💋Kabanata 17: Pagbabalik💄

1.6K 72 1
                                    

DESFI RADA
by RODSY
Kabanata 17



~~~

MABILIS na hinablot ni Yvonne ang sariling cellphone mula sa kamay ni Marina. Ipinakita ng dalaga sa ginang ang larawan ni Bon at Desfi na magkahawak-kamay sa pamamasyal sa kabayanan, kahapon. Lihim na sinundan ni Yvonne si Bon, kaya hindi makapaniwala ang dalaga sa nasaksihang pag-iibigang bakla. Nag-iinit ang kanyang ulo at kumulo ang kanyang dugo sa labis na inis at paninibugho. Napagpasyahan niyang nakawan ng larawan ang dalawa.

Ha! Kaya pala kaybilis na nakipag-break sa kanya ang gunggong dahil mas gusto ang baklang si Desfi. At isang kainsultuhan sa kanyang pagkababae ang ipagpalit sa isang bakla! Hindi niya iyon mapapayagan! Ibabangon niya ang kanyang pagkababae na tinalikuran ni Bon.

At ano ang akala ni Bon? Na matatakot siya sa mga banta nito matapos siyang pakawalan sa pagkakagapos sa paanan ng kama? Never! Lalo lang pinasidhi ni Bon ang hangarin niyang maangkin ang buong pagkatao nito. Kanya lang si Bon! Kesehodang tumikim na ito sa bakla ay wala siyang pakialam!

"Sa isang Rada pa niya napiling magpakahangal! Sa pamangkin pa ng baklang 'yon!" Tiim-bagang ni Marina. Nagdidilim ang mukha sabay sa pagkuyom ng kamao.

Nangunot ang noo ni Yvonne. Pamangkin ng baklang 'yon?

Hmp! Hindi ko na uungkatin 'yon! Si Bon ang concern ko ngayon, bukas at sa habambuhay. sa loob-loob ng dalaga bago humalukipkip sa harap ng ginang.

"So, sino ang una mong prayoridad, Mama? Si Bon o si Eusibio?" taas-kilay na tanong ni Yvonne. Nasa tono ang nagbabantang manipulasyon.

Marahas na humagkis ang tingin ni Marina sa dalaga. Kinutuban sa kakaibang tabas ng dila ni Yvonne. "At anong kinalaman ni Eusibio sa problema ko sa anak ko?" angil ni Marina. Nilangkapan ng awtorisasyon ang tono.

Subalit may dalang alas si Yvonne. Sisiguraduhin niyang hindi siya mapapailalim kay Marina. Sa halip, siya ang iibabaw sa tuktok ng pulpol na ginang.

"Mama... mama... mama... My poor mama!" Nakangising lumapit sa ginang ang dalaga at may ibinulong. Umawang ang mga labi ng ginang.

"Hindi mo 'yan sasabihin kay, Bon! Ako ang makakalaban mo, Yvonne! Subukan mo lang ako!" Sa pandidilat ng mga mata ni Marina. At kung pwede nga lang makapatay ang matatalim na titig, tumimbuwang na sana si Yvonne.

"Oh, Mama," buong pagmamayabang na hinagod ng tingin ni Yvonne ang namumutlang mukha ni Marina. Hawak na niya ito sa leeg. "Hindi ko naman iyon sasabihin kay, Bon. Iyon ay kung mapipilit mo siyang panagutan ang bata sa sinapupunan ko..." walang-gatol na sambulat ng dalaga.

Napanganga si Marina. Mabilis na dumako ang paningin sa impis na tiyan ng dalaga. Kinabahan sa posibleng katotohanan ng sinabi ng babae. Agad ang pagtutol ng kalooban.

Umiling at painsultong umismid. Patuyang nagsalita. "Paanong mabubuntis ni Bon ang isang pota, gaya mo, Yvonne? Sa pagkakaalam ko, mas tuso pa sa akin ang anak ko. At saan mo nakuha ang ideyang ipaako sa anak ko ang batang hindi siya ang ama? Isang malaking kalokohan! Hindi ako makapapayag!" Diin ng ginang.

"Kung ganoon, malalaman ni Bon ang pakikipaglampungan mo sa isang pamilyadong lalaki! Malalaman niyang humahalipuypoy sa kasalanan ang kanyang ina---ah!" Subalit mabilis na lumagapak sa kanang pisngi ni Yvonne ang palad ni Marina. Mariin, malakas at nagngangalit.

Nagmura ang dalaga at sinapo ang nasaktang mukha.

"H'wag mo akong subukan, babae!" galit na duro ni Marina sa dalaga. "Hindi mo pa ako kilala, sinasabi ko sa'yo! At subukan mo lang sabihin kay Bon ang mga nalalaman mo, buhay niyong mag-ina ang sisingilin ko!"

Desfi Rada (Gayromance) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon