☆Clarence's P. O. V.☆
Kinukwento ni Kristian ang mga pangyayari noong magkarelasyon sila ni Ella lahat.
"Ohh.. ayun pala.." sabi ko.
"Now since alam mo na, You need to monitor Ken Z's dirty moves while we're on the match kaya ibibigay ko ito sayo"
ibinigay sa akin ni Kristian ang isang communicator para may communication kami ni Kristian during the match.
"Good luck sa tournament old friend" nakangiti kong wika.
Tumango na lang si Kristian at ngumiti sabay umalis na siya.
★Kristian's P. O. V.★
Lumilipad ako papunta sa kinaroonan nina Blaire dahil ang sabi ni Ken Z na nasa Staffan City sila nag t-training para sa upcoming tournament.
Maraming memories simula na nag nasagawa siya ng tournament at na-alala ko din ang pagkagalit ni Ken Z sa amin ni Ella that that time. Siguro maghihiganti yon sa amin at na-alala ko rin ang banta niya sa amin.
"You'll Pay For This! Both of you!!!"
"Soon i will make my own tournament that only you two will no longer to survive! Bwahahahaha!!!!"
Lalaban ako kay Ken Z no matter what kahit na tinuring ko siya na kapatid ko.
Mas pinabilisan ko ang paglipad dahil konting panahon na lang ang natitira dahil bukas ay simula na ng tinatawag niyang "The Z Games"
Habang lumilipad ako may bigla akong nakita sa hinaharap may isang lalaki na kamukhang-kamukha ko. Nakasuot siya ng itim na damit at nakita ko din ang isang binatilyong na pilit tumayo habang ang babae na hawak ng kamukha ko sabay pinatay niya ito.
"Ano kaya yon?" bulog sa sarili ko.
hindi ko muna pinansin yon dahil mas uunahin ko ang tournament kasi mag-hihiganti siya sa amin ni Ella.
pagkapunta ko doon sa location nila hindi ko na mawari ang kinaroonan nila dahil napakagulo at parang dinaanan ng isang daang Corostian na nakikipag giyera sa mga Frostian.
nakita ko si Ella na nakikipag laban kay Matthew. At nakikita ko si Matthew na Struggled kay Ella dahil hindi niya matalo-talo si Ella.
Dahil inis na siya umatake si Matthew patungo kay Ella at si Ella naman ay naka fighting position.
☆Third Person's P. O. V.★
Umaatake na si Matthew kay Ella at siya naman ay naka handa lamang, sa pag sugod ni Matthew kay Ella, bibigyan niya ng malakas na suntok.
Nagulat sina Matthew at Ella na nakita nila si Kristian na hawak ang kamao ni Matthew at nakangisi pa ito, at dahil sa lakas ng impact nakaroon ng lindol saglit.
"Matthew, wag mo naman saktan ang babae" nakangising sambit ni Kristian.
"Kristian buhay ka?" tanong ni Ella.
Lumingon si Kristian kay Ella at ngumiti sa kaniya.
"Oo Ella, Buhay na buhay ako." nakangiti niyang sagot.
"Ella!!! Matthew!!!! bat lumindol!!!" sigaw ni Monique at lumabas ng bahay at nagulat siya na nakita niya si Kristian.
"Hi Monique" pagbati ni Kristian.
"Bu-bu-hay k-ka?!" takot na sambit ni Monique.
Lumabas na din sina Blaire, Dawn, Bailey, Koby at Christine at pare-pareho silang na surprise na nakita nila si Kristian at si Christine naman niyakap niya ang kaniyang kapatid.
"Kuya!!!" mangiyak-ngiyak na si Christine.
Natawa na lang si Kristian kay Christine.
"Christine, buhay na ko." saad ni Kristian.
Bumitaw na sa pagyakap ni Christine kay Kristian.
"Sa Haburo ba gaganapin yung tournment?" tanong ni Kristian.
"Oo Kris, doon din gaganapin ang tournament ni Ken Z." sagot ni Ella.
"Paano doon din?" tanong ni Blaire.
nagkatinginan sina Ella at Kristian ng ilang saglit at muli na tumingin sila kina Blaire.
"Tsaka na namin sasabihin kapag nandoon na tayo sa Planet Haburo." wika ni Kristian.
"Kaya kailangan na natin mag handa para sa tournament ni Ken Z sa Haburo dahil our survival is at stake" Saad ni Ella.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Nag simula na silang mag handa para sa tournament ni Ken Z sa Planet Haburo kung saan nag laban sina Kristian noon.
Habang si Christine naman ay hinanda ang teleportation device na inimbento ni Stan.
Samantalang si Ken Z naman ay hinihintay ang pagdating nina Kristian at ang Squad.
"Time to take my revenge!"
T
o Be Continued...
*Preview*
Sa pagdating nila sa Planet Haburo manghang-mangha ang buong squad nang makita nila ang fighting stage.
"Woah! Ang laki ng fighting stage!"
"Na-alala mo pa ba ito?"
"It brings back memories though"
"Let the Z games begin! Bwahahaha!!!"
Next on The Frostians
Chapter 31: Let The Z Games Begin!Don't Miss It!
BINABASA MO ANG
The Frostians
Fantasiahahanapin nila Kristian ang seven crystal orbs para restore nila ang Planet Frost kasi nasira ang planet frost dahil sa walang katapusan na civil war ng Frostians at ang Corostians sa buong planeta. may mga crystal orbs ay nasa Earth makikita at sa...