Camp (Part 1)

33 0 2
                                    

Yayy! Nakapagupdate na ulit ako! Sorry kung natagalan si Author hehekaya ito pinahaba ko na! Enjoy and don't forget to Vot and Comment!

Also dedicated kay _frappie Happy Birthday!! Muah!

Syempre Thank you rin sa mga nagbabasa ng book na 'to, kahit matagal mag update si Author huhu. Sisimulan ko na din yung part 2 para hindi kayo mabitin. Love y'all <3

Vi

Umagang-umaga ay nakaupo ako dito sa bench sa labas ng Building namin, inaantok pa ako dahil three-thirty palang ng umaga at naghihintay kami dito. Kaunti palang ang mga estudyanteng naghihintay din ng bus. Nilalamig na din ako dahil wala pa ang araw, ayoko na naman kunin yung jacket ko sa loob ng bag dahil baka magulo lang yung loob. Habang pinapainit ko ang sarili ko ay bigla namang may makapal na tela ang sumuot sakin, napatingin ako sa likod at nakita si Mico,

"Wear it, kanina ka pa nilalamig." sabi niya.

"Thanks, k-kanina ka pa ba?"

"Hindi naman, kakadating ko lang din." Tumango nalang ako dahil nilalamig talaga ako. Umupo siya sa tabi ko at may tinawagan sa phone,

"Hello?" sabi niya. Pinabayaan ko nalang muna siya. Dumating naman ang Kuya niya at umupo sa kabilang side ko,

"Si Tanya?" Bigla niyang tanong.

"Wow naman, hindi mo man lang ako babatiin, straight to the point ka agad." Sabi ko na kunware ay nasaktan.

"Pfft, edi good morning" Inirapan ko nalang siya. Nagulat naman kami kay Mico dahil napasigaw siya.

"Hoy Josh malapit na tayo umalis tas sasabihin mong kakagising mo lang?!" Natawa naman kami ni Roy sa sinabi niya.

"Tsk Tsk Tsk, nako Josh. Tignan mo, mas nauna na yung mga pinsan mo, ikaw nalang mag-isa dyan" Sabi ni Mico kaya napatingin kami sa harap at nakita sila Timmy na naglalakad papunta sa'min. Di ko agad nakita si Tanya kasi natakpan siya ni Tim. Nang makalapit sila samin, doon ko lang siya nakita na mabagal na naglalakad habang may hawak na unan ang isang braso at kinakamot ang mga mata.

"Morning" Mahina niyang sabi at halatang inaantok pa.

"Good morning!" Masiglang bati ng katabi ko, pshh siya na masaya.

"Asan mga bag mo?" Takang tanong ko.

"Ha? Ah naka-" Nabigla naman kami ng may nag sigawan, dumating na si Andre kasama si Theo. Pumunta sila dito sa amin at binigyan ako ng matamis na ngiti ni Andre, nginitian ko nalang siya at agad na tumingin sa kaliwa, nakakunot na ang noo nito. Gusto kong ngumiti dahil ang cute niya.

Napatingin ako kay Theo na katabi na ni Tanya, "Tan saan ko 'to ilalagay?"

"Ah d-dun nalang sa tabi ni Kuya" Nagulat ako bigla dahil nag-uusap silang dalawa. Himala! Napatayo naman ako bigla at hinila si Tan.

"Saan kayo?" tanong ni Mico, "Magguusap lang kami, byee~" Sabi ko at hinila na papalayo si Tanya.

"Ano yun bes?? Bakit si Theo may buhat ng bag mo?"

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon