💋Kabanata 15: Natatangi💄

1.8K 73 1
                                    

DESFI RADA
by RODSY
Kabanata 15











~~~

"NAGSISISI ka ba?" tanong ni Eusibio na nakayakap mula sa likuran ni Marina. Naroon ang dalawa sa isang silid sa motel na iyon. Madilim na sa labas ngunit sinusulit pa rin nila ang bawal na pagniniig. Sa ibabaw ng makitid na kama, doon naglunoy sa kasalanan.

Humugot ng hininga si Marina bago humarap sa hubo't hubad na kaulayaw. "Napakahusay mong magpaligaya, Eusibio, para pagsisihan ko," anang babae.

Ngumisi si Eusibio. Hinuli ang palad ni Marina na humahaplos sa kanyang pisngi. Dinala iyon sa mga labi at hinalikan.

"Kung ganoon, bakit bigla kang tumahimik, hmm? Nag-aalala ako, baka napagod kita nang husto..." na siyang totoo. Iniisip niya, baka hindi na siya makaulit sa babae sakaling napagod nga ito.

"Hindi ganoon," umiling ang ginang. "May isang personal na problema lang kasi ang gumugulo sa isip ko." Nakangiti at malambing na hinagod ng palad nito ang dibdib ni Eusibio. "Huwag mo na lang intindihin ang pananahimik ko, ha. Pero alam mo bang masaya ako dahil meron sa pagkatao ko ang napunan? Kung dati ay nakadarama ako ng kalungkutan at pangungulila, ngayon ay hindi na." At kinintalan ng halik ang nakangising labi ni Eusibio.

"Marina..."

"I love you, Eusibio." Bukal sa kaloobang anas ni Marina.

"Oh, Marina..." lumawak ang ngiti ni Eusibio. "I love you too, sweetheart. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nasa mga bisig kita habang... inaangkin." At saka kinabig sa pang-upo ang ginang. Doon ay gumalaw padausdos ang mga daliri... patungo sa nagtatagong yungib.

"E-Eusibio..." bigla ay dumiin ang yakap ni Marina sa matipunong katawan ng pamilyadong-lalaki. Pero hindi na iyon maiisip ng ginang dahil ang mahalaga'y nakatagpo ito ng langit sa piling ni Eusibio.

"Napakalambot ng katawan mo, sweetheart. Nakakabaliw ang alindog mo. Hinding-hindi ko pagsasawaan..." anas ni Eusibio bago kinubabawan ang napapaliyad na ginang. "Anong hiling ko na sana ay hindi na ito matapos, sweetheart."

"Ako man... Pero g-gabi... na... Eusibio. U-umuwi... na.. tayo, oh!" Ang tila pagtutol ni Marina pero pabiling-biling ang ulo. Ang balakang ay sumasalubong ng galaw sa nanunuksong indayog ni Eusibio. Maging ang mga daliri ng ginang ay sumasabunot sa kulot na buhok ng kaniig.

"Isa na lang, Marina... Isa na lang. Uuwi na tayo... "









ISANG linggo ang lumipas. Patuloy sa pag-asam si Desfi na makikita pa niyang muli si Bon. Simula kasi noong makita ng binata ang paghalik sa kanya ni Nards, hindi na ito nagpakita pa. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na baka inisip na naman ni Bon na isa pala siyang malandi at haliparot na bakla.

Akala ko pa naman, friends na kami. Binola-bola lang yata ako. Haay. Hmp! Bakit ko ba siya gustong makita? Paki ko ba sa tukmol na 'yon? Nagkukukot ang kaloobang nagtuloy-tuloy siya sa pagdidilig sa mga halamang-bulaklak ng kanilang sakahan.

Kaylulusog ng mga bulaklak. Preskong-presko. Ang iba niyon ay maingat na hina-harvest ng iba pa nilang tauhan. Pagkuwan ay may kung ano pang ginagawa para hindi agad maluyos o matuyot ang mga talulot niyon. Pagkatapos ay saka pagagandahin ng pagkakabungkos upang magmukhang kahalihalina. Saka ide-deliver sa kanilang mga suki.

Ganoon ang proseso sa mga preskong bulaklak sa kanilang farm.

"Talaga bang magkaaway na kayo ni Yvonne?" untag ni Mena mula sa gilid ni Desfi.

Matabang siyang ngumiti. "Siya lang ang umaway sa akin. Plastikadang 'yon! Pero kung gusto mo pa rin ang babaeng iyon, hindi naman kita pipigilan. Kahit pa magpakarami kayo, I don't care!"

Desfi Rada (Gayromance) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon