Chapter 6

21 4 0
                                    

Third Person's Point of View

Lumapit si Genesis kay Kristian at nilabas ang kaniyang espada mula sa kaniyang kamay at nakangisi ito habang papalapit ito kay Kristian. Samantalang si Kristian ay inalis ang blade na nakasak-sak sa kaniya at pinilit itayo ang kaniyang sarili. Sinuntok ni Genesis si Kristian sa sikmura at napaluhod ito sabay sumuka ng dugo.


"Hahahaha! Hindi mo ako mapapatay Kristian! Masyado akong makapangyarihan kaysa sayo" sabi ni Genesis.

"Kahit na patayin mo ako, hinding-hindi mo mahahanap ang hinahanap mo!" Sagot ni Kristian.

"I will definitely kill you Kristian!" Saad ni Genesis.

Isasaksak dapat ni Genesis si Kristian pero hindi na ito natuloy dahil tinira siya ng missile kaya napatalsik si Genesis at binlast niya ang mga Jet ng Gobyerno.

"Mga insektong tao!!" Agad pinatay ni Genesis ang mga tao na nasaloob ng mga jet at pinagsa-sabog niya ang mga ito; pinilit na tumayo si Kristian habang nasa iba ang atensyon ni Genesis. Nagtago si Kristian para bumalik ang lakas niya, samantalang si Genesis ay patuloy na nakikipag laban sa mga tao.

Sa kabilang dako tumatakbo sina Stan, Nikki, Elita at Crosshairs para tumakas ngunit madaming mga dark Frostians na nakaharang, hindi ininda ni Crosshairs at pinag hihiwa niya ang mga dark Frostians hanggang sa naging pira-piraso ang mga katawan nila.

"Bagay yan sa inyo mga basura!" Sabi ni Crosshairs.

Patuloy silang tumatakbo papunta sa kinaroonan ni Kristian dahil doon nag laban ang dalawa.
Pagkapunta nila doon, muntik na silang matamaan ng missile at ng energy blast ni Genesis pero si Kristian ay nag hahanap ng tiyempo sa pag atake. Nagtago sila at sinenyasan nila si Kristian para mag bigay ng signal kung aatake ba sila o hindi.

"Papatayin ko kayong lahat!!" Sigaw ni Genesis. At nilabas niya ang buong kapangyarihan para patayin na nasa Jet, aatake na sana si Kristian pero biglang dumating si Gradon. Pinagbabaril niya si Genesis hanggang sa lumipad sa langit. Nag land si Gradon at binuksan niya ang Hyperbridge papunta sa base, at tumakbo sina Stan at Nikki papasok.

"Gradon, Crosshairs, Elita, ako na ang bahala bumalik na kayo." Utos ni Kristian.

"Hindi ka namin iiwan Kristian, please let us fight!" Sabi naman ni Elita.

"Oo Kristian hayaan mo naman kami makipag laban" sabay na sambit nila Crosshairs at Gradon.

Nag nod si Kristian at nag compressed sila at si Kristian ay nakatingin kay Genesis.
Samantalang si Genesis ay agresibong inatake si Kristian halos nasuka ng dugo si Kristian dahil sa lakas ng pagka-suntok sa kanya, sinabay na tinadyakan niya si Kristian at tumalsik sa ere; at agad na bumalik si Kristian na agresibo ding mag atake kay Genesis. Dikit ang laban nila hanggang sa nag kanda sira na ang mga damit nila. Grabe ang laban nila ay parang ilaw na sumasayaw sa langit.

Nakatitig lamang ang magkabilang panig sa laban ng kanilang mga lider, at ito'y naging resulta ng matinding laban ng dalawa. Napalingon sila sa kaliwa kung saan tumalsik si Genesis sa ere at nag crash sa lupa kung saang walang tao o hayop.

Nag land si Kristian at tinitigan si Genesis na nakadapa sa lupa, maya-maya lang ay tumayo si Genesis at galit na galit kung makatitig kay Kristian. Halos ang buong katawan ay nag iinit sa sobrang galit nito.

"You're dead!"

Mabilis inatake ni Genesis si Kristian, sabay sunod-sunod na sipa at suntok na binibigay ni Genesis kay Kristian. Hindi maka-ilag si Kristian dahil sa sobrang bilis ni Genesis kumilos, parang kidlat sa bilis si Genesis; habang tumatagal, lalong bumibilis si Genesis.

"Damn! Paano ako makaktakas nito?!"

Patuloy pa ring umaatake si Genesis nang mabilis at hindi kaya ni Kristian ang pag-ilag  sa pag suntok at sipa ni Genesis at nag iisip si Kristian kung ano ang gagawin niya para makatakas kay Genesis.

"Alam ko na kung paano makatakas!" Bulong ni Kristian sa sarili at palihim na tumingin sa malaking bato.

To be Continued...

The Frostians Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon