DESFI RADA
by RODSY
Kabanata 8~~~
NAKARAMDAM agad ng pagkadisgusto si Bon nang sunod na sumakay sa jeep ang babaeng ilang araw na rin niyang iniiwasan.
Si Yvonne Adarna.
Ito ang unang gabi niya sa trabaho. At ayaw niyang mab'wesit sa unang pagsabak niya sa trabaho. Kaya nang tumabi ito sa kanya, dumasig na lang siya.
Subalit talagang tentasyon sa katahimikan si Yvonne. Daig pa nito ang pusang-gala sa paghalipupoy sa kanya. Makapal ang mukha sa pag-abrisyete sa kanya at pagsandal ng ulo sa kaliwang balikat niya.
Hindi kawasa'y nasamyo niya ang mabango nitong sanghaya. Idagdag pa ang init ng dibdib nito na sadya yatang idinidiin sa braso niya.
"Nahuli rin kita, mahal. Hindi mo ako maiiwasan ngayon." Buong kumpiyansa nitong bulong sa kanyang tainga.
Dahilan para makadama siya ng kakaibang kiliti.
Kiliti saan? Kiliti ba nang tawagin siya nitong "mahal"? O kiliti ba dahil mabango ang hininga ni Yvonne na mainit ang pagdami sa kanyang balat. Sa ilang saglit ay nagulo ang utak niya.
Dahil sa desperadang Yvonne na 'to! ngitngit niya sa isip.
"Ang suplado mo talaga. Hindi ba sinabi ko na sa 'yo sa text na unang kita ko pa lang sa iyo, type na kita. Gusto na kita. And I think, mahal na kita, Bon." Patuloy na bulong pa ng dalaga. Tinutukoy ang mga sunud-sunod na text nito sa kanya---na hindi naman niya nirereply.
Hindi na rin siya magtataka kung paano ni nalaman ang phone number niya.
Sa sinabi nito ay lalo lang nagkabuhol-buhol ang utak niya. Idagdag pa ang pagdiin lalo ng dibdib nito sa kanyang braso. Wala rin kahiya-hiya sa pasimpleng paghagod sa hita niya.
Iritadong bumaling siya rito pero para lang magsalubong ang kanilang mga labi. Agad siyang napaurong ng mukha.
Shit! tiim-bagang na pagmumura niya sa isip. Nakadama siya ng hiya lalo pa at nakita iyon ng ibang mga pasahero. May umiwas ng tingin, may nagbulungan, may ngumisi, may umiling.
"Ow Eym Zee. First kiss nating dalawa---"
"Hindi 'yon halik! Tangina!" pigil ang tonong pinanlisikan niya ng mga mata ang dalaga.
Gusto na sana niya itong itulak. Pero magmumukha siyang garapal sa paningin ng ibang mga pasahero. Siya ang lalabas na masama.
Bwisit na buhay 'to o!
"Huwag ka na kasi magpigil, mahal. Pagbigyan mo na lang ako. Alam kong sa tulad mo, babae na ang nanliligaw. Kaya nanliligaw ako, Bon. And you can't stop me. Sooner or later... magiging boyfriend na kita for real..." iyon ang kinikilig na bulong ni Yvonne sa kanyang tainga.
Napailing siya. Napabuntong-hininga.
Ha! Karamihan na talaga sa mga babae ngayon, nagiging disgrasyada dahil napakamapusok sa pagiging desperada.
At siguro, para mahawakan niya sa leeg ang desperadang dalaga, sasakyan niya ang kahangalan nito.
Napangisi siya. Tama! Bakit ba siya magpapakipot sa palay na lumalapit sa kanya? Hindi naman siya bakla para tumanggi sa grasya. Lalaking-lalaki siya. May init at kapusukan din siya na nagtatago sa katawan. Init na nangangailangan din ng kapwa init.
Sa isiping iyon, umayos siya ng upo. Ngumisi siya at inakbayan si Yvonne. Hinalikan niya ito sa noo sa harap ng kapwa nila mga pasahero. Napaawang naman ang mga labi nito.
BINABASA MO ANG
Desfi Rada (Gayromance) (COMPLETED)
Romance"Pangako, hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin ng panahon. Sisiguraduhin ko, palagi na akong nasa tabi mo, kailangan mo man ako o hindi." Desso Firacio Rada, ang buo niyang pangalan. Isang bakla. Siya si Desfi para sa kanyan...