TITIG na titig si Tipper sa kisame. Hindi niya mapaniwalaan ang kagagahang ginawa. After the passion, reason surfaced. Kung bakit naman laging nauuna ang kagagahan kaysa katinuan!
Making love to Algernon was not in her agenda, pero iyon ang nangyari. Hindi niya alam kung saang sulok ng isip niya hahagilapin ang paliwanag doon. Ayaw niyang tingnan si Algernon kahit gumalaw ito sa tabi niya; ang kamay nitong nakayakap sa bandang dibdib niya ay bumaba sa tiyan niya.
"May kapatid na si Conchita," walang ano-ano ay sabi nito.
Doon siya napabalikwas, parang binuhusan ng malamig na tubig. "Shit!" usal niya at mabilis na hinagip ang mga damit. Nagmamadaling isinuot niya ang mga iyon, dinampot ang tape recorder at isinilid sa bag.
"Saan ka na naman pupunta? Lalayasan mo na naman ako?"
"Kailangan ko nang umuwi," sabi niya at hinagod ng kamay ang buhok; basta na lang niya iyon ipinusod.
"Ihahatid kita. I want to see her." Bumangon din si Algernon.
"Her?" patay-malisya niyang tanong.
"I know all about her, okay? I want to see my daughter."
"H-hindi puwede, Algernon," sabi niya, hinahanap ang sapatos; nasa ilalim ng sofa ang isa.
"She's mine, bakit hindi puwede?" Pumasok ito sa bedroom.
Hindi niya mahanap ang kapares ng sapatos. At sa kalituhan, lalo lang siyang nahirapang maghanap. Ang balak sana niya ay tumakbo na habang nasa bedroom si Algernon. Pero nasaan ang buwisit na sapatos niya?
"Let's go," sabi nito paglabas, naka-jeans na at pulang sports shirt.
"Hindi ka puwedeng sumama, Algernon. Utang-na-loob, huwag mo nang guluhin ang buhay ng anak ko. Hayaan mo na lang kami, please—"
"Ano'ng sinasabi mo diyan? Bakit ko pababayaan ang anak ko? And she's only three years old, paano mo masasabing magugulo ang buhay niya? I want to see her."
"Ayoko, utang-na-loob, please—"
"Nonsense," sabi nito. "Let's go." Hinila nito ang kamay niya.
Wala siyang nagawa kundi ang magpahila dito hanggang sakay na sila ng kotse nito.
Pero hindi niya ito puwedeng ipakilala kay Conchita. Masasaktan lang ang anak niya, pati siya, dahil aasa pa silang mag-ina gayong alam na alam naman niyang wala siyang dapat asahan dito. Hindi nila pag-aari ito. Hindi naman siya nito pakakasalan.
Mas mabuti pang si FPJ na lang ang kilalaning tatay ng anak niya; at least, nakikita si FPJ sa TV. Si Algernon, kailan lang ito makikita ng anak niya. Kaysa magtanong nang magtanong si Conchita kung nasaan ang ama nito, mas mabuti pang hindi na nito kilala ang ama. Kapag malaki na ito at husto na ang pag-iisip, saka siya magpapaliwanag. Tatanggapin niya kahit magdamdam ang anak.
She knew Algernon could be charming, so loving, so kind. At kapag naranasan iyon ni Conchita, hahanap-hanapin nito iyon, at masasaktan lang ang bata kapag nawala na si Algernon. She knew he would give their daughter too much, pero sa isang iglap, he would take all those away, kagaya ng ginawa nito sa kanya noon.
Hindi siya papayag na danasin ng anak ang ganoon.
"Kailangan kong mag-CR, Algernon, pakihinto naman diyan sa fast-food store. Saglit lang ako," sabi niya.
"Bakit hindi pa kanina sa hotel?"
"Ngayon ko lang naramdaman, eh," sabi niya.
"Okay, you're the boss." Ipinarada ni Algernon sa bakanteng espasyo sa harap ng fast-food restaurant ang sasakyan. "Take your time."
Hindi nagpahalata si Tipper na tensiyonado siya nang bumaba; hindi siya nagmadali. Pagpasok niya sa fast-food outlet, nabuhayan siya ng loob dahil maraming tao at may isa pang pinto. Pumasok muna siya sa comfort room. Inilugay niya ang buhok, ipinasok sa slacks ang blouse; she did all she could to alter her appearance. Lumabas siya ng banyo at nag-obserba. Nang makita niyang may isang grupo ng mga kabataan ang papalabas sa kabilang pinto ay mabilis siyang sumunod. Salamat sa naglalakihang posters ng pagkain sa mga salaming dingding—pasimple siyang sumabay sa mga papalabas. Nang makalabas na, walang lingon-likod na tumakbo siya sa kabilang direction. Bawat makasalubong na taxi ay pinapara niya. At ganoon na lang ang tuwa niya nang may humintong isa. Ibinigay niya sa driver ang address nila.
BINABASA MO ANG
Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR)
RomanceDahil frustrated sa trabaho bilang real estate agent, tinanggap agad ni Tipper ang alok ng TV personality na si Margot Soriano na magpanggap na maid at mag-apply kay Alberto Fierro, ang action superstar na kasalukuyang nagtatago sa Tranquility Islan...
