Chapter 5

15.2K 414 128
                                    


"SHOOO-SHOOO!"

Walang balak magpabugaw ang tandang na nasa daraanan ni Tipper. Hindi lang iyon, unti-unti nang tumatayo ang mga balahibo nito sa leeg. "Excuse me, hindi tayo talo. Wala akong tari, Kuya—" sabi niya sa manok na handa nang manabong. "Makikiraan lang ako, puwede?" Humakbang siya—kasunod agad ang tandang na war freak. "Nanay ko—" Nagsiparangok na rin ang ibang tandang sa teepee ng mga ito. Nakiramdam uli siya habang bitbit ang batyang plastic na puno ng mga isasampay na damit.

Maganda ang sikat ng araw kaya naisipan niyang sa labas patuyuin ang mga nilabhan; hindi sa pamamagitan ng dryer. Gusto niyang magpa-impress sa amo kahit hindi pa niya ito nakakaharap simula nang dumating siya kamakalawa.

Sinubukan ulit niyang humakbang. Hindi nagustuhan iyon ng tandang. Pumalo ito.

"Shit kang animal ka!" sigaw ni Tipper, bahagya lang nakailag. Tumakbo na siya palayo pero hinabol siya ng manok. Na-realize niyang hindi siya nito tatantanan. Kailangan niyang lumaban.

Nang akmang sasabungin na naman siya nito, sinalubong niya ng tadyak. Lipad ang sarimanok! Napulbos yata ang butsi, hindi na makabangon.

"Naku, sorry," sabi niya at ibinaba ang batya, nilapitan ang tandang. Hahawakan pa lang niya ito pero bigla na itong nangisay. Pagkatapos, nada. binawian na ito ng buhay.

Para namang may mga isip na lalong nagsiparangok ang mga kasamahan ng namatay. Pakiramdam niya, galit sa kanya ang lahat. Paano kung sugurin siya ng mga ito?

Iginala ni Tipper ang tingin. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nakatali naman lahat ang mga ito. Bukod-tangi lang yatang nakaalpas ang isang tinadyakan niya.

Nasaan ba si Caloy?

At ano ang gagawin niya sa namatay na manok? Hinawakan niya ito. Wala na talagang buhay. May kaunting dugo pa sa ilong nito—kung ilong nga iyong dalawang butas sa tuka nito.

Kinuha uli niya ang batya. Ida-dryer na lang niya ang mga nilabhan. Ibinaba niya iyon sa tabi ng washing machine at hinanap si Caloy. Wala ang lalaki sa opisina nito. Napatingin siya sa radyo, dinampot ang mike.

"Break. Break," atubili niyang sabi. First time niyang gumamit niyon. Walang uma-acknowledge sa kanya. "Hello? Hello? Anybody home?" Wala pa rin. "Hello? Hello? May emergency—" Static. Then a voice.

"Go ahead. Ano'ng emergency?" anang boses. Hindi na siya puwedeng magkamali. Boses ni Alberto. Bigla siyang na-tense na hindi maintindihan.

"A-Alpha One, si Tipper ho ito, 'yong— 'Yong bagong maid—" sabi niya.

"Ano ang emergency?" giit ng tinig, parang kulang sa pasensiya.

"M-may namatay hong tandang sa likod."

"What?" bulalas ni Alpha One. Pagkatapos ay nawala na sa linya.

Hindi uli niya malaman ang iisipin. Pero kinakabahan siya. Mahilig din sa tandang ang tatay niya at talagang nagwawala ito kapag may nangyaring masama sa tinali nito. Nakagat niya ang ibabang labi.

Kagat-kagat pa rin niya iyon nang biglang bumukas ang double door sa opisina ni Caloy. Bumalandra ang bulto ng amo.

Si Alberto Fierro.

Nakalimutan ni Tipper ang nerbiyos. Napanganga lang siya at napatunganga sa lalaki. He was indeed larger than life. Tall, dark, and brooding. Ang kaguwapuhan nito ay hindi dala ng matangos na ilong o ng nangungusap na mga mata kundi ng karakter.

Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon