Sleep

32 1 1
                                    

Tanya

It's been a week ng mangyari ang mga bagay bagay at isang linggo ko na din hindi pinapansin si Theo, I mean iniiwasan. Lumipat din pala ako sa tabi ni Cait kasi nga ayoko siyang katabi, ang kasama ko lang lagi this week is sina Roy, Gian, Andre at yung apat kong kaibigan. Exam week na so naghahabol kami ng requirements.

Yung mga group projects naman tapos na namin pero yung individual ay hindi ko pa tapos hehe, nagdidiscuss ngayon ang adviser namin kaya ito ulit notes notes notes, tignan mo nga naman exam week na nagdidiscuss padin si Ma'am nakakaiyak! nagring na yung bell at tumayo na ako,

"Tanya" Tawag sa'kin ng Adviser namin

"Yes Ma'am?"

"Umm can you list the groups na tapos na magpasa, kailangan ko na kasi umalis may meeting kami bigla"

"Ah sige po, ipasa ko nalang po mamayang lunch"

"Ok Thank you, sige una na ako" Umalis na siya, napahinga ako ng malalim

"Uy Tanya bilisan mo jan" Sabi ni Cait,

"Mauna na kayo at may kailangan pa kong gawin"

"Sure ka? May gusto kang pabili?"

"Oreo at fita nalang Vi"

"Sige"

Umalis na sila at ako naman ay pumunta sa locker ko para kunin yung materials ko para sa project, hindi ko pa natatapos dahil inuna ko yung group projects, kinuha ko na yung punong paper bag at bumalik sa classroom, habang pabalik ay nakita ko si Theo kaya bigla akong nagtago sa likod ng pader, sumilip ako kung naka-alis na siya at mukhang wala na naman siya kaya naglakad na ulit ako papunta sa classroom. Nilapag ko yung gamit ko sa tabing upuan at umupo, huminga ako ng malalim "Kaya mo 'to Tan!" kinuha ko yung earphones ko sa bulsa at nakinig nalang habang ginagawa yung project.

Vi

Naglakad na kami papunta sa canteen galing sa classroom, kasama na din namin si Laine na galing sa kabilang Section, pagkapasok namin sa canteen ay bumili muna kami ng snacks at uupo na sana sa usual table namin ng bigla akong hinila ni Andre papunta sa table nila,

"Dito nalang kayo kumain" sabi niya, tumingin naman ako sa mga tao nasa table at naramdaman ang tensyon, bakit? Eh kasi naman andito lang naman ang the one and only Claire, biglang kumulo yung dugo ko, pero nawala din ng tumabi sa'kin si Mico,

"Hi, ok ka lang?"

"h-ha? Ah oo, bakit?" Tanong ko, natawa naman siya bigla

"Eh kasi parang may gusto ka ng sabunutan diyan"

"Ah ahahah wala wala lang 'to may nakita lang kasi ako diyan sa tabi" Sabi ko at tumingin kay Claire

"Ah siya, alam mo sa simula palang ayoko na sakanya, alam mo yun yung feeling na parang masama siya or something"

"Halaaa oo, ikaw din?" Tumango at ngumiti, ang kyuttttt homayyyyy mamamatay na ba ko

"Ehem ang saya" Bigla kong narinig, nakita ko naman si Mia sa tapat ko kaya sinamaan ko siya ng tingin, ngumiti lang siya at bumalik sa pakikipagusap kay Henry, speaking of parang tumahimik 'tong si Henry ah.

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon