Revelation

8 0 6
                                    

Tanya

I woke seeing my Mom sleeping beside my bed. I can see the dark circles below her eyes.

I stroked her hair softly. How grateful I am for her always being there. Kahit na umaalis sila lagi ay hindi niya kami napapabayaan.

Bigla siyang nagising at napaupo ng maayos.

"Good Morning" Bati ko sakanya. Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"Thank goodness you're awake" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Bumili lang ang Daddy mo ng pagkain"

"How long was I asleep?" Tanong ko. My head fells a little fuzzy.

"Two days" Napatingin ako sakanya. Two whole days, that's pretty long.

"I see..." Sabi ko at tumango lang. "I'm sorry, hindi ko agad sinabi" Mahinang sabi ko sakanya.

"Why didn't you say so? I know, baka may dahilan kung bakit, pero anak, don't keep it to yourself. Ayoko na ulit mangyari ang nagyari noon" I felt the worry in her voice. Bigla kong naalala ang unang araw ko sa ospital. Sobrang takot ko sa mga pangyayari. Susuko na sana ako kung hindi lang dumating sina Mom.

Tumango ako sakanya at ngumiti. Dumating si Daddy na may mga pagkain sa kamay.

"Oh, my baby's awake" Sabi niya at hinalikan ako sa ulo.

"Tsk, inuna mo pa yung anak mo. Andito yung asawa mo" Asar na sabi ni Mom. Natawa ako sakanilang dalawa. Parang bata pa rin sila kumilos.

"Ito naman hindi makapaghintay. Buhusan pa kita ng pagmamahal mamaya eh" Sabi ni Daddy. Napangiwi ako sa sinabi niya. Alam kong magulang ko sila pero gusto ko nalang sila sipain palabas.

"Ew" Narinig kong sabi ni Kuya na kararating lang kasama si Timmy. "Nagharutan pa kayo sa harap ni Tanya" Lumapit siya sa'kin, binigyan ako ng orange juice.

"Thanks" sabi ko at uminom. Tumango ito at inayos ang mga gamit sa sofa.

"Ako na magbabayad sa baba" Sabi niya at pumunta na sa pintuan. Bago siya lumabas ay tumingin ulit siya kina Mom, "I don't want another sibling" seryosong sabi niya at lumabas. Muntikan ko nang madura ang iniinom dahil sa sinabi niya. Si Timmy naman ay tumatawa na sa sofa.

Napailing nalang sina Daddy at nagsimula na rin mag-ayos. Kinausap saglit ng doktor sina Mom saka kami umuwi.

Binati ako nila Kuya Dam at Josh pagdating sa bahay. Wala si Ate Hannah ngayon dahil day-off niya. Nagpaalam muna ako pumunta sa kwarto para ayusin ang mga gamit. Pagpasok ko dito ay malinis ang buong kwarto. Siguro naglinis si Ate.

Napahiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Nakakapagod na mawalan ng malay.

Nanood ako ng movie sa laptop ko habang hindi pa dinner. Nang matapos ang movie, tumunog bigla ang phone ko. Kinuha ko ito at nakita ang pangalan ni Tita Jianne sa screen.

"Hello Tita?" Tanong ko nang sagutin ang tawag.

"Tanaika Yasmin, ayan ka nanaman sa pagtatago mo" Suway niya sakin. Napatawa nalang ako dahil pinapagalitan niya nanaman ako. "Diba sabi ko naman sa'yo, never keep your attacks a secret"

"Alam ko naman po Tita"

"Alam mo nga pero hindi mo ginawa" Natahimik ako sa sinabi niya. It is my fault kung bakit napunta pa sa ganito ang mga nangyari. Kung sana sinabi ko na agad ay hindi na ko mapupunta sa ospital, pero ayoko rin naman mamiss ang Foundation Day.

"Tanya, just don't do it again. You know we can help you if you need anything, alright?"

"Okay po" Sagot ko nalang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon