ALAM ni Tipper na kailangan niyang magdesisyon. Give in or resist? Her resolve was slipping away so fast, she groaned in trying to hold on to it. Inilagay niya ang dalawang palad sa dibdib ni Alberto, pero hindi naman niya ito magawang itulak, because he was kissing her like he had not kissed a woman for a long, long time. It was hungry and demanding, parang nangungumbinsing kalimutan na niya ang lahat. He seemed to want her complete surrender. Nararamdaman niya iyon sa urgency ng halik at yakap nito.
And she could also feel that same urgency within her spreading throughout her loins.
"You taste so good," he murmured thickly and his hands began to move over her back suggestively, pressing her more closely against him. Pumasok sa loob ng T-shirt niya ang isa nitong kamay. Napasinghap siya nang maramdaman ang palad nito sa kanyang balat. At parang ayaw talaga nitong bigyan siya ng pagkakataong makapag-isip, his lips left her mouth and ravaged her throat instead.
Parang apoy na kumakalat sa bawat ugat niya ang hangaring ipagkaloob sa binata ang lahat-lahat. His wandering hand found her breasts and they seemed to unfurl like a rosebud unfurls to the caress of the sun. The desire within her blazed up, lubusang tinupok ang marupok na niyang pagpipigil.
She wanted to feel his body so bad. Hindi niya kayang ipaliwanag kung paano nila nahubad ang mga damit nila. Ang alam lang niya, nakahiga na siya sa terrace. He was on top of her, doing wonders, making her discover through his actions all the mysteries of womanhood.
He caressed her like he was suppressing violence, na para bang nahihirapan itong paglabanan ang pagnanasang angkinin na siya. But she was more than ready to respond. And there was violence, too, in the way she touched him. The need to possess and be possessed was a temporary insanity, a delicious, all-consuming fury.
Hindi alintana ni Tipper kung nakakalmot at nakakagat man niya ang binata sa kadesperaduhang iparamdam dito ang nararamdaman. Lalong wala siyang pakialam kung mag-echo man sa buong isla ang mga ungol niya at ang pagsambit sa pangalan nito, lalo na nang tuluyan na siya nitong angkinin. There was a searing pain but it soon faded away, replaced by a tormenting yet delicious feeling.
"Oh, shit!" he groaned aloud.
Napadilat siya at nakitang hindi maipinta ang mukha nito. At na-realize niyang mas malala marahil siya. She was starting to panic as something inside her threatened to explode.
"Don't stop! Don't stop!" she panted and gasped, nakakasigurong mapapatay niya ang lalaki kapag tumigil ito.
He groaned and gave a hard thrust as her whole body trembled uncontrollably, involuntarily. The explosion occurred. Pero ilang sandali pa bago niya nakita ang buwang nakasilip sa ulap kahit dilat naman siya all the while.
Habol-habol pa rin ni Tipper ang hininga. At sigurado siya, kahit linisin niya ang buong bahay, hindi sila hihingalin nang ganoon. Her mouth was very dry. "Tubig..."
"Sandali lang. Nagpapahinga lang—" paungol na sabi ni Alberto.
Humagikgik siya. Kahit para siyang nakipaghabulan sa pitong diyablo, kataka-takang magaan ang pakiramdam niya.
"Why are you laughing?" tanong nito, nakasubsob pa rin sa leeg niya. Lahat ng bigat nito ay nasa katawan niya. But she did not mind. There was a satisfying feeling in that. At hindi niya napigil ang sarili na yakapin nang mahigpit ang binata at hagkan ito sa ulo.
"Wala," sabi niya pero nakangiti sa nakasilip na buwan. Bawat detalye ng nangyari, bumalik na sa diwa niya at naisip niyang para palang alak ang pakikipagniig—kapag tumalab, mapapa-English nang di-oras.
BINABASA MO ANG
Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR)
RomansaDahil frustrated sa trabaho bilang real estate agent, tinanggap agad ni Tipper ang alok ng TV personality na si Margot Soriano na magpanggap na maid at mag-apply kay Alberto Fierro, ang action superstar na kasalukuyang nagtatago sa Tranquility Islan...
