Announcement

36 0 0
                                    

A/N Finally nakapag-update na ko! Anyways WARNING lang dahil maraming magswiswitch ng POV dito sa chapter na'to dahil maraming mangyayari baka malito kayo, enjoy this chapter! Vote, Comment, and Share!

3rd Person

Habang naglalakad ang mga tao sa hallway ay biglang nagbago ang simoy ng hangin, lahat ay napatigil sa paglalakad ng may isang lalaking tumapak sa campus, puro bulungan ang maririnig at tinginan ng mga estudyante. Ang lalaki ay patuloy lang sa kanyang paglalakad habang kunot ang noo at mga malamig na mata. huminto siya sa paglalakad ng nakita ang kwartong hinahanap, malakas niya binuksan ang puntuan sa harapan at nakita ang isang lalaking may-edad na, halatang nagulat ang lalaking may-edad ngunit bumalik na din sa pagiging matikas at umupo sa kanyang upuan.

"You're here" Hindi sumagot ang binata at patuloy lang sa pag tingin ng buong kwarto,

"Well here is your schedule and your locker key, your Adviser Ms. Lopez will guide you to your homeroom"

May pumasok na babae sa loob ng office at ngumiti sa binata pero hindi niya ito pinansin at diretsong lumabas ng kwarto, ngumiti nalang ang principal sa guro na binalikan din siya at lumabas na para sundan ang binatang nauna na.

Andre

Patakbo akong pumunta sa classroom namin dahil may narinig akong balita galing kay Mommy. Pumasok ako at diretsong pumunta kina Gian at Theo,

"Guys! Guys! May bago tayong classmate!"

"Seryoso?!" sabay nilang sigaw

"Oo nga! Narinig ko si Mommy kahapon kausap yung principal"

"Satingin mo-" naputol si Theo ng bumukas ang pinto at pumasok si Mommy, huminto siya sa gitna at tinignan kami sabay ngiti,

"Good Morning class! Today you will have a new classmate" Masaya niyang sabi,

"Come in" tingin niya sa labas, biglang may pumasok na lalaking blanko ang mukha at may aurang hindi maganda, nako mukhang gulo ang dala nito ah. Pumunta siya sa tabi ni Mommy at tinignan kami isa-isa,

"Please introduce yourself"

"Amadeus Leo De Guzman" tipid niyang sabi at mukhang nabo-bored na,

"Ok, pwede ka ng umupo sa upuan mo which is katabi ni Theo" Tinuro niya naman si Theo, oo nga pala wala na siyang katabi, kawawa naman 'to. Nang umupo siya sa tabi ni Theo ay nagpakilala siya,

"Theo nga pala" sabi niya pero tinignan lang siya nito at tumingin na ulit sa harap, biglang kumunot yung noo niya, "Ok?" mahinang sabi ni Theo.

Buong klase ay parang mabigat ang kapaligiran namin hindi ko alam kung bakit pero parang lahat ay napapatingin sa bagong student, may aura siya na parang sinasabi niyang wag siya lapitan kun'di mapapahamak ka. For two hours ganun lang kami, hanggang sa magring na ang bell ay nagmamadaling lumabas ang iba naming mga kaklase, lumabas na ako at hinintay ang iba, nakita ko na sina Roy habang nasa tabi ko na sina Gian at Theo.

"Guys may bago daw kayong kaklase?" Tanong ni Bry, ang bils nga naman ng balita.

"Oo, katabi pa nga ni Theo eh"

"Mukhang delikado ah?" Sabi ni AJ, nagkibit balikat lang ako at nagsimula ng maglakad, habang naglalakad kami ay nakita namin yung lalaki na kakalabas lang ng room ng bigla siyang nilapitan ni Claire, nagkatinginan kami at lahat ay napatingin kay Theo, malamig niya kaming tinignan at umiling lang.

"Hi I'm Claire Sophia Valdez, if you want I can-"

"Hey! Liam Salazar here, want me to tour you?" Singit ni Liam kay Claire na mukhang gustong itour ang bagong student, pero teka lang ah, Section 1 siya eh itong dalawa taga Section 2, trip nila? At isa pa si Claire? eh ang alam ko she's head over heels kay Theo, like duh, para makalapit lang kay Theo ay nagspread pa siya ng mga hindi totoong bagay, lastly wala ngang paki 'tong si Theo kay Claire mabait lang talaga ewan ko kung bakit, eh hindi din naman 'yan mabait eh, jokeeee.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon