Camp (Part 2)

28 0 2
                                    

Tanya

"Sa mga hindi pa kumakain, last 30 minutes for you!" Bigla ako nagising dahil sa narinig.

Shoot! Shoot! Shoot!

Mabilis akong nagpalit ng damit at naghilamos, sinuot ko nalang ang salamin ko dahil wala na akong oras magsuot ng contacts.

Tumakbo na ako papunta sa dining area, wala na akong paki kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Huminto na 'ko nang mapunta sa pintuan. Huminga muna ako nang malalim dahil sa pagod at saka naglakad papunta sa loob. Bigla akong hinarangan ni Ate gurl,

"Stab" Sabi niya. Kinuha ko yung stab ko sa bulsa ko nang nagulat ako na wala siya doon. Kinapa-kapa ko pa yung mga bulsa ko pero wala siya doon. Naiwan ko pa siya hayyy. Maglalakad na sana ako pabalik nang may narinig akong magsalita.

"Ito oh, para sa'ming dalawa" Sabi nito kaya napaharap ako sakanya.

"Roy!" Masaya kong bati.

"Morning Tan" Bati niya sabay ngiti. Nginitian ko nalang siya at sumunod papasok.

"Buti nalang andiyan ka. Walang laman 'tong tiyan ko pag hindi ka pa dumating"

"Nasaktuhan nga kita eh. Pero ba't ngayon ka lang? Kanina pa breakfast ah?"

"Ah hehehe. Hindi ako nagising sa alarm. Kaya ito, nagmadaling pumunta dito" Sabi ko. Natawa naman siya at kumuha na ng pagkain. Kumuha na din ako para saakin at hinintay si Roy. Nang matapos na siya ay dumiretso siya dito,

"Sige mamaya ko nalang palitan yung stab mo ah" Sabi ko sakanya at tumango nalang siya at naglakad na papuntang table nila. Hinanap ko sila Mia at andunnnnn sa dulo. Naglakad na ako papunta doon at umupo sa bakanteng upuan.

"Oh ngayon ka lang?" Tanong ni Cait.

"Nalate nagising" Sabi ko sabay subo.

"Nako, kasi naman ginigising na namin kanina ayaw parin magpagising, kaya iniwan na namin" Kwento ni Liane. Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Natapos na kami este AKO kumain kaya bumalik muna kami sa kwarto para mag-ayos.

Nagsipilyo ako at nag-ayos ng gamit dahil magulo siya sa kakamadali ko kanina.

"Tanya halika na!" Sabi sa'kin ni Laine kaya kinuha ko nalang yung stab ko at binulsa sabay punta sa labas. Naglakad na kami papuntang Hall. Nakapasok na sila sa loob nang makita ko si Roy na kakadating lang.

"Roy!" Tawag ko sakaya pero may biglang bumati sakanya kaya tinignan niya ako at sinabing wait lang, tumango nalang ako at hinintay silang matapos. Tumagal sila ng mga sampung minuto at andito lang ako nakatayo habang hinihintay siya hayy. Bigla naman lumapit sa'kin si Lucy na kagrupo ko kahapon sa ice breaker. Kasama niya si Daniel nang lumapit sila.

"Hi Ate Tan!" Bati sa'kin ni Daniel.

"Oh hi guys! Tapos na kayo kumain?"

"Opo, kakatapos lang po" Sabi ni Lucy.

"Sabay kayo?" Tanong ko, baka lang kasi may something, chos!

"Ay hindi po!" Sabay nilang sabi na nagpataas ng kliay ko, hmmmm.

"O..kay?"

"Nakita ko lang po siya sa labas ng kainan at nakita ka din po namin kaya po sabay kami" Paliwanag ni Daniel.

"Ahhh ok"

"Hindi pa po ba kayo papasok sa loob?" Tanong ni Lucy.

"Ah hindi pa, may hinihintay ako eh"

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon