Weird Feeling

50 2 4
                                    

Tanya

Naglakad na 'ko papuntang classroom ng biglang sumakit yung ulo ko, nahilo ako bigla kaya na-out of balance ako. Bago pa ako mapunta sa sahig, may naka salo na sa'kin. Hindi 'ko masyado makita ang kanyang mukha dahil malabo ang aking paningin, binuhat niya naman ako sa likod niya at dinala sa isang bench, inupo niya ako sa bench at pinikit ko naman ang aking mga mata. Ano'ng nangyayari sa'kin?

"Oh tubig" sabi ng isang lalaki, pamilyar yung boses niya kaya inimulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Theo sa harap, siya pala yung nagdala sa'kin dito, kinuha ko naman yung tubig at ininom,

"Salamat"

"Ok ka lang? Ba't na-out of balance ka bigla?"

"Hindi ko din alam eh, bigla nalang ako'ng nahilo"

"Sige magpahinga ka muna diyan"

Bigla naman tumahimik, bakit kaya hindi nagsasalita 'to? Bigla ko naman naalala yung kahapon,

"Theo" tawag ko sakanya

"Hmm?"

"Tungkol nga pala sa kahapon, sorry ah, may iniisip lang kasi ako nun kaya hindi kita nadinig"

"Ok lang yun, naiintindihan ko naman, mukha nga ang lalim ng iniisip mo eh"

"Hindi naman, may naalala lang ako bigla" sagot ko, tumahimik nanaman yung paligid, ano ba'ng meron at ang tahitahimik?

"Tanya, may tanong ako"

"Ano?"

"Bakit ka tumakbo kahapon?"

Bigla ko'ng naalala yung nangyari kahapon, bakit nga ba talaga ako tumakbo? Hindi ko 'din alam, dahil ba nakita ko'ng may kasama si Theo? Hay ewan, mag-isip ka nalang ng excuse.

"Ah kasi naalala ko na may dapat ako'ng bilhin" ano bayan, sa lahat ng maiisip mo yun pa

"Ah ok, halika ka na, malapit na mag-time"

Nag-usap lang kami habang naglalakad papuntang classroom, maya maya kailangan na namin maghiwalay kasi doon siya sa kabilang section,

"Huy Theo basta bati na tayo ah"

"Oo nga"

"Sige, kita nalang tayo mamaya" paalam ko

Pagpasok ko sa kwarto umupo ako sa upuan ko at humarap kina Vi na nasa likod ko,

"So ano, bati na kayo?" Tanong sa'kin ni Vi

"Ha? Nino?"

"Ni Theo"

"Ahh oo, paano niyo nalaman?"

"Ikaw kasi, ang bad mood mo kahapon" sabi ni Mia

"Tapos hindi pa kayo nagpanisinan" singit ni Vi sa sinabi ni Mia

"Ok na, bati na kami"

"Ang cute niyo talaga, kung sana nangyari na yan dati pa"

"Ano?" Hindi ko siya madinig kasi dumami na yung students

"Wala, sabi 'ko ang ganda ko"

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon