"ANONG tiles? Marmol ang isasahig ko diyan!" sigaw ni Alberto kay Caloy.
Namangha si Tipper. "Akala ko ba, buhangin?" tanong niya. Ikatlong araw na ng paghuhukay nila at naaawa na yata sa kanila si Caloy. Nagpatawag daw ito ng mga propesyonal na gagawa ng swimming pool.
"Di marmol muna, saka papatungan ng buhangin," sabi nitong parang napakaestupida ng tanong niya. "Di naubos ang tubig kung basta mo lang lalagyan ng buhangin!"
Oo, nga naman, pagsang-ayon ng isip niya. "Pero may swimming pool bang marmol ang sahig?"
"Oo. 'Yan!" sabi ni Alberto, sabay turo sa hinukay.
"Masyado namang mahal," komento niya.
"Anong mahal? Makakatipid nga tayo dahil marami pa akong marmol diyan, natira no'ng ipagawa ko 'yong sahig ng bahay. Practical 'to, oy!" sabi nito, sabay turo sa sarili. "Ano'ng akala mo, lahat ng ginagawa ko, hindi ko pinag-iisipan?"
"Hindi naman sa gano'n," sabi niya.
Laking gulat niya nang bigla na lang siya nitong akbayan. "Nagpapaliwanag lang ako, 'tart," sabi nito.
Laglag ang mga panga ni Tipper. Tinawag siyang "'tart" sa harap ni Caloy! Tinawag siyang "'tart" pero wala naman silang relasyon!
Napatingala siya kay Alberto nang wala sa oras. He just grinned at her. Hindi niya malaman kung isla ba ang napuntahan niya o giant roller coaster. Mula nang dumating siya ay para na siyang inihahagis sa iba-ibang direksiyon. Kaliwa, kanan, 'taas, 'baba.
Pero aminado siya, she was beyond fascination. It was exhilarating, but it was also fun and exciting. Noon lang nagkaroon ng thrill ang buhay niya and she loved it. Regular siyang nagre-report kay Margot and it was thrilling in itself already. Ang unang written report niya ay bukas niya ipapadala, kapag pumunta sa bayan si Caloy. Naka-address sa mga magulang niya ang liham, may kasamang kaunting pera. Ang mga iyon na ang bahalang mag-forward kay Margot sa report niya na kalakip ng sulat niya.
Ang problema lang, hindi na maluwag sa kalooban niya ang pag-eespiya kay Alberto. Hindi na niya kailangang timbangin pa nang matagal kung kanino talaga ang loyalty niya. Na kay Alberto.
Because she liked him immensely. She liked the way he talked, the way he moved, everything about him. Mahal na nga yata niya ito. At may gusto nga rin siguro ito sa kanya. Kung wala, bakit inakbayan siya at tinawag na "'tart"? Short iyon ng "sweetheart," sa pagkakaalam niya.
Natagpuan na lang ni Tipper ang sarili na nangangarap ng future na kasama si Alberto. Sa isla sila maninirahan; tahimik at masaya ang buhay nila dahil malayo sila sa pressures at pollution ng lungsod; walang makikialam sa kanila. Higit sa lahat, wala siyang kaagaw kay Alberto.
Nang dumating ang mga ipinatawag ni Caloy, parang nakalimutan siya bigla ni Alberto. Naging abala ito sa pagmamando sa mga trabahador, lalo na nang ipalipat sa ibang bahagi ang alaga nitong mga tandang. Panaka-naka ay naririnig niyang sumisigaw ito, ingatan daw ang mga manok, baka raw mabalian.
Hanggang ngayon, hindi pa ma-pinpoint ni Tipper kung ano talaga ang passion ni Alberto sa buhay. He loved to sail, was passionate about his big boat named SEÑOR, ang tanging yate na may pangalang lalaki. He also loved to fly his Cessna, but he was as passionate about his cocks.
Ganoon nga siguro kapag nasa isang tao na ang lahat, kung ano-ano na ang naiisipang gawin at hindi inaalala kung may magagastos o wala. He had the good looks, the body to go with it, the money, the fame, everything.
Walang makakasisi sa kanya kung ibigin man niya ito.
Dahil abala ang lalaki sa swimming pool, inabala na rin niya ang sarili sa mga gawaing-bahay. It was funny dahil hindi niya maramdaman na katulong siya. She felt like she was the mistress of the house. At natural lang na magluto siya, maglinis, maglaba, mamlantsa.
Iyong huli ang ginagawa niya nang marinig na tinatawag siya ni Caloy sa radyo. Mayroon na rin siyang portable piece na madadala kahit nasaan siya. Dinampot niya iyon sa mesang patungan ng mga plantsahin.
"Go ahead, Charlie Mama," sabi niya.
"Bumaba ka muna saglit, Tipper," sabi ng lalaki.
"Sandali lang," sabi niya at tinapos munang unatin ang isang polo ni Alberto. Paano siya makakadama ng pagod kung kulang na lang, sambahin niya ang may-ari ng mga pinaplantsa niya?
Bumaba siya sa opisina ni Caloy. "Bakit?" tanong niya rito.
"Hindi mo alam ang ginagawa mo," sabi nito.
Tumaas ang kilay niya. "Anong ginagawa kong hindi ko alam?"
"Nakikipagmabutihan ka kay Boss Al. Hindi mo siya kilala, Tipper. Concerned lang ako sa 'yo kaya binabalaan kita. Marami nang babaeng umalis sa islang ito na luhaan."
Natigilan si Tipper. Sa sobrang fascination niya kay Alberto, hindi sumagi sa isip niya ang posibilidad na marami itong babaeng dinadala sa isla.
"N-nagkakamali ka, Caloy. Wala naman kaming relasyon ni Sir. Nagkataon lang na magkasundo kami. Hindi naman pala siya masyadong istrikto. Salamat sa concern mo. Pero isipin mo naman, papatulan ba ako ni Sir, eh, katulong lang ako?"
"Babae ka pa rin kahit ano pa'ng trabaho mo. At ngayon pa lang, itanim mo na sa isip mo, hindi mag-aasawa si Boss Al. Wala siyang balak. Madali siyang magkagusto sa mga babae, pero madali rin siyang magsawa...
"Alam na alam ko na ang diskarte niya dahil matagal na ako rito. Kapag may nagustuhan siyang babae, kulang na lang, ibigay niya ang lahat, ubod ng lambing, ubod ng bait, laging nakapulupot sa kawawang babae. Akala naman ng babae, totoo na 'yon. Totoo talaga, pero hindi habang-buhay. Pang-isang buwan lang."
Walang maikatwiran si Tipper. Nagsimula na rin siyang maalarma.
Nagpatuloy si Caloy. "At hindi ka puwedeng magpakipot dahil hindi ka niya titigilan hangga't hindi ka bumibigay. Sukdulang haranahin ka o regaluhan ng kabayo."
"Kabayo?" nakangiwi niyang pag-ulit.
"Oo, 'yong latest niyang biktima, ayaw siyang pansinin dahil alam nga ang reputasyon niya. Nalaman ni Boss na mahilig 'yon sa kabayo, hayun, niregaluhan! Bumigay rin. Luhaan na ngayon."
"May kabayo naman siya," sabi niya.
"Basta, makinig ka sa akin, Tipper. Sinasabi ko sa 'yo ang totoo dahil ayoko namang mapabilang ka sa mga nabiktima ni Boss. Kawawa ka, sinasabi ko sa 'yo. Kawawa ka lang."
Nagkibit-balikat si Tipper. "Salamat sa warning mo." Na ewan niya kung kaya niyang sundin. Kapag sinulyapan na siya ni Alberto ng "sulyap-tulingan" na sinasabi nito, natutunaw na ang buong skeletal system niya. "May sasabihin ka pa?"
"Wala na. Ingat ka lang," sabi ni Caloy. Hindi rin naman niya masabi kung genuine ang concern nito sa kanya o dala lang ng pagnanasa. At akala ba niya, loyal ito sa amo nila? Bakit sinisiraan nito ito ngayon?
Pero aminado naman siyang may ring of truth ang mga akusasyon ni Caloy. Alam naman ng buong Pilipinas ang pagkababaero ni Alberto Fierro. Dapat nga siguro siyang mag-ingat.
jus0(
BINABASA MO ANG
Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR)
RomanceDahil frustrated sa trabaho bilang real estate agent, tinanggap agad ni Tipper ang alok ng TV personality na si Margot Soriano na magpanggap na maid at mag-apply kay Alberto Fierro, ang action superstar na kasalukuyang nagtatago sa Tranquility Islan...
