💋Kabanata 19: Sukdulan💄

1.5K 83 8
                                    

DESFI RADA
by RODSY
Kabanata 19




~~~

TANGING pitik ng kamay ng wall clock ang bumabasag sa katahimikan sa silid ni Desfi. Nasa kama siya, nakaupo sa gilid ng niyon at tila hinang-hina. Sa mga mata ay mababanaag ang walang-ayos na pagtulog sa nagdaang gabi. Sumasahol ang kaba sa dibdib na tiningala niya ang orasan. Alas-onse ang oras sa umagang iyon. At nakakabingi ang katahimikan ng kabahayan sa mga sandaling iyon.

Hindi iilang beses siyang nag-upo-lakad-tayo, kasabay ng mabibigat na hugot ng hininga. Naroong mapapasabunot sa sariling buhok... naroong mapapahilamos.

Sa isip ay may mga tumatakbong posibilidad na nangyayari ngayon sa paghuli ng mga pulis sa ina ni Bon. Doon pa lang ay para na siyang tatakasan ng hininga dahil sa labis na tambol ng kanyang puso. Ayon sa kanyang narinig, patong-patong na kaso ang isasampa laban kay Aleng Marina.

At tinutudyo siya ng kanyang isip sa maaaring maramdaman ni Bon sa mga sandaling iyon. At hindi niya matiyak kung bakit hindi siya nakiumisa sa kanyang pamilya para ipahuli sa mga awtoridad si Marina.

Siguro dahil hindi niya makakayanang makitang maghihinagpis si Bon sa mga malalaman at pagdakip sa ina nito. Siguro dahil naduduwag siyang harapin ang bagong-pagkasuklam nito sa kanya. Siguro dahil natatakot siyang isampal ni Bon sa kanyang mukha na hindi na siya nito maaari pang mahalin at kamumuhian na lang.

At ang lahat ng siguro ay dahil kadugo niya at pamilya niya ang tuluyang sisira sa pamilya nito.

Kung bakit ganoon na lang ang pangamba... pagkabalisa at panlulumo ng kanyang puso, iyon ay dahil malalim na pala ang nararamdaman niya para kay Bon. Sa iilang beses na nakasama niya ang binata, hindi niya napigilang mahalin na ito nang tuluyan. Isang damdaming noon lang niya naramdamang ganoon pala katindi sumikdo sa dibdib.

Isang luha ang tumulay sa kanyang pisngi.

Ah, bakit kung kailan nararamdaman na ang pag-ibig, saka naman darating ang mga hindi inaasahang kirot at pait? Bakit kailangang maging komplikado ang lahat sa pagitan nila ni Bon?

Kung kailan handa na ang isang bakla na mangarap kasama ang lalaking nagpapahayag ng pag-ibig, saka naman sasabog ang pagtutol ng realisasyon.

Nagpahid pa siya ng luha bago tumayo at nagbihis. Hindi siya tatagal sa pagkabalisa... anu't ano pa man, dapat ay hinaharap niya ang anumang magiging negatibong damdamin ni Bon para sa kanya. Kung ituring na siya nitong kaaway, siguro ay...

Umiling siya. Hindi niya kayang ituloy ang tinatakbo ng kanyang isip. Tumatanggi ang kanyang puso.

Ilang saglit pa't nakabihis na muli si Desfi. Suot ang isang maluwang at pambabaeng puting-sando, katerno ang high waisted denim shorts. Pagkatapos ay nangangatog ang mga tuhod na isinuot ang brown-sandals.





"SINUNGALING ang baklang 'yan!" galit na pagtanggi ni Marina sa mga paratang at akusasyong sumambulat mula sa nagngangalit na pamilya Rada. "Hindi niyo ako basta-basta pwedeng dakpin! Mga tonto! May karapatan ako!" Palag pa ng ginang sa mga pulis. Ang isa ay may sinabi at ipinaliwanag sa ginang pero hindi na iyon pinakinggan ni Marina!

"Sumuko ka na, Marina!" duro ni Mayka. "Ikaw naman ngayon ang dadanas ng lahat-lahat ng sakit at hinagpis na pinagdusahan ko mula sa 'yo!"

Desfi Rada (Gayromance) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon