Chapter 8

12 3 0
                                        

Ethan's P.O.V.

Nag a-alala kaming lahat dahil sa pagkahimatay ni Kristian. Hiniga ni Stan si Kristian at tinignan ang kanyang status, sa braso ni Kristian ay may makikitang kulay violet na unti-unting kumakalat sa katawan niya mas lalo nag panic si Stan nang kumalat ang kulay violet sa katawan ni Kristian.

Hinang-hina si Kristian dahil sa nangyari sa kaniya hindi nila alam kung bakit nagkaroon ng dark ice sa katawan niya halos hindi nakapag-salita si Kristian sa sobrang hina niya.
"Lumaban ka lang Kristian, ilalagay kita sa Antarctica para magpalakas ka doonmahinahong sambit ni Stan. Umalis saglit si Stan papunta sa Antarctica para ihanda ang mga kakailanganin nito.

Pagkabalik ni Stan agad na inihatid nila si Kristian  sa Antarctica para mamamahinga at bumalik agad sila dito sa base. "Stan ano ang mangyayari kay Kristian kapag nasa napakalamig na lugar?" Tanong ko. "Para gumaling si Kristian or kaming mga Frostians ay kailangan naming pumunta sa napakalamig na lugar para makarecover at nagiging yelo kami once na nagstart ang recovery namin." Sagot niya.

"Hanggang kailan na makakarecover si Kristian?" Tanong ko ulit.

"Three days pa Ethan." Sagot ni Stan.

Tinawag ako ni Nikki para umuwi l; nang nagsipag-uwian kami ako na lang mag isa na uuwi sa bahay ko. Humiga ako sa kama at nag isip kung ano ang gagawin ko bukas, dahil 3 days bago pa makarecover si Kristian at sana naman na walang gulo na mangyayari.

*At the Corostian Ship Where Genesis and his fellow Corostians were there*

Third Person's Point of View

"Lord Genesis, nakahanda na ang mga kailangan niyo." Sabi ni Crandanus.

"Magaling Crandanus, pwede ka kang umalis." Nakangising saad ni Genesis.

Nang umalis si Crandanus; naka titig lamang si Genesis sa napakalaking windshield ng ship nila at iniisip niya kung malapit na bang mamatay si Kristian kahit na nasa Antarctica. Kasi ang yelo daw sa earth ay mas mahina kaysa sa Planet Frost. Pero ang hindi alam ni Genesis na mas may kayang pagalingin  ang mga yelo sa Antarctica o sa anumang malamig na lugar upang makarecover ang isang Frostian.
Dahil sa natural ice, mas magiging malakas si Kristian kumpara dati.

Tinawag ni Genesis ang kaniyang mga sundalo para hanapin ang pinakaunang crystal orb sa isang disyerto; tumango ang corostian soldier at umalis kasama ang mga tropa.

Pagdating ng mga Corostian soldier sa disyerto, agad nila hinanap ang orb sa loob ng ilang oras.
Pagkalipas ng ilang oras hindi pa nila nahahanap ang orb hanggang sa dumating ang malakas na dessert storm.

At the Frostian Base in a secret facility

Lumipat ang mga Frostians sa bagong nilang base sa isang military facility napakalaki ng base at napaka ganda ng loob kumpleto ito sa gamit na halos kailangan ni Stan, kaya ito ay tuwang-tuwa.

"Yes! Nandito na lahat ng kailangan ko!" Tuwang-tuwa na sambit ni Stan

Komportable ang ang mga Frostians sa bago nilang base dahil sa sobrang luwag kaya pwede nilang gawin ang kanilang mga gusto.

Samantalang si Kristian ay nasa Antarctica at bumalik sa kanilang base at
Natuwa ang lahat sa paggaling at pagbalik ni Kristian.

"Okay ka lang?" Tanong ni Elita.

"Oo okay lang ako medyo nag-aalala lang ako sa mga nangyayari" sagot ni Kristian.

"Bakit ka naman nag-aalala? Wag mong sabihin na baka mapunta kami sa peligro? Hay nako... kaya kami sumama dahil gusto naming maligtas at para i serve ka dahil ikaw ang leader namin at ibibigay ang mga buhay namin para sa lahat." Nakangiting sambit ni Elita.

Nakangiti lang si Kristian kay Elita at tumingin sa labas ng base.

"Sana matapos na itong gulo at i-restore ang planeta natin." Bulong ni Kristian.

To Be Continued...

Author's  Note:

Sorry for the late Update guys kasi naging busy na ako these days pero babawi ako hangga't may time pa ako  i hope na ma-enjoy niyo ang bagong chapter na ito! ^o^

The Frostians Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon