Chapter 4

14.3K 357 2
                                    

"HUWAG na huwag mong kalilimutan ang kape sa umaga. Importante 'yon. Umiinit ang ulo ni Boss Al kapag walang kape paggising niya," sabi ni Caloy. Nasa ibaba sila, sa opisina raw nito, sa kaliwang bahagi ng lobby.

"Okay, hindi ko kalilimutan," paniniguro ni Tipper. Alas-siyete na ng gabi and she was wondering where her boss was.

"Kapag naghanda ka ng pagkain, iwan mo na lang sa mesa sa komedor. Kakainin ni Boss 'yon kapag nagutom siya—"

"Paano kung lumamig na?"

"Walang problema. Basta gutom si Boss, kakain 'yon. Hindi mo na siya kailangang tawagin. Ayaw na ayaw niya ng ganoon. At ang importante sa lahat, hindi ka aakyat sa fourth floor nang walang permiso galing sa kanya. Uulitin ko, sa kanya. Hindi sa akin o kung kanino pa man. Siya lang ang magbibigay ng permiso sa 'yo kung puwede kang umakyat sa fourth floor."

Salitan sa pagtaas ang dalawa niyang kilay. "Bakit ganoon?" tanong niya. Bakit parang iba ang Alberto Fierro na kilala ni Caloy sa Alberto Fierro na kilala niya?

"Huwag ka nang magtanong. Basta sundin mo ang mga sinabi ko sa 'yo at wala kang magiging problema. Kapag sumuway ka, naku, malilintikan ka! Masamang magalit si Boss."

"Ang alam ko, mabait siya," sabi ni Tipper.

Biglang umingay ang radyo sa baywang ni Caloy. "Charlie Mama, break, break—!"

Sinagot nito ang tumatawag, "Go ahead, Alpha One."

"Dalhan mo ako ng pintura dito. 'Yong dumating kahapon, nasa storeroom."

"Yes, Boss. Ngayon din, Boss—"

"Si B-Boss 'yon?" tanong ni Tipper, hindi malaman kung excited o ninenerbiyos.

"Oo."

"Nasa'n siya?"

"Nasa yate. Pinagtripan na naman ang bangka niya," naiiling na sabi ni Caloy at nagpaalam na sa kanya.

Naiwan siyang hindi alam ang iisipin. 

Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon