💋Kabanata 13: Kaliwaan💄

1.5K 81 9
                                    

DESFI RADA
by RODSY
Kabanata 13






~~~

KUMIBOT ang mga labi ni Marina. Sa pamamagitan niyon, pinapantay ang nilahid na lipstick sa bahaging iyon. Nang masiyahan sa pulang-pulang mga labi, ngumiti ito. Makikita na ang isang ngiting mapanghalina... amateur man pero mukhang bihasa. Mga ngiting hindi nagagawang paglumain ng panahon.

Sa paglalagay ng lipstick sa mga labi, doon nagtatapos ang paghahanda ni Marina para mapaganda ang sarili.

Tumayo ang ginang. Mula sa kaharap na salamin, mamamalas ang makurbang katawan niya; malaman, matambok at takaw-tingin. Bakit ba, eh napaka-revealing ng suot niyang dress na hindi umaabot sa tuhod ang tabas.

Idagdag pa ang malaman niyang dibdib. Malapad na balakang... at mabangong sanghaya.

Sumatutal, isang ginang na nagdadalaga si Marina.

"Oh," excited na lumingon sa tumutunog na cellphone. Kinakabahang dinampot iyon. Sinagot ang tawag sa kabila ng saya, excitement... at kabog ng dibdib. "He-Hello... " animo teenager na nag-stammer ang ginang.

"Nasaan ka na? Kanina pa ako rito sa tagpuan natin. Baka naman indiyanin mo ako ha... " anang lalaki sa kabilang linya. Kahit nasa tono ang pagkainip, mababakas naman ang pananabik.

"Tinitiyak kong makakarating ako. Siguraduhin mo lang na hindi ito malalaman ng asawa mo. Ayaw ko ng gulo, Eusibio!" Mariing babala ni Marina.

Kung paano nalaman ni Eusibio ang kanyang phone number, hindi niya alam. Basta nang magpakilala ito, naramdaman niya ang pag-usbong ng kakaibang kiliti sa kanyang kamalayan.

"Isang tangang babae ang asawa ko, mahal ko. Hayaan mo siya, hindi 'yon mag-iisip na magloloko ako. Ang mabuti pa ay bilisan mo na riyan, naiinip na ako." Mapanghibo ang boses ni Eusibio. Tila nangangako ng laksa-laksang ligaya sa piling nito.

Kaya naman lalong nakiliti si Marina. Naramdaman ng ginang ang pag-gapang ng init sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Ah, matagal na panahon na rin mula nang huli siyang magtampisaw sa init-ng-pag-ibig. At ngayong may nagpapakita sa kanya ng interes, hindi naman siguro masamang pagbigyan niya ang kanyang sarili. Mas lalong hindi naman siguro kalabisang makisawsaw sa pag-aari ng iba.

Nagawa nga ng ex-bestfriend niyang makisawsaw sa asawa niya noon, p'wes mas magagawa rin niyang makisawsaw sa asawa ng iba... ngayon.






AT kung si Marina ay magtatampisaw sa kandungan ni Eusibio, si Yvonne naman ay aakitin si Bon.

"Tulog na tulog si Bon, Yvonne. Aalis ako, bahala ka na rito. Kapag nagising ang anak ko, pakisabing nasa trabaho ako." Si Marina nang makasalubong sa bungad ng pinto ang dalaga.

Si Yvonne na kakatok pa lang sana sa pinto nang bumukas iyon at bumungad ang ginang. Mabilis niyang napuna ang magandang ayos ni Marina habang pinapapasok siya nito sa kabahayan.

"Akala ko po ba'y day-off niyo ngayon?" kunot-noong tanong ni Yvonne sa ginang. Nasa tono ang pagdududa... ngunit 'di iyon mapapansin ni Marina.

Dahil higit kanino man, si Yvonne ang unang nakakaalam ng papasuking kasalanan ni Marina. Paano ba'y siya ang nagbigay ng phone number ng ginang kay Eusibio.

Si Mang Eusibio na kinulit siya sa paghingi sa kanya ng phone number ni Aleng Marina.

Subalit hindi niya ganoon kabilis ibibigay ang hinihingi ng lalaki sa kanya, kailangang may kapalit. At iyon ay ang isang-buong-maghapon sa piling nito. Ha! Sino ba naman ang babaeng hindi mahahalina sa kakisigan ni Mang Eusibio, na kahit may-edad na ay malakas at matikas pa rin. Bukod doon ay talagang guwapo ang ginoo. At nasisiyahan si Yvonne na nagtikiman silang dalawa.

"H'wag ka nang usisera, Yvonne!" Nagdilim ang kislap ng mata ni Marina. Tila hindi nagustuhan ang pang-uusisa ng dalaga. "Maiwan na kita rito. Kung aalis ka, isara mo ang pinto." Dagdag pa bago tumalikod.

Naiwang napangisi si Yvonne.

Aleng Marina, sinisiguro ko sa 'yong maliligayahan ka sa performance ni Mang Eusibio... aniya sa isip. Naaalala pa niya ang makisig na katawan ni Mang Eusibio habang kumikilos sa ibabaw niya. Iyong tipong halos maitirik na niya ang mga mata sa ligayang ipinalasap sa kanya ng ginoo.

Pero hindi pa rin niya ipagpapalit sa kahit sino ang pagnanasa at pag-ibig niya kay Bon Costelo. Ang kanyang pinapangarap na lalaki. Si Bon ang nais niyang makasama sa habambuhay.

Kaya naman kumilos na si Yvonne. Tiyak ang bawat hakbang sa pag-akyat sa hagdan.

Wala si Aleng Marina... walang disturbo.

Ang pagkakataon nga naman, malandi ang naging ngiti ng dalaga. Tila kinikiliti sa mga nakikitang gagawin niya kay Bon.

"Pasasaan ba at mapapasakamay rin kita, darling... " bulong ni Yvonne nang mapatapat sa pinto ng silid ni Bon. Hinawakan niya ang doorknob at sabik na pinihit. Bukas iyon! Nagbunyi ang kalooban ng dalaga.









"SALAMAT, maupo ka," pormal na sabi ni Desfi nang abutin ang sariwang bungkos ng mga bulaklak mula kay Nardo.

Si Nardo na talagang sinsero sa panliligaw kay Desfi.

Naupo ang binata at kamot-batok na tiningala si Desfi. "P-Puwede ka ba ngayon? Aayain sana kita mag-lunch sa labas..." ang parang nag-aalangang anyaya ng binata. Bagamat nasa tono ang pag-asam na sana ay pumayag si Desfi.

"Sigurado ka ba talaga sa ginagawa mo, Kuya Nards? Napakaimposible kasi. Ayaw mo ba sa babae?" sa halip ay iyon ang nanulas sa mga labi ni Desfi. At hindi niya alam kung bakit napakakaswal na ng pakikiharap niya sa binata. Dati ay hindi siya mapakali sa presensya nito. Banayad niyang inilapag ang bungkos ng bulaklak sa ibabaw ng lamesita. Pagkuwan ay humalukipkip na humarap sa manliligaw.

"Gagawin ko ba ito kung hindi ako sigurado? Hindi naman sa ayaw ko sa babae. Ikaw kasi ang gusto ko kaya ikaw ang sinusuyo ko, maniwala ka..." Ang tila nababahalang paliwanag ni Nardo. Na para bang isang dekada na itong nanliligaw para manlumo ng ganoon.

Napailing si Desfi. Nagtataka siya sa sarili, dati ay inaasam niyang maligawan o magustuhan ng isang Kuya Nardo, ngayon ay animo bulang naglaho ang pangarap na 'yon.

Dati, makita pa lang niya ito, nakadarama na agad siya ng kilig, ngayon ay natural na nagagwapuhan na lang siya rito. Wala na ba siyang crush sa lalaking ito?

"Kuya, pa... " nauumid ang dila niya. Paano ba ang mambasted ng manliligaw---nang hindi ito nasasaktan? Paano ba tumanggi sa pag-ibig na seryosong dinudulog sa 'yo? Paano ba kasi sabihing "Kuya, pasensiya na, hindi kita gusto. Iba na lang."? "Kuya Nards, kakantiyawan ka ng mga kaibigan o barkada mo. Hindi ka magkakaroon ng tahimik na buhay sa akin." Sa halip ay iyon ang sinabi niya, hindi na rin nalalayo sa binabalak niyang pagtanggi sa pag-ibig nito.

"Tanggap kita, Desfi, kahit bakla ka." Ngunit 'di mapapahinuhod si Nardo nang ganoon kadali. "H'wag mong isipin ang mga negatibo. Subukan natin, subukan mo ako..." biglang tumayo si Nardo at hinawakan sa mga kamay ang napapitlag na si Desfi. Nakadama ng pagka-ilang sa matangkad na binata.

Lalo pa at bahagyang pinisil nito ang kanyang mga palad.

"Kuya Nards kasi ay..." Subalit napasinghap siya nang bigla nitong kinabig ang kanyang batok. Nagtagpo ang mga labi nila.

Sa gulat ay napadiin ang mga palad niya sa matipunong dibdib ng binata.

At sa hindi niya malamang dahilan, parang natutukso siyang tumugon sa kakaibang halik na iyon. Banayad... naghahamon, gumagagad at nagpipilit pumasok sa kanyang bibig ang malikot na dila nito. Bago sa kanya ang ganoong pakiramdam. Nagtatalo ang isip niya kung tutugon o itutulak ito.

"Anak, may bisita ka--ay tukaan! Firacio!" Na-eskandalong sigaw ni Aleng Layla.

Gulat na naitulak niya sa dibdib si Kuya Nards. Pareho silang nagulantang sa pagbungad ng kanyang ina. Sa likod ng ginang ay ang lalaking hindi niya inaasahang magiging bisita ulit sa bahay nila.

Si Bon! Kunot-noo at hindi niya mabasa ang kislap ng mata habang nakamaang sa kanya.

Bon. Hindi niya maintindihan, ganoon na lang ang kalabog sa kanyang dibdib.

Desfi Rada (Gayromance) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon