Surprise

34 2 2
                                    

Damian

Pagising ko, tinext ko si Tanya, magkasama kami sa isang bahay pero katamad umakyat sa kwarto nya kaya tinext ko na lang.

To: Tanya
Pangeettttttt!!!!!!

From: Tanya
MO!

To: Tanya
Bastos na bata!

From: Tanya
Ano ba kasi yun?

To: Tanya
Alam mo ba kung ano meron ngayon?

From: Tanya
Ahh birthday

To: Tanya
OO! NINO?!

From: Tanya
Hmm sino nga ulit yun......

To: Tanya
Starts with the letter D

From: Tanya
Ah oo! kakabirthday lang ni Daesung ng Big Bang! Buti pinaalala mo! Sige bye na papasok pa tayo.

To: Tanya
Pero..........

Umalis na ko ng bahay, nag lalakad na ko papuntang classroom na parang normal na araw lang. Hayyyyyy, wala pa ibang nakakaalala na birthday ko ngayon. Hmmm malay mo diba, ay ewan puntahan ko na nga lang si Caitlyn.

"Cait~" Tawag ko sakaniya na nakasimangot

"Oh bakit ganyan yung mukha mo?"

"May naalala ka ba ngayon na event?"

"Hmm oo"

Ano?!" Tanong ko sakaniya at ngumiti

"May quiz sa History"

"Ano ba'yan pati ikaw hindi mo na alala"

"Yung alin?"

"Che bahala ka diyan" Sagot ko sakaniya

"Uy ano nga?"

"Wala papasok na 'ko sa klase"

"Ok"

Pumasok na ako sa classroom at umupo sa tabi ni Bryan,

"Hmph, pati ba naman sarili ko'ng girlfriend nakalimutan"

"Oh, bakit ganyan ka?" Tanong sa'kin ni Bryan

"Wala" Sagot ko at nilagay yung ulo ko sa table habang wala pa yung teacher, naramdaman ko naman na may lumapit saamin

"Oh ba't ganyan yan?" Tanong ni Roy, bigla ko naman inangat yung ulo ko

"Ewan ko ba dito sa lalaking 'to, pagpasok niya ganyan na siya"

"Oi Damian ano'ng meron sa'yo?"

"Hmph"

"Luh parang bata, bahala ka na nga diyan" Sabi ni Aj at pumunta na sa upuan niya

Nagsimula na kami mag-aral pero wala naman ako'ng naiintindihan, kasi naman wala ba talagang nakakaalala na birthday ko ngayon? Para naman may magawa ako ay nagdrawing nalang ako sa notebook ko, hayyy.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon