💋Kabanata 2: Puson💄

2.2K 103 3
                                    

DESFI RADA
by RODSY
Kabanata 2
















~~~
"AH--UHM," napakurap at napapalunok na kinakalma ni Desso ang sarili. Nag-iinit ang mga pisnging bumabaling sa kung saan-saan. "E-Eh... ano naman kung ganito ako maligo? J-Jusko naman, Kuya Nards. Gubat naman kasi ito at bundok pa. Saka lalaki naman ako, kaya okay lang."

Sa halip ay iyon ang patay-malisyang nawika ni Desso. Lakas-loob siyang tuluyang umahon mula sa tubig na tila nagyelo sa panlalamig sa kanya. Para bang sinasabing harapin niya ang lalaking disturbo sa kanyang pagtatampisaw.

"Oh...god!"

Bigla ay napalingon siya kay Kuya Nards nang marinig niya ang pagsinghap nito. Pero para lang mapatda siya sa napagtantong anyo nito. Nakabrief lang si Kuya Nards. Doon agad pumagkit ang kanyang namimilog na mga mata. Hapit na hapit ang naturang kakarampot na tela. Umbok na umbok ang bola at katawan. Bakat na bakat ang sumasaludong hugis pakanan. Pawisan... matipuno... matigas... matangkad. Mabuhok pa ang puson na tumatanaw sa suot na manipis na garter ng brief. Sa tanawing iyon ay parang malalagutan siya ng hininga. Pero aamin ba siya sa sarili na nadadarang siya sa nakikita?

At patunay niyon ang kanyang bubuwit na nabubuhay sa ilalim ng suot niyang panty. Agad niya iyong tinakpan ng mga palad. Mabilis ding rumatsada sa kanyang sistema ang labis na pagkapahiya. Mabilis siyang tumalikod. Pahamak!

"K-Kuya N-Nards," kandabuhol ang dila niya sa natatarantang paghanap niya sa kanyang mga hinubad na saplot kanina. Idagdag pa ang pangangatog ng kanyang mga tuhod.

May ganito ba talagang paandar ang mga tuhod ko?

Pero halos magtayuan ang kanyang mga balahibo sa init na hatid ng baritonong boses ni Kuya Nards.

"Oo. Lalaki ka rin... pero noon iyon. Noong 'di ko pa nakikita ang halos hubad mong katawan. Bakla ka nga, pero 'di ko inakalang papasa ka na bilang maalindog na asawa, Desfi."

Kaya naman napanganga si Desso. Lalong naglulundag sa kaba ang kanyang puso. Kaba ng kilig at bahagyang pagkalito. Kaba Mariin niyang kinagat ang ibabang labi.

"Sinasabi mo diyan, kuya?" Nasaan na ba ang mga hinubad ko?

Niyakap niya ang sarili. Unti-unti ay hindi na siya nagiging komportable.

At 'di niya mawari kung bakit sinulyapan pa niya si Kuya Nards.

Na nais niyang pagsisihan dahil sa nakita niyang malalagkit nitong pagtitig sa kanyang katawan. Lalo siyang nakadama ng pagkaasiwa. Nag-init ang mukha at saka mabilis na hinanap ulit ang mga saplot niya.

Ano ba? Saan ko na ba iyon iniwan kanina?

Natatarantang pilit niyang hinahamig ang sarili. Ayaw na niyang muling tumingin sa tuksong katawan ni Kuya Nards.

Bakit ba kasi ito biglang sumulpot dito sa batis? Hinanap ba siya nito para tuksuhin? Or baka rin kanina pa siya nito pinapanood sa pagtatampisaw? Wika nga nito, halos pambabae daw ang kanyang katawan.

Sa isiping iyon ay nakadama ng panibagong kiliti si Desso. Pero kung anumang kiliti iyon, ayaw na niyang palawigin pa. Kanina pa siya nahihiya sa sariling kahubdan. Babad na babad pa siya sa malalagkit na titig ni Kuya Nards. Bilang bakla ay may delekadesa rin naman siya.

Kung maliligo rin kasi ito, sana ay tumalon na ito sa tubig. Hindi 'yung parang minamatyagan ang kanyang bawat galaw.

"Kuya nakita mo ba ang mga hinubad kong..." pero halos mapatili siya nang walang anu-ano'y may humapit na mga braso sa kanyang bewang. Mula sa likod ay nakadama siya ng matigas at mainit-init na bagay. Eksaktong tumusok iyon sa kanyang pang-upo. Napanganga siya sa pagsabog ng libo-libong boltahe ng kanyang kabaklaan. "K-Kuya--"

Desfi Rada (Gayromance) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon