DESFI RADA
by RODSY
Kabanata 20
~~~
MAHAPDI ang matatalas na dahon ng talahib na tila humihiwa sa kanyang balat. Idagdag pa ang mararahas na pagsabit at paghampas ng mga baging sa kanyang binti, habang pakaladkad siyang hinihila sa braso ng unang lalaki. Palayo nang palayo sa kalsada... patungo sa kasulok-sulokang bahagi ng talahiban na iyon.
"Bilisan mo bakla!" Sabay tulak kay Desfi na kamuntikan nang madapa sa damuhan.
"Huwag mo naman itulak, Wardo!" Angil ng kumakaladkad kay Desfi. "Dito!" Bigla itong huminto. "Diyan ka!" at saka sinalya sa kasukalan ang napatili at napadaing na si Desfi.
Naghagalpakan ang tatlo.
"Mga hayop kayo!" Umahon ang galit sa dibdib ni Desfi. Nagsikap siyang tumayo kahit nagiging mabuway ang kanyang pagkilos. "Ano bang kailangan niyo sa akin? Sino ba kayo?" Basag ang boses na tanong niya. Hinihingal siya habang umiiral pa rin ang utak niya sa pag-iisip kung paano makakatakbo palayo sa tatlong sukab nang hindi agad siya maaabutan. Isang pagkakamaling binitiwan siya ng lalaking kumaladkad sa kanya. Magkakaroon siya ng pagkakataong makatakbo kung sakali.
"Tawagan mo si Yvonne! Sabihin mong nasa atin na ang bakla at nagbago ang orihinal na plano!" Utos ni Jose kay Wardo. Hindi pinansin ang pagtatanong ni Desfi.
Si Desfi na napamaang sa narinig na pangalan ng babae. Nagulat siya kasunod ang pagbangon ng galit sa itinuring niyang kaibigan! Si Yvonne pala ang nag-utos sa tatlong sukab na ito! Isa rin palang talipandas ang hudas na kaibigan. Handang kumitil ng buhay ng kapwa, makamit lang ang inaasam.
At ano ang dahilan ng babae para pagbalakan ang kanyang buhay? Agad niyang naisip si Bon. Si Bon ang dahilan!
Ah, napakadesperadang babae!
"Sige!" At mabilis nagtipa ng text messages para kay Yvonne. Agad iyong nag-send. "Basta siguradong wala tayong magiging sabit dito, Wardo! Ayaw kong makulong. May pamilya---"
"Oo na!" Pamumutol ni Wardo. "Basta malinis ang trabaho, walang sabit! Hindi lang pera ang ipinangako ni Yvonne, pati ang katawan niya ay pagsasaluhan natin kapag---
"Anak ng hoy!" Biglang naalarmang sigaw ng kasamang si Julio. Naagaw ang atensiyon sa biglang pagtakbo ni Desfi palayo... patakas.
"Pucha! Habulin nation!" Agad kumilos ang tatlo para habulin si Desfi.
"Hoy! Bumalik ka rito! Hindi mo kami matatakasan!" habol-sigaw ni Jose at kuntodo ang kaba sa dibdib. Paano na lang kung tuluyang makawala sa kanila ang bakla? Siguradong bago magdilim ay wanted na sila sa mga alagad ng batas.
"Ito na nga ba ang sinasabi kong sabit, Wardo! Bakit mo kasi binitiwan! Pusang-hayop talaga!" galit na tungayaw ni Jose.
"Bilisan mo na lang ang takbo! Lumiko siya sa talahabiban! Sa kalsada ang punta niya! Bilisan natin!" Nagagahol na binilisan pa lalo ni Julio ang pagkaripas ng takbo, maabutan lang ang baklang maglalagay sa kanila sa komplikadong sitwasyon kapag nakatakas ito.
Si Desfi ay abot-abot ang hingal at kaba kasabay ng mabilis na pagsagasa sa matatalas na puno at dahon ng mga talahib na iyon. Walang lingon likod niyang tinatabig ng braso ang bawat dahon at sangang humahampas sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Desfi Rada (Gayromance) (COMPLETED)
Romance"Pangako, hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin ng panahon. Sisiguraduhin ko, palagi na akong nasa tabi mo, kailangan mo man ako o hindi." Desso Firacio Rada, ang buo niyang pangalan. Isang bakla. Siya si Desfi para sa kanyan...