Hangout Pt. 2

36 2 0
                                    

Tanya

Pagkatapos namin kumain ay hinanap namin sina Vi, hindi naman kasi bumalik diba feeling ko nga plinano niya 'to eh. Habang hinahanap namin sila may nakita akong stuff toy na rabbit, napangiti naman ako bigla, mamaya bibilhin ko yan. Maya-maya ay nakita na namin sina Vi kasama niya yung grupo nila Cait at Mico, ay may nangyayari dito ah.

Mico

Kanina habang pinapanood namin sila Tanya na tumatakbo kung saan-saan, napansin ko naman na kanina pa naguusap sina Vi at Josh, habang ako dito sa likod nila, sila naman nagtatawanan lang. Bigla naman akong na bad mood kaya pumunta ako kay Zach na naglalaro sa isang stall,

"Uy Zach sali nga ako"

"Oh akala ko kausap mo si Josh?" Tanong niya habang naghahagis ng bola

"Eh may kausap na iba eh"

"Sino naman?"

"Si Vi" Pabulong kong sabi, napatigil naman siya sa paghagis at tumingin kina Josh tapos sa'kin, bigla naman siya napangiti,

"Selos ka 'no?" Sabi niya

"H-hindi ah"

"Wehh eh ba't namumula ka?"

"Ha?!" Nagulat naman ako sa sinabi niya

Ahahaha joke lang" Napahinga naman ako ng maluwag, bigla naman dumating sina Theo,

"Viiiiii!" Bati ni Tanya

"Uy saan kayo nagpunta? Iniwan niyo naman ako eh, buti nalang nakita ko sila" Sabi ni Vi, binatukan naman siya ni Tanya

"Arayyy! Para saan 'yon?!" Angal niya

"Kami pa nang-iwan sa'yo, sino kaya yung sabi na kakain lang tapos hindi na bumalik"

"Ahahaha sorry na" Bigla naman siya lumapit kay Tanya at bumulong, bigla naman namula yung mukha ni Tanya tapos pinalo si Vi sa braso,

"H-hindi kaya" Sabi niya

"Wehhh, muhkang oo eh" Bigla naman may binulong si Tanya kay Vi, si Vi naman ang nagulat, bigla siyang napatingin sa'kin kaya natawa si Tanya, sinamaan naman ng tingin ni Vi si Tanya

"Ano?"

"W-wala!" Natawa naman ako sakanilang dalawa, ang cute ni Vi pagnahihiya

"Guys punta tayo sa Extreme na roller coaster" Sabi ni Mia

"Yun! Masaya yun" Sabi ni Josh, pero napansin ko na may something sa ngiti niya na nakasuot sa mukha niya, naglakad na kami papunta sa roller coaster, habang papunta kami dun nakita namin sina Matthew kaya naman ay sumama na din sila sa'min. Pumila kami para sa ride, mahaba yung pila kaya matagal din kaming naghintay, habang nasa pila nakita namin sa bandang harapan sina Kuya Damian, tinuro ko naman yung kay Josh kaya nagsalita siya bigla,

"Kuya!" Sabi niya at kumaway, nakita naman yun nila Kuya at kumaway din, nakita ko naman na napatingin sa'kin si Andre kaya tinignan ko nalang si Kuya Roy, maya-maya ay sumakay na sina Kuya Dam, kami ang next batch pagkatapos nila kaya pinapanood namin sila. Bigla naman nagsalita si Josh,

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon