang sakanya.

"grabe naman 'to Tan" Sabi niya ng ibalik ang papel ko, "Hula ko kaya mo 'yan nagawa dahil timing siya sa nangyari" asar niyang sabi sa'kin kaya naman binelatan ko. Bigla akong nagulat ng makita si Theo sa gilid, "patingin nga" biglang sabi, napansin kong wala na ang guro kaya break na. "Ayoko nga, pagtawanan mo pa ko eh" inilayo ko ang papel sakanya.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon