DESFI RADA
by RODSY
Kabanata 14~~~
MAY busal na panyo ang bibig ni Yvonne. Gayundin ang mga matang piniringan ng manipis na hand towel. Ang mga kamay ng dalaga ay nakagapos sa likod sa paanan ng kama. Ang mga paa ay mahigpit ding tinalian.
Sa ganoong ayos, daig pa ng dalaga ang isang busabos. Daig pa nito ang isang alipin na matapos angkinin ay igagapos.
Umungol ang dalaga. Tipong nagmamakaawa sa sinumang makakarinig sa panaghoy niya. Humikbi siya, nagpipilit pumiglas sa kasuklam-suklam na kinasadlakan niya sa mga sandaling iyon. Iyong gumigitaw na pawis sa kanyang noo at sa kanyang buong katawan ay damang-dama niya. Nakakapanghina.
Subalit sino ba ang mahahabag sa dalaga? Tahimik ang kuwarto, sarado ang pinto. Maliban sa dalaga ay wala nang iba pang naroon.
I could kill you for this, Bon! I hate you! I hate you! hiyaw niya sa isip. Kulang na lang ay malunok niya ang panyo sa bibig sa tindi ng kanyang panggigigil.
Hindi niya inakalang malupit si Bon. Hindi niya inasahang magagawa ng binata ang ganito sa kanya. Tuloy ay tila nais niyang magsisi sa ginawang kapangahasan kay Bon.
Ah, hindi! Hindi siya nagsisisi! Ang ginawa nila ni Bon kanina ay isang katuparan ng kanyang pangarap. Isang bitag na hindi matatakasan ng binata.
Kung inaakala mong titiklop ako sa ginawa mong ito sa akin, Bon. You're wrong! Nang pagbigyan mo ang init ko kanina, nahulog ka na sa mga kamay ko.
At sa isiping iyon, napangiti ang dalaga. Kasunod ay muli niyang binalikan sa alaala ang pagpapaligaya sa kanya ni Bon...
"ANONG ginagawa mo rito?" tanong ni Bon sa babae. Nagsasalubong ang mga kilay na mabilis nitong nahablot ang isang kamesita upang takpan ang kahubdan. Ngunit huli na dahil nakita na iyon ng babae.
Si Bon ay kalalabas lang ng banyo kaya sa bigla ay hubo't hubad itong napaharap sa pangahas na bisita sa sariling silid.
Ang pangahas ay walang iba kundi si Yvonne na noon ay malagkit ang mga matang nakatitig sa hubo't hubad na katawan ni Bon---na hindi man lang nagawang itago ng kakarampot na kamesitang nahablot ng binata.
"Lumabas ka, Yvonne. Kung si mama ang hanap mo, siya ang puntahan mo." Malamig na pananaboy ni Bon. Nagpipigil ng galit sa nagmamasid na dalaga.
"Oh, Bon! Not that fast, honey... Hanggat 'di natin natitikman ang isa't isa. Ano ba ang inaayaw mo sa akin, hmm?" Ang lantarang panunukso ni Yvonne.
Unti-unting gumiling ang balakang... unti-unting hinuhubad ang suot na off shoulder dress. Ang saplot na hindi man lang umabot sa gitna ng mga hita ang tabas ng laylayan.
"Fuck! Crazy bitch!" singasing ng binata, umiigting ang panga sa labis na pagtatagis ng mga bagang. At kung hindi nito makokontrol ang sarili, masasapak na nito ang babae.
"Hindi ba ako kaakit-akit, Bon? Look at me, honey. Nasa akin ang langit, wala sa dingding---"
"Walang mangyayari sa binabalak mo, Yvonne. Lumabas ka na habang nagpipigil pa akong saktan ka!" matunog na babala ni Bon sa dalaga.
"Oh, Bon, palalampasin mo ba ang pagkakataong lumigaya sa piling ko? Hmm?" At tuluyan nang dumulas sa katawan ni Yvonne ang makitid na saplot. Bumagsak iyon sa paanan ng dalaga. Kaya naman tuluyang nahantad ang makinis at maputing katawan ni Yvonne. Dalawang saplot na lang ang natitirang nakakapit sa kaselanan ng babae.
BINABASA MO ANG
Desfi Rada (Gayromance) (COMPLETED)
Roman d'amour"Pangako, hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin ng panahon. Sisiguraduhin ko, palagi na akong nasa tabi mo, kailangan mo man ako o hindi." Desso Firacio Rada, ang buo niyang pangalan. Isang bakla. Siya si Desfi para sa kanyan...