Chapter 15

16 2 1
                                    

★Monique's Point Of View★

"Jusko! ano ba nangyayari?!" tanong ko.

"May nangyayari sa labas ata" sagot naman ni Ella.

"Tara tignan natin!"

Lumabas kaming mga babae at iniwan namin doon si Bailey dahil naka headset na naman ang jutay na yon hmp! bwiset siya!

pero nagulat kami na nakita namin na nakikipag laban sina Koby, Matthew at Kristian sa mga Corostians

nagulat na lang ako na may isang corostian na bumaksak sa lupa sa sobrang lakas ng impact halos wasak na ang mukha niya at namatay.

"Kyaaahh!!" sigaw ni Blaire. sisikuhin na sana ni Blaire pero inunahan ko na siya ng sipa sabay talsik ang Corostian.

"Bastos!" sabi ko.

"Tulungan na natin sila Moni!" sabi naman ni Ella sabay sugod sa mga
Corostians.
hindi na rin ako nag tagal na nakipag laban na rin ako sa kanila.

★Third Person's Point Of View★

Grabe ang nangyari sa kanila. Dapat ang mga Frostians ang susugod, pero inunahan na sila ng mga Corostians kaya nakipag laban sila ng di oras.

"Nasaan si Bailey?!" sigaw ni Matthew.

"Bailey!!!!" Sigaw ni Blaire.

sa loob naman ng base hindi muna pinansin ni Bailey ang tawag nila dahil hinihintay niya ang tamang oras dahil tatapusin niya ang mga Corostian soldiers sa isang tira lang kaya iniipon niya ang kaniyang kapangyarihan.

"May plano si Bailey" saad ni Kristian habang nakikipag laban at niyelo niya ang bawat Corostian na makikita niya.

"Paano mo nalaman?" Tanong ni Matthew.

tinuro ni Kristian ang ginagawa ni Bailey na nag iipon ng kapangyarihan.

"Once na sinabi ko na GO, lahat tayo i-ilag!" utos ni Kristian.

Nag nod na sila at patuloy silang nakikipag laban sa mga Corostians.

☆Crandanus' P.O.V☆

"Bwiset mga Frostians!!" sigaw ko.
sa sobrang inis ko, hindi ko mapigilang sugurin sila. ini-isa isa ko na dapat sila ngunit Hinarang ako nung lintik na Kristian na to.

"Face me Crandanus." cold na sambit ni Kristian.

"Hindi mo ako makakaya Kristian!" sagot ko at sinuguran ko na siya.

sa laban namin, si Kristian lang ang lumalamang kaya mas lalo ako na bwiset. Nilabas ko ang Frozen na espada galing sa kamay ko at isa-saksak ko ito kay Kristian.

Palaging umiilag si Kristian sa bawat saksak ko sa kaniya at lumiliwanag ang kaniyang dibdib.

"GRRRAAAAAHHH!! MAMATAY KA NAA!!!!"

Hindi ko talaga masaksak si Kristian dahil ang bilis niya talaga at unti-unting nag liliwanag ang kaniyang buhok.

"It can't be?! Imposible na ikaw ang magiging God!!!"

Napasuka ako ng dugo nang sinuntok niya ako sa sikmura at napaluhod ako sa lupa.

"Impossible that you are the guy in a prophecy foretold" natatakot kong saad

"I don't think about that."

nanlaki ang mga mata ko nang may isang energy ball na nasa kamay ni Kristian.

"No...! No! NO!!!!"

★Monique's P. O. V.★

Laking gulat ko kay Kristian dahil ang buhok niya ay lumiliwanag pero hindi lang ako ang nakatingin sa laban nila, maging ang mga Corostians ay nakatingin din sa kanila. at hindi nila alam kung ano ang gagawin nila. kaya nag utos si Kristian na umalis na kami at aatake na si Bailey.

Agad kaming umalis sa kinatatayuan namin at sinimula na ni Bailey na i-blast ang mga Corostian hanggang sa naging yelo at pagbagsak sa lupa ay naging pulbos na sila.
Pero si Kristian at Crandanus namanay nandoon pa rin sa kinatatayuan nila.

"It's Over..." cold na sabi ni Kristian.

Dapat na papatayin ni Kristian si Crandanus pero...

"AAAHHH!!"

napatumba si Kristian dahil sa malakas na blast ni Genesis.

naglakad si Genesis papunta kay Kristian at tumatawa na parang demonyo.
pero si Kristian ay pilit na itinayo ang kaniyang sarili.

"Poor Kristian" natatawang sambit ni Genesis sabay tinadyakan niya siya.

susugod dapat kami pero hinarang kami ng mga Corostian soldiers at sinubukan namin na makalusot pero hindi namin magawa kaya wala kaming magawa kundi panoorin na lang si Kristian.

☆Third Person's P. O. V. ☆

Patuloy pa rin sa pag bugbog ni Genesis kay Kristian. dahil na corner niya ito.

wala kang maririnig kundi puro sigaw ni Kristian na in pain.
Hindi mapigilang umatake ni Ella sa mga Corostian hanggang sa pumiglas ang isa sa kanila at umatake siya kay Genesis.

"Wag mo siya sasaktan!!" sigaw ni Ella habang sinusuntok niya si Genesis.

"E-Ella! waag!" sambit ni Kristian na pilit na tumatayo.

nag smirk si Genesis sabay sinikmuraan niya si Ella at ito ay napaluhod.

nanlaki ang mga mata ng squad maging si Kristian ay nanlaki ang mata at umaapaw na sa galit.

"Don't you dare to hurt Ella!!" sigaw ni Kristian.

Tumayo si Kristian at ang aura niya ay umaapaw at nag liwanag ang kaniyang buhok dahil sa sobrang Galit niya at nakatingin siya ng masama kay Genesis.

"You will pay for this!" Galit na sambit ni Kristian.

To Be Continued...

The Frostians Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon