Chapter 15

14.1K 301 2
                                    


"M-MAY assignment ho ako, Inay, sa Mindoro, at isasama ko si Conchita para makapamasyal na rin siya. May bahay naman ho roon ang mama ni Margot, may mag-aalaga kay Conchita," sabi ni Tipper sa ina habang nag-eempake siya ng mga damit nila ng anak.

"Magtatagal ba kayo roon, anak?"

"Mga isang linggo lang ho. Gagawa lang kami ng documentary tungkol sa minority groups doon. Kaunting leisure na rin." Huwag lang sanang mahalata ng nanay niya na takot na takot siya. Siguradong sa mga oras na iyon ay hinahanap na siya ni Algernon.

Pero mamamatay muna siya bago nito masaktan ang damdamin ng anak. Hindi bale na siya; dapat lang siyang masaktan dahil gaga siya. Pero walang kasalanan si Conchita; hanggang may magagawa siya, walang puwedeng makasakit dito.

Hindi bale nang walang kilalaning ama si Conchita, kaysa naman maging masayang-masaya ito at pagkatapos ay mabuhay sa kalungkutan at pag-aasam. Algernon could not do that to her daughter.

WALANG choice si Tipper kundi ipagtapat kay Margot ang buong katotohanan. Nakipag-argumento ito sa kanya. May karapatan daw si Algernon na makilala ang anak nila. At obligasyon niya bilang ina na ipakilala sa anak niya ang tunay nitong ama—at kabaliwan na si FPJ ang ituring na ama ng bata. Pakiramdam niya, gusto na siyang kutusan ng mentor-friend niya.

"Pero mare-realize din naman ni Conchita na hindi talaga si FPJ ang tatay niya. Bata pa naman siya, kaya hinahayaan ko lang. Pero hindi puwedeng makilala niya si Algernon, Margot. Please, kailangan naming magtago sa kanya. Baka kunin niya si Conchita sa akin, mamamatay ako—" pakiusap ni Tipper.

Bandang huli ay nanahimik na lang ang babae at inihatid silang mag-ina sa condominium unit nitong walang nakatira.

"Eh, di on leave ka na rin ngayon?" sabi nito nang nasa condominium unit na sila.

"Oo. Pero kapag umalis na ng Pilipinas si Algernon, uuwi na kaming mag-ina."

"Kung aalis siya. Eh, sabi mo nga, gustong-gusto niyang makita ang anak niya, aalis ba agad 'yon?"

"B-busy siya, hindi puwedeng magtagal pa siya rito," sabi niya, wanting desperately to believe that. Pero may contingency plan naman siya. Mga isang linggo lang silang titigil ng anak sa unit ni Margot; araw-araw ay maghahanap silang mag-ina ng malilipatan. Kapag may nahanap na siya, lilipat sila at maghahanap na ng yaya. Siguro naman ay sapat na ang isang buwang leave para maisagawa niya ang plano.

"Sana maintindihan mo, Margot. Paaasahin niya si Conchita kagaya ng ginawa niya sa akin. Kawawa naman ang anak ko."

"Naiintindihan ko. Ikaw na ang bahala rito. Pasensiya ka na, walang stock sa ref. Pero tawagan mo na lang ako kapag may problema," sabi nito.

"Thanks. Balang-araw, makakaganti rin ako ng utang-na-loob sa 'yo."

"Nonsense!" nakangiting sabi ni Margot at iniwan na sila.

"Mommy—" anang anak niya. "Dito na tayo tira?"

"Pansamantala lang, anak. Sleep ka muna. Mamaya, mamamasyal tayo, okay?" Inabutan niya ito ng dede at pinahiga sa sofa. "Sleep ka muna, ha?"

"'Yoko rito, Mommy. Kulong ako, takot—" Isinalpak nito sa bibig ang tsupon.

Napangiti naman si Tipper. Iyong elevator ang tinutukoy nito. Nang sumakay sila roon kanina, napansin agad niyang nanigas ito, nanlaki ang mga mata at tahimik na tahimik. Nang umakyat iyon, ganoon na lang ang yakap nito sa kanya.

Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon