Crush

203 3 5
                                    


Tanya
May isang lalaking papalapit sakin. Hindi ko masyado makita yung mukha niya dahil sa liwanag. Pagharap niya sa'kin, nakita ko na ang buo ang mukha niya, si Theo. Hinawakan niya yung kamay ko at nagsimulang maglakad. Hinihintay namin mag green yung stop light. Yung nag green na siya tumawid na kami. Habang tumatawid, hindi ko namalayan na may sasakyan na paparating. Nakatingin lang ako sa kotse ng tulala. Biglang may humila ng braso at dun ko nalang nalaman na muntikan na ko mabangga. Narining ko nagsalita si Theo,

"Ano ba! Mag-ingat ka sa dinadaanan mo. Muntikan ka nang mabangga oh. Ano na mangyayari kung nawala ka? Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko."

Nagulat ako sa sinabi niya. Papalapit ng papalapit yung mukha niya sa mukha ko ng-

"Ahhhhhh!!!" Napasigaw ako ng malakas ng maramdaman ko ang malamig na tubig.

"Kuya naman oh! Ang aga aga nangbabadtrip ka!"

"Anong aga ka diyan, tignan mo alas shete na tulog ka pa. Malelate na ko dahil sayo eh."

"So? Ano naman?"

"Anong ano naman? Lunes ngayon may pasok tayo!"

Dun ko nalang naalala na may pasok nga pala ako. Sayang, akala ko naman totoo na yung nangyari yun pala panaginip lang. Tumayo na ako at pumunta na sa bathroom para maligo. Pagkatapos ko maligo at magbihis bumaba na ako agad, hindi ako mahilig mag make-up kasi ayoko lang hehe. Pagkababa ko sa dinning room nakita ko sila Mama.

"Good morning nak!"

"Good morning Ma! Pa!"

"Bilisan mo na diyan kumain at malelate ako dahil sayo!"

"Tch sungit nito."

"Sabi mo?!"

"Wala sabi ko ang panget mo bleh."

Sinamaan naman ako ng tingin ni kuya, kala mo naman gwapo siya eh no tch. Pagkatapos kumain nag-ayos na kami at umalis.

"Ma, Pa alis na kami!" Sabi ni Kuya.

"Sige magiingat kayo mga anak." sabi ni papa.

Sumakay na kami sa kotse para makapunta sa school. Hindi kami mayaman ah, may kaya lang kami. Dumating na kami sa school gate at bumaba na. Nauna na ako sa kuya ko dahil alam ko naman pagkababa nun maingay nanaman. Hay nako kasi naman yang kuya ko sikat na sikat dito sa school. Ang cool cool ng itsura sa school, pero pag dating sa bahay parang bata. Hindi ako famous parang kuya ko, gitna lang ako hindi pinagkakagalitan hindi rin pinagguguluhan my life is normal. Hindi parang yung isa diyan na feelingero. Pagkadating ko sa classroom hindi pa ako late hooo, binati naman ako ng mga besfriend ko na sina Mia Dela Torre at Vivienne Fernando.

"Morning Nya!"

"Morning!"

"Mukhang late ka nagising ah?" Tanong sakin ni Mia

"Hehehe sarap matulog eh anong magagawa ko, buti nga 8 mins away lang bahay namin dito."

"Uy andiyan na si Ma'am."

Umupo na kami sa mga upuan namin at nagstart na ang klase. Nakikinig ako ng mabuti kasi favorite subject ko toh math hehe. Hindi ako nerd o ano ah gusto ko lang siya kasi nakakachallenge at masaya.

"Ok class, magkakaroon tayo nang activity kapartner niyo na ang katabi niyo."

Hwa! Kapartner ko ang crush ko!! Oo katabi ko lang naman ang one and only Theo Rodriguez. Long time crush ko siya kasi ang galing niya magbasketball, matalino, matangkad, gwapo, pero may pagka bad boy nga lang kasi masama ugali niyan minsan. Pero ok lang kasi crush ko siya eh. Bestfriend siya ni Kuya at kasali siya sa pinakasikat na grupo dito sa school. Taray niya noh. Taga ibang section talaga siya, sa tatlong subjects ko lang siya kasama kasi ang galing niya doon, pero sa iba ewan ko nalang. Tama na kaiisip sakanya hehe. Sinimulan na namin gawin ang activity at hinati namin ang questions tapos ichecheck nalang pag tapos na. Habang nagsasalita siya, nakatulala lang ako dahil sa mukha niya ang gwapo niya talaga!

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon