DESFI RADA
by RODSY
Kabanata 5~~~
AT tatlong araw ang lumipas pagkatapos niyon.
Nakangiti pa si Desfi habang nasa mabulaklak na farm na 'yon. Maaliwalas ang kalangitan. Kayganda ng sikat ng araw. Kaysarap damhin ang dalisay na ihip ng hangin. At ang malawak na prutasan at gulayan, napakasarap titigan.
"Hindi ka naman siguro pumunta rito para dumipa lang diyan at mag-asta senyorita," matigas na tinig ng isang babae sa likuran ni Desfi.
Bigla ay naitirik ni Desfi ang mga mata. Nameywang siya at hinarap ang kapatid.
"Ate--"
"Kuya." Matigas na angil agad ni Mena. Pinandilatan ng mata si Desfi.
Right! Umikot ang nguso ni Desfi. "Okay, Kuya Menard. Ito talaga ang pinunta ko rito. Ang makalanghap ng sariwang hangin. Ang ganda-ganda pala rito kapag ganitong papasikat pa lang ang araw... hmmm."
At nagawa pang pumikit ni Desfi upang samyuin ang ihip ng hangin.
"Siguro nga. Pero mas gaganda ang paligid kung tutulong ka sa pagdidilig ng mga halamang-bulaklak doon..." at saka itinuro ni Mena ang kaliwang bahagi ng malawak na farm---kung saan naroon ang iba't ibang uri ng halamang-bulaklak.
Mula sa kinatatayuan ng magkapatid, tanaw na tanaw ang makukulay na mga bulaklak.
"Excuse me," nag-flip si Desfi ng buhok. "Sa bundok ay amo ako. Tapos dito, uutusan mo magdilig? No way!" Inirapan niya ang kapatid.
"Edi doon ka sa bundok mo! Huwag ka dito sa farm ko dahil ayokong may tatayo-tayo lang dito." Masungit na patutsada ni Mena.
"Sungit! Tapos na sila magkopra sa bundok. Anong gagawin ko ro'n? Pero sige na nga, uuwi na lang ako. Sayang, pupunta pa naman sana dito si Yvonne ngayon." Pahaging niya bago nagpasyang humakbang patalikod.
"Sandali," pigil ni Mena.
Lihim na napangiti si Desfi.
"Sige. Doon ka na muna sa kubo. Doon ka magbuhay senyorita. Huwag dito, baka mainggit pa sa'yo ang mga trabahador."
Tuluyan nang napangiti si Desfi. Humarap ulit sa kapatid.
"Hindi ko gusto ang ngiti mo..."
"Sabi ko na eh, may gusto ka kay Yvonne. Ate--ay Kuya pala, hindi yata magkakagusto sa tomboy si---ay Ate!" gulat at tumatawang tumakbo palayo si Desfi.
Paano ba'y pumitas ng talong si Mena at ibinato sa mukha ni Desfi. Pumitas pa ulit at hinabol ang kapatid.
"Akala mo ha. Lintik ka! Ikaw nga may crush kay Nardo, hindi kita sinasabihan ng ganyan. Bwesit ka talaga!" Inis na inis na tungayaw ni Mena sa kapatid.
"RADA, may bisita ka!" matigas na sigaw ng malaking lalaki sa loob ng selda.
Bantulot na tumayo mula sa maruming sahig ang payat na lalaki. Mahaba ang kulot pero nanlalagkit na hibla ng mga buhok. Balbas-sarado. Humpak ang mukha. Puno ng kalungkutan ang kislap ng mga mata.
Subalit sa nangungunot na noo, halata ang pagtataka nito.
Sa tinagal-tagal niya sa impyernong kulungan, ngayon lang siya nagkaroon ng bisita. At alam niya kung sino ang maaari niyang pwedeng maging bisita.
Sa isiping iyon, nakadama siya ng pagkadisgusto. Nagising ang galit niya sa dibdib. Binilisan niya ang paghakbang. Bumukas ang selda at mabilis din iyong kinandado pagkalabas niya. Nanginginig pa siya sa tindi ng panggigigil na nararamdaman. Hinawakan siya ng dalawang malaking lalaki sa tigkabila niyang braso. Marahil upang hindi siya makapalag para magtangkang tumakas.

BINABASA MO ANG
Desfi Rada (Gayromance) (COMPLETED)
Romance"Pangako, hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin ng panahon. Sisiguraduhin ko, palagi na akong nasa tabi mo, kailangan mo man ako o hindi." Desso Firacio Rada, ang buo niyang pangalan. Isang bakla. Siya si Desfi para sa kanyan...