Chapter 6

15.1K 381 24
                                        


"DALAWANG metro na ho ito," sabi ni Tipper nang mapagmasdan ang luwang ng hinuhukay nila. Wala pang isang metro ang lalim niyon pero paluwang nang paluwang. Pareho na silang pawisan ng amo.

Tumuwid din ito ng tayo at pinagmasdan ang ginawa nila. "Hmm..." Hinimas nito ang cleft chin; humaba na yata agad ang stubbles doon. "Sige lang, ituloy natin."

"Masyado na ho itong maluwag para kay Machiavelli," tukoy ni Tipper sa nasawing tandang. Kung ano-ano na ang napag-usapan nila, kasama na ang pangalan at lahi ni Machiavelli. Twenty thousand pesos ang presyo nito.

"Ike-cremate na lang natin si Machiavelli," sabi nito.

"Ho? Eh, bakit pa tayo naghuhukay?"

"Gagawa tayo ng swimming pool," bale-walang sagot nito.

"Naku po!" naiiling niyang bulalas. Akala niya, alam na niya ang ibig sabihin ng "eccentric." Ngayon lang pala niya iyon lubusang nalaman.

"Sige lang, galingan mo ang paghuhukay," he urged. "Olympic-size ang gagawin natin at lalagyan natin ng buhangin sa ilalim."

"Eh, di tubig-dagat na rin ang ilagay natin," suhestiyon niya.

"Good idea!" Pagkatapos ay umiling ito, ngingisi-ngisi. "Ang laki rin ng pahid mo."

She burst out laughing.

"Ang mabuti pa, magluto ka muna ng tanghalian natin. 'Tapos, dalhin mo rito, magpi-picnic tayo."

"Yes, Boss."

Hanggang kusina ay nakangiti si Tipper, hindi mapaniwalaan ang nangyari sa umaga niya. Artista talaga ang amo niya. Akala talaga niya kanina, galit na galit ito sa kanya. Muntik na niyang i-suggest na bawasin na lang sa suweldo niya ang halaga ni Machiavelli.

Pagkatapos ay bigla na lang itong naging joker. Kahit iyong mga jokers sa kalye nila, hindi pa siya napapatawa kagaya ng pagpapatawa sa kanya kanina ng actor.

Parang mahal na niya ang amo.

Hindi niya napigilan ang sarili na silipin ito mula sa kusina. Sige pa rin ang lalaki sa paghuhukay. Ang puting polo nito, basa na ng pawis. Marumi na rin ang pantalon nito. Wala pa rin itong tsinelas.

Naramdaman naman yata ng lalaki na may nakatingin dito kaya lumingon. Huli na para makapagtago siya. Huling-huli siyang nakasilip sa pinto. Itinigil nito ang paghuhukay, nginisian siya.

"Gaya-gaya ka, sulyap-tulingan ka na rin sa akin," sabi nito.

"I-itatanong ko lang kung ano ang gusto n'yong lutuin ko."

"Palusot ka pa. Alam na alam ko na ang mga sulyap na ganyan. Ikaw na ang ipanganak na guwapo?" He looked too serious, he could only be joking.

"'Kapal!" Isinara ni Tipper ang pinto.

Nagprito siya ng liempo at nagsigang ng maliputo. Nang ilabas niya ang mga iyon pagkalipas ng may dalawang oras, nagulat pa siya nang makitang may mesang kahoy na sa tabi ng hinuhukay nila at may nakalatag doong dahon ng saging.

"Wow, para tayong nasa beach!" sabi niya.

"Ano ba'ng palagay mo rito, hindi beach? Hayun lang ang dagat, o." Itinuro nito ang gawing kaliwa. Tanaw nga ang karagatan mula sa kinaroroonan nila.

Napahiya siya pero hindi nagpatalo. "Ang beach, tabing-dagat, 'yong maraming buhangin. Wala naman tayo sa tabing-dagat, eh."

"Aba, nangangatwiran ka na! Hindi pa man—" Parang hinayaan talaga nitong ibitin ang sinabi.

"Hindi pa man ano?" Walang pagsidlan ang kilig ni Tipper. Posible kayang nagka-crush din sa kanya ang lalaki? Bakit hindi? Maganda raw naman siya, sabi ng mga tricycle drivers sa kanila. Sabi pa ng lola niya, kamukha raw niya si Paraluman. Wala namang masama kung mangarap siya. "Sinasabi ko lang ang punto ko. Kumain na ho tayo," sabi niya.

"Ho ka pa nang ho diyan, kanina mo pa ako pinagnanasaan," sabi ni Alberto na maski yata ang ama ng psychology ay mahihirapang ipaliwanag.

ate angkauPe(

Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon