Chapter 8

14.3K 364 27
                                    


ALAM mo bang ikaw lang ang maid na nakaakyat dito at makakasabay ko pang kumain?" salubong kay Tipper ni Alberto sa dulo ng hagdan. Maghahapunan na sana si Tipper nang bigla itong nagradyo. Akyatan daw niya ito ng pagkain. O mas maganda kung doon na rin siya kakain sa fourth floor.

"Hindi ko alam," sabi niya.

"Ngayon, alam mo na." Kinuha nito sa kanya ang tray ng pagkain at ipinatong sa counter ng bar sa dakong kaliwa ng sala. Pumasok ito sa loob niyon.

"Bakit mo ako pinaakyat dito?" tanong niya at tinulungan itong ayusin ang mga pagkain sa counter.

"Because—" Dumukwang ito sa counter at hinaplos ang pisngi niya. "I like you very much."

Nag-ingay ang mga paranoid niyang alarm sa katawan. Ito na nga yata ang sinasabi ni Caloy. Ang seduction. Pero hanggang pag-iingay lang ang kayang gawin ng mga alarms, hindi siya kayang pasunurin niyon dahil nangingibabaw ang kilig na hatid ng gesture ng actor.

"Kain na tayo," sabi nito.

Sumampa siya sa stool na leather ang cushion. Nilagyan agad ni Alberto ng kanin ang plato niya, pagkatapos ay tinusok ng tinidor ang isang hiwa ng garlic beef na niluto niya. " Say 'ah,'" sabi nito.

"Ah—" Pagnganga ni Tipper, shoot sa bibig niya ang beef strip. Hindi pa niya nalulunok iyon ay sinusubuan na uli siya ng lalaki. "Teka lang, mabubulunan ako."

"Oh, sorry. Wait—" Sa isang iglap ay nakapag-produce ito ng bote ng alak. Expertly, he uncorked it. Mabilis din nitong nahagip ang dalawang wineglasses at sinalinan ng mabulang inumin.

"Hindi ako umiinom," sabi niya.

"Hindi ka naman malalasing dito sa champagne. Tikman mo, masarap," he urged.

"Okay." Tinikman niya ang alak. Wala ang pait na inaasahan niya. It was sweet, very cold. Masarap nga.

"See?" Parang tuwang-tuwa si Alberto na nagustuhan niya ang inumin.

Napangalahati agad niya ang laman ng baso. Sinalinan ulit iyon ng lalaki. Nagsimula na siyang kumain, natigilan dahil nahalata niyang pinapanood lang siya ng binata.

"Bakit ayaw mo pang kumain?" tanong ni Tipper.

"Hindi ka sweet?" bagkus ay sabi nito.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Dapat subuan mo rin ako ng beef," he said coyly.

Nalusaw na parang pangarap ng addict ang puso niya.

Sinubuan nga niya ang binata. At habang nasa bibig nito ang dulo ng tinidor niya, titig na titig ito sa mukha niya—tulingan style. Alam niyang hindi siya kamukha ni Gretchen Barreto, pero nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya, mas maganda pa siya kaysa sa nasabing actress.

"Do you like me, too?" walang ano-anong tanong ni Alberto, nakamasid pa rin sa kanya.

Hindi malaman ni Tipper kung saan titingin. Nagkandaduling siya sa ilong nito. Tumango siya.

"Say it. Say, 'I like you, too.'"

"I-I like you, too," sabi niya, gustong mag-isip pero hindi lang puso niya ang nalusaw. Nag-evaporate na rin pati mga brain cells niya.

"Why?" Nangalumbaba ito sa counter.

"Dahil..." Wala siyang maisip na sasabihin dahil nga nawala ang laman ng bungo niya. "Dahil malaki ang topak mo," sabi niya mayamaya.

He laughed. "I like that. I really like that." Isang beef strip na naman ang nai-shoot nito sa bibig niya. "Ako, hindi mo ba tatanungin why I like you?"

"Bakit nga ba?" tanong niya kahit may laman pa ang bibig.

"Because you talk and chew at the same time."

Napahiya, dinampot niya ang wineglass at tinungga ang laman niyon.

"It means, you do what you want to do regardless," dugtong nito. Napatigil siya sa pag-inom. "Example, pumasok kang katulong dito kahit hindi ka naman mukhang maid."

"Malaki kang magpasuweldo," sabi niya.

"That's right. Gusto mong kumita. Hindi ka nahihiyang matawag na 'katulong.'"

Tumango na lang siya dahil hindi siya komportableng pinupuri.

"We're so alike, you know," sabi nito.

"May topak din ako?" biro niya.

Kalahati lang ang tawa ni Alberto at nalaman agad niya kung bakit. Abala ito sa ibang bagay, kagaya ng paghipo sa braso niya. Kung si Caloy ito, baka pinukpok na niya ng bote ng alak dahil obvious na nananantsing.

Pero kahit parang ganoon ang ginagawa ni Alberto sa kanya, hindi niya ito mapag-isipan ng hindi maganda. He was caressing the back of her wrist like it was the most natural thing to do on earth, like he had found something amusing or interesting on her hand.

She did not have the heart to take her hand away or to stop him.

Then all of a sudden and—oh, so subtle!—he was holding her hand. Hindi nito iyon pinipisil. Basta nakahawak lang. Parang hindi sinasadya, pero nagustuhan niya kaya hindi niya binabawi ang kamay.

Hindi niya magawang tingnan ang binata. Hindi na rin siya makalunok ng pagkain. It was the most gut-wrenching moment of her life, it was also the most thrilling.

"Tapos ka na bang kumain?" tanong nito.

"O-o-h-hindi—Oo."

"Hindi pa ubos. Ubusin mo. I love to watch you eat. You seem so passionate," sabi ni Alberto, nasa mga mata ang tunay na kahulugan ng sinabi.

"B-busog na ako. Liligpitin ko na," ani Tipper at bumaba na ng stool.

"Hayaan mo na lang 'yan diyan. Wala namang ipis dito." Mabilis din itong lumabas mula sa likod ng bar counter. "Halika, may ipapakita ako sa 'yo." Hinagip nito ang kamay niya at dinala siya sa terrace, sa kaliwang bahagi ng palapag.

Humawak siya sa railing.

"Isn't it beautiful?" bulong ni Alberto, sa gulat niya ay nasa likuran na niya ito, ang mga kamay ay nasa baywang niya at ang bibig ay nakadikit na sa tainga niya.

Pero bago pa maipadala ng utak niya sa katawan niya ang tamang reaction—ang pag-iwas—nauna nang mag-react ang katawan niya. She felt something shoot up from her groin to her stomach and then back to where the weird sensation came from.

"B-beautiful." Bahagya na lang siyang nakaimik, pilit nag-concentrate sa tinatanaw nila. Hindi na niya maaninag ang dagat dahil madilim na at walang bituin kahit isa; ang buwan ay nakatago sa mga ulap. Pero sa dako pa roon, tanaw niya ang kislap ng maliliit na ilaw; isang bayan marahil ang natatanaw niya.

"And so are you, Tipper," sabi ng lalaki at pinihit siya paharap dito. Instinctively, alam na niya ang mangyayari. At sa halip na umiwas, ipinikit na lang niya ang mga mata.

When his lips met hers, she realized how helpless a woman could get in times like this.

naman siya����$(

Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon