Chapter 9

12 2 0
                                    

*Third Person's Point Of View*

Sa isang malawak na disyerto sa Egypt nandoon sina Crandanus, Matthew at ang mga Corostian soldiers, hinahanap nila ang orb para sa kanilang leader na si Genesis. Nakita nila ang iba nilang kasama na nabaon sa buhangin dahil sa desert storm.

"Grabe nangyari sa kanila tignan mo Crandanus!" Sigaw ni Matthew.

Pero walang paki-alam si Crandanus at patuloy niyang hinahanap ang crystal orb sa ilalim ng buhangin.

"Tch.. akala mo kung sino." Bulong nito sa sarili at hinukay ni Matthew ang buhangin ng malalim pero wala siyang makita kundi ang mga bangkay ng kapwa nilang Corostians.

Pagkatapos nilang maghukay, nakuha rin nila ang unang orb na nahanap at agad ito bumalik sa base.

"Lord Genesis andito na ang pinakauna nating crystal orb" Wika ni Crandanus.

"Magaling Crandanus at Matthew" sagot ni Genesis. Kinuha niya ang orb at tinitigan niya ito ng maigi.

"So.. the crystal orbs of the gods are truly existed" nag smirk si Genesis at tumawa na parang demonyo.

May anim na orbs pa bago nila gamitin ang kapangyarihan ng mga sinasabing orbs; kaya pinautos ni Genesis na maghanap ng mga orbs sa buong mundo.

*Somewhere in the dessert*

Nag lakad sina Kristian at Stan para maghanap ng crystal orb na malapit sa diyserto pero sa sobrang init nito baka hindi nila kakayanin at baka rin sila mamatay sa sobrang uhaw.

"Kristian, wala dito yung orb, bumalik na tayo sa base!" Nahihinang sambit ni Stan na uhaw na uhaw na.
Tumigil si Kristian sa paglalakad at humarap ito sa kaniya.

"Stan hindi ko papalampasin ang chance na makuha natin ang unang orb. Kapag hindi natin makuha 'yon, posible na makuha ang mga Corostians ang orb." Sagot ni Kristian.

Walang magawa si Stan at sumunod kay Kristian papunta sa kinaroonan ng Crystal Orb. Makalipas ng ilang minuto, ay nakarating nila ang location ng orb kaya biglang sumigla sina Kristian at Stan.
Lalapit na sana ni Kristian pero biglang dumating si Crandanus.

"Bwiset! Nandito na naman si Crandanus!!" Bwiset na sambit ni Stan.

Agad na umatake si Crandanus gamit ang kaniyang kapangyarihan pero inilagan naman nito ni Kristian at Stan sabay umatake pabalik kay Crandanus.

"Stan, kunin mo na yung orb at ako na bahala kay Crandanus!" Utos ni Kristian na habang kinakalaban si Crandanus.
Tumango na lang si stan at tumakbo para kunin yung orb; pero agad nag dash si Crandanus upang harangin si Stan. Pero hinarang siya ni Kristian sabay binlast niya ito ng malakas at tumalsik.

Nakuha na ni Stan ang orb at tinawag si Kristian para bumalik ng base nang biglang lumindol.

"Frostians!!!"

May biglang lumabas na madilim na liwanag galing sa lupa na kung saan na lumulutang si Crandanus. Pero nakatingin lamang si Kristian sa kaniya ng seryoso at pinakita niya ang kaniyang aura, lumingon ng kaunti si Kristian kay Stan.

"Stan dali na!!" Sigaw ni Kristian. Agad na tumakbo si Stan nang bumukas ang Hyperbridge papasok ng base, samantalang si kristian ay naiwan para kalabanin si Crandanus.

maya-maya biglang sumugod si Crandanus kay Kristian at agad na umilag si Kristian sabay sinuntok ito sa kaniya.

"aahh!!"

malakas na tinadyakan ni Kristian si Crandanus at napatalsik ito at inatake niya ito sabay suntok at sipa niya.
Pagdating ng isa pang suntok hinawakan ni Crandanus ang kamao ni Kristian sabay suntok sa mukha.

Napatumba ni Crandanus si Kristian pero agad na lumipad si Kristian sa ere at agad ding sumunod si Crandanus hanggang sa ang laban nila ay mas grabe;  nagkakaroon ng sparks sa bawat suntok sa isa't-isa hanggang sa ginawang yelo si Crandanus at itinumba sa lupa.

Ang akala ni Kristian na tapos na pero bigla lang umangat si Crandanus mula sa ilalim ng lupa at mas malaking itim na aura na kaniyang pinakita.

pareho silang naka death glare,  at sabay nito ang pag atake sa isa't isa.

To Be  Continued...


The Frostians Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon