Small Trip

31 0 0
                                    

Roy

Nagising ako ng maaga kahit puyat ako kagabi, kinakabahan kasi ako dahil sa mangyayari ngayon. I've planned this day for a long time now, actually dapat matagal na pero dahil sa mga nangyari ay nausog siya ng nausog. Matamlay akong nag-ayos ng gamit at umalis papuntang school.

Naglalakad ako sa hallway na nakayuko at malalim ang iniisip, kakayanin ko kaya 'to? Nabigla nalang ako nang may lumitaw na magandang mukha sa harapan ko.

"Okay ka lang?" Biglang sabi niya habang nakatagilid ang ulo. Bigla naman sumilay ang malaking ngiti sa aking labi at tumango sakanya. "Hmmm hulaan ko," sabi niya habang nag-iisip, "puyat ka noh?" Masigla niyang tanong, ang galing talaga nito makabasa pagdating sa iba, kaso pag sakanya na masyadong mabagal.

"Eh ikaw parang ang sigla mo ngayon" balik ko sakanya habang umaakyat kami ng hagdan. "Hindi naman siguro maganda lang gising hehe" sabi niya sabay tawa. Kung naaalala ko ay pumunta sila Theo kina Aj kahapon, siguro dahil doon. Hayy.

"Ay Tan diba wala ka namang gagawin mamaya?" Tanong ko nang maalala kung anong meron ngayon. Napatingin naman siya sa taas at mukhang inaalala ang mga gagawin ngayon. "Wala naman, bakit?" Napahinga naman ako, buti naman at wala. "Wala lang, tambay tayo sa garden after kumain ng lunch" Aya ko.

"Okay, sige kita nalang tayo mamaya!" Sabi niya at pumasok na sa kwarto nila. Nakasalubong ko naman si Andre at bigla itong lumapit saakin. "Pre sigurado ka bang ngayon mo gagawin?" Alalang tanong niya.

"Wala ng balikan pre, nahanda ko na rin naman sarili ko sa mangyayari mamaya eh, wag ka mag-alala kaya ko na 'toh" Sabi ko sabay tapik sa balikat niya, "O pasok na sa loob" sabi ko sabay tulak sakanya papasok sa classroom nila.

"Ay Roy, pagkatapos mo punta ka sa bahay ah, alam mo kasi nadaanan ko na 'yan" Biro niya sabay ngisi, bastos talaga ang isang 'toh. Binatukan ko nalang at lumakad na papunta sa classroom namin. Buong time na may nagsasalita sa harapan ay wala akong maintindihan, mas lalo lang ata ako kinabahan ngayon, nawala lang dahil nakita ko siya pero bumalik lang din. Tinignan ko yung board at nakitang may sasagutan na pala kami, binuksan ko nalang ang libro at sinubukang sagutan ang questions.

Magdamag lang akong nakatingin sa isang number nang magring ang bell. Nakita ko namang pumunta saakin si Damian, "Oh hindi mo sinagutan? Boi buti nalang hindi ngayon pasahan" sabi niya at inaya na akong kumain. Wala talaga ako sa sarili ko ngayon hayst.

Binilhan nalang ako ni Dam ng pagkain at dumiretso na ako sa table namin. Andun na si Aj at Bry na mukhang hinintay na rin si Damian sa pagkain. "Okay ka lang Roy? kanina pa namin napansin na wala ka sa sarili eh" Sabi saakin ni Bry at nakatingin sa'kin at mukhang hinihintay ang sagot ko. Tumango naman ako at uminom ng juice na kakadala lang ni Dam, umupo na siya sa tabi ko at kumuha ng pagkain. Tahimik lang kaming kumakain nang biglang may sumigaw na babaeng pamilyar na boses, "Hoy Gian ibalik mo yung fita ko!" Tumingin kaming lahat doon at nakitang naghahabulan yung dalawa, nasa likod naman yung ibang kaibigan nila. Bigla naman silang tumigil nang makita sila ng isang teacher. Mukhang pinagalitan sila dahil tahimik silang pumunta dito, napansin ko pang nagsisikuhan yung dalawa at mukhang nagsisisihan pa. Ang kulit talaga nang dalawang 'toh, since birth na atang nag-aasaran yan eh.

"Tsk, yan tuloy pinagalitan pa tayo, kasalanan mo talaga 'toh eh" Sabi ni Tanya at umupo sa tabi ko. Tumingin naman sya sa tray at nakitang wala ng pagkain, napanguso nang siya at bumuntong hinga, "Wala ka bang pagkain?" Tanong ko sakanya, pumunta ang mga mata niya kay Gian na kumakain ng fita, "Fita ko 'yun eh" pabulong niyang angal. Binigay ko naman sakanya yung isang piraso ng pagkain ko, "Ay wag na hinihintay ko lang din sina Vi hehe" sabi niya sa'kin pero hindi ko binawi kaya kinuha niya nalang at kinain. Dumating na sina Vi at naki-upo saamin, tumabi naman si Theo kay Tan at binigyan ng pagkain, "O, kanina ka pa umaangal sa klase" Kinuha naman 'to ni Tanya at binuksan, kumagat siya at napasinghap, "Sharapppp!" Sabi niya kaya napangiti ako.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon